chapter 4: Unexpected

85 18 0
                                    

Owen's pov

"Hays sa wakas," narinig kong sabi nung babae sa tabi ko nang magdismiss na ang teacher namin.

"Hey Circe sama ka sa amin?" tanong ko sakanya dahil kaibigan naman ata siya ni Aicel dahil siya pala 'yong kasama ni Aicel kanina.

"Hmmm?" narinig kong sabi niya. "No thanks," dugtong pa niya at inayos na niya yung bag niya.

"Okay Ai," sagot ko sa kanya, sabay kindat bakas naman sa mukhang niya ang pagtataka kaya napangiti ako rito.

"Ai?" tanong niya sa akin.

"Yes Ai?" pabalik kong tanong sakanya, at nginisihan ko nalang siya.

"Nevermind," sabi niya sa akin at tuluyan ng tumalikod.

"See you later Ai," hiyaw ko sakanya at lumingon naman siya na parang may pagtataka sa mukha niya at may halong inis hahaha.

Circe pala ha, two nights mo akong ginulo sa panaginip ko ngayon ako naman ang gugulo sayo. Pero ang ganda niya lalo na sa malapitan. Pag it-

"Hoy bangag ka na naman," sabi ni Eiyen sabay dunggol sa akin. Nakita kong kasama na niya yung dalawa sa likod niya.

"Mga gago nakita ko na 'yong crying lady," pagyayabang kong sabi sa kanila.

"Good for you," sabi ni Troy.

"Congrats bro," sabi pa ni Eiyen.

"Para kang gago," dagdag naman ni Acel.

"Kaklase ko pa nga eh and we're seatmates," dagdag ko pa sa pagyayabang ko. Wala namang pake yung tatlo wala rin akong pake sa kanila basta ako masaya.

Naglalakad na kami papunta sa tinatambayan namin nang may. "Hoy tol maganda si Crying lady?" biglang tanong ni Eiyen sakin. Puta aagawan pa ata ako neto.

"Gago," sabi ko nalang sakanya.

"Gago kasi seryosong nagtatanong eh," sabi niya saakin habang umuupo.

"Oo naman she is beautiful but not like those girls," sabay turo ko sa mga babaeng naglalakad.

"Kuya," narinig ko namang tawag ni Aicel sa kuya niya. Habang papalapit samin. Nilingon naman siya neto.

"Guys," tawag niya sa amin pero hindi ko na siya nilingon. "Meet Circe my friend," dugtong pa niya napalingon naman ako dahil narinig ko yung pangalan na yun.

"Oh Hi I'm Eiyen" sabi ng gago at agad lumapit kay Circe.

"Hey, Acel, here," sabi naman ni Acel. Tinitingnan ko lang sila baka kasi may magtangkang hindi katuwa tuwa yung tatlong gago.

Si Troy naman hinihintay kong magpakilala pero hindi ito nagpakilala. "Troy introduce yourself kaya," sabi ni Aicel sabay irap dito.

"No need na Aicel, I already know him," nagulat ako sa sinabi ni Circe. Ay puta inunahan na pala ako ng gago tiningnan ko ito, nakatingin din ang gago sa akin at mukhang namimwiset.

"Ai san mo nakilala si Troy?" tanong ko kay Circe dahil alam kong hindi naman ako sasagutin ni Troy, bakas naman ang gulat sa mukha niya ng makita niya ako.

"Bakit andito ka?" Taning nito.

"Told you we will see later, right?" Nakangisi king sagot dito.

"So saan kayo nagkakilala ni Troy?"

"Sa cafeteria" tipid na sagot ni Circe.

"God, ikaw yung crying lady?" Narinig kong sabi ni Eiyen. Gagong to, nakita kong parang nahiya si Circe.

I'm Always Into You • Promise#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon