When you have been used to being weak, being strong is a big leap.
When pain has been constant, healing is so distant.
Amidst these lash of hatred and disappointment. ok
You learn how to be much more than what you have been before.
You learn to be strong, to be stronger and become the strongest.
Then maybe after this, I will be happy.
Or will I?
************************************
To be married to your long time crush is like watching a fairytale came true. Ganyang-ganyan ang nangyari sa akin. Yung taong hanggang panaginip mo lang, sa di inaasahang pagkakataon naging totoo. Yung taong hanggang tingin ko lang, ngayon ay nakatingin na sa akin. Yung taong tanggap ko nang hindi pwedeng maging akin, ngayon pwede ko nang angkinin. Today is the happiest day for me-- my wedding day. Alam ko lahat naman ng bride, isa ito sa pinakamasayang araw para sa kanila , pero naniniwala akong mas masaya ako kumpara sa kanila. Sa wakas, magiging Mrs. Villanueva na ako. haaayy, I feel like floating on cloud nine.
hoy! Freesia! alam kong araw mo ngayon, pero pag ikaw hindi tumigil diyan sa ngiti mong parang ewan babatukan na talaga kita!
Yssa, Ang saya ko, alam mo yun. Sa lahat ng kamalasang dinanas ko noon, I can now finally say na ang swerte ko.
Bwesit ka talaga! wag ka ngang umiyak, naiiyak ako potek!
Yung bibig talaga nitong babaeng to. Pinunasan ko na ang luha ko dahil ayokong may bahid ng lungkot ang pinaka masayang araw sa buhay ko.
Pero sa totoo lang friend, masaya rin ako para sa iyo. Akalain mo yun, ang pinakagago sa mga kaklase natin noon mapapangasawa ang pinaka inosente sa klase. Iba talaga kamandag mo Fresia!
hahaha, ano kaba Yssa, hindi naman gago si Franco kung magiging patient kalang sa kanya makikita mo yung inner beauty niya.
Oo na! sige na ikaw na masaya, ikaw na may lovelife! hmp!
Pagkatapos naming mag usap ng bestfriend/maiden of honor ko dumating ang parents ni Franco. Ngumiti ako sa kanila at tumayo upang batiin sila.
No need hija, saglit lang naman kami dito. Gusto ko lang magpasalamat at dumating ka sa buhay ng anak namin. We have never seen our son so happy than the moments with you. Kaya alam naming magiging masaya ang buhay mag asawa ninyo.
Salamat rin po Mama and Papa sa pagtanggap niyo po sa akin. Alam ko pong wala akong bagay na pwede ninyong ipagmalaki at sobrang layo po namin ni Franco pero boung puso niyo parin po akong tinanggap kaya salamat po. Kayo na po ang pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Begin Again
Fiksi UmumA fairytale love story, but will it have its own happy ending? The only man I'll ever love, alam kong siya at siya parin ang pipiliin at mamahalin ko. Until my sunset sets forever. The man who showed me love, my light in the darkest time of my life...