Limang araw ang lumipas mula nang umalis si Freesia sa bahay nilang dalawa Franco. Nagsimula nang mapansin ni Franco ang pagbabago sa bahay nila. Nasanay na siyang pag gising niya sa umaga laging nandyan ang asaw niya sa kusina naghihintay na may ngiti sa mga labi nito, umaasang pagbibigyan niya ng pansin at samahan itong kumain. Isa ito sa mga di kayang tingnan ni Franco kaya lagi na siyang gumigising ng maaga at umuuwi ng gabi upang iwasan ang asawa nito. Ngunit sa araw na iyon hindi sinasadyang nahuli ng gising si Franco, ngunit sa halip na makita ang asawa nitong naghihintay sa kanya isang nakakabinging katahimikan at yumapos sa boung katawan ni Franco. Doon niya lang namalayan na parang may mali sa bahay niya ngunit sa halip na alamin ang rason sa pakiramdam niya, pinagpatuloy niyang umalis at magtrabaho at inisip na sumama lang ang asawa nito sa kanyang kaibigan.
Pilit mang inaalis ni Franco ang kaba sa kanyang dibdib hindi niya maitatanging nandoon ang presenya nito. Sa Tatlong meeting na sinalihan nito laging napupuna ng kanyang sekretarya ang pagkawala sa wisyo ng boss, biglang natutulala at pinaglalaruan ang singsing nilang mag-asawa. Ito ang unang bese na nakita ng sekretarya na sobrang balisa ng amo nito kaya naman ng matapos ang huling pangatlong meeting nito, napagdesisyonan niyang ikansela ang natitirang dalawa pang meeting. Hindi naman sobrang importante ng mga susunod na meeting kaya lumapit ito sa kanyang boss upang ipagpa alam ang ginawa niya.
' Sir Franco, kinansel ko na po ang remaining meetings niyo para sa araw na ito'
'I didn't order for any cancellation Lica.'
Isang ngiti ang ginawad ng kanyang sekretarya sa kanya bago ito sumagot.
' Sir, sa tagal ko pong naging sekretarya sa inyo alam ko pong may bumabagabag sa inyong isipan at alam ko rin po na may kinalaman ito kay maam Freesia. Sir ang kompanya at trabaho niyo po mabubuhay ito kahit wala kayo, pero alam ko pong hindi kayo mabubuhay kapag mawala si maam Freesia sa inyo kaya sige na po ayusin niyo na yan ako na po bahala dito.'
Pagkatapos marinig ang mga salita ng kanyang sekretarya , agad na kinuha ni Franco ang mga gamit niya at naghanda ng umalis.
'I owe you one Lica'
'Good luck sir!'
Mabilis na ng maneho si Franco pauwi sa bahay nila. Alas tres ng hapon kaha mataas ang kutob niya na nasa bahay lang si Freesia sa mga oras na iyon. Pagkalabas niya mula sa sasakyan agad na ng tungo si Franco sa sala, dahil madalas tumambay ang asawa nito sa tuwing nagtatrabaho ito. Ngunit sa halio na makita ang asawang naka upo sa sala isang katahimikan ang muling sumalubong sa kanya. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya, pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman niya sa puso niya, may ideyang pumapasok sa isip niya nguniy hindi niya kayang tanggapin ang ideyang ito.
'Freesia!'
'Freesia!'
'Freesia! nasaan ka?!'
'Damn it!'
Mabilis pa sa alas kwatrong lumabas ng bahay nila si Franco at pinaharurot ito papunta sa bahay nila Yssa. Mabilis na katok sa pinto ang ginawa nito.
'Ay! sino ba yan! hintay naman!'
Pagbukas na pagbukas ng pinto, walang pahintulot na pumasok si Franco at hinanap sa bawat madaan nito ang asawa niya.
'T-teka teka nga! Franco! anong ginagawa mo?!'
Biglang huminto sa paglalakad si Franco at hinarap ang kaibigan ng asawa. Hindi makagalaw si Yssa ng makita ang mukha ni Franco. Hindi yun ang mukhang inaasahan niyang makita. Sobrang pawis ang mukha nito at kitang-kita sa mukha ang takot na nararamdaman nito.
'Yssa, asan si Freesia?'
Naaawa man sa mukha ni Franco, biglang bumalik lahat ng galit nito ng tanungin ito tungkol sa matalik nitong kaibigan.
BINABASA MO ANG
Begin Again
General FictionA fairytale love story, but will it have its own happy ending? The only man I'll ever love, alam kong siya at siya parin ang pipiliin at mamahalin ko. Until my sunset sets forever. The man who showed me love, my light in the darkest time of my life...