chapter 23: Trust

52 8 0
                                    

Owen's pov

"O M G! I can't wait for the wedding," kinikilig na sabi ni Aicel nang malaman niyang ikakasala kami.

"Nawala ka lang saglit ikakasal kana agad," sabi naman ni Eiyen sa akin.

"Gago nagseselos ka nanaman," pang-aasar ko rito sabay binatukan ko.

"Gago ka rin masaya na ako kay-" hininto niya ang sasabihin niya at tumingin kay Aicel.

"Bakit hindi mo sila sinama?" Tanong naman ni Troy.

"Pagod daw siya, kaya pinagpahinga ko nalang," sagot ko naman dito

"Bakit kasi pinagod mo?" Sabat naman ni Acel.

"Gago, may pinuntahan kasi kami kahapon kaya ayun napagod," sagot ko rito, mga gagong 'to kung ano ano mga ansa utak.

Sa isang linggo ay ikakasal na kami. Napakabilis ng oras parang noong isang araw lang eh nagproposed ako sakan'ya tapos next week kasal na.

"Owen kasama ba si Jea sa bridesmaids?" Tanong ni Aicel saakin. Siya kasi ang kinuha kong wedding coordinator dahil nag volunteer naman na rin siya.

"Bakit naka uwi naba siya?" Tanong ko sakan'ya dahil hindi pa kami nakakagraduate eh pumunta siya sa Singapore para doon ituloy ang pag-aaral niya.

"Yes, tinatanong ka nga," sagot naman ni Troy sa akin.

"Kailan pa?"

"Yesterday," tipid na sagot nito.

"Owen pag ako kinasal, sa wedding coordinator n'yo lang," sabi naman ni Eiyen sa akin at inakbayan ako.

"Sige galingan mo hayop ka," sabi ko rito at nakatingin naman sa amin si Acel.

"Kunyari may binubulong ako sayo," bulong ko kay Eiyen. "Tumawa ka gago," dagdag mo pa.

"Mga gago parang mga bata."

Natawa naman kami ni Eiyen ng nakita naming bwiset na si Acel sa amin. Gago kasi katanda tanda na ng kapatid eh ayaw pang payagan hahaha.

Bigla namang tumunog yung phone ko "Yes?" Sagot ko rito.

"Hindi p'wede," sagot ko rito dahil gusto daw niyang makipag kita. Kaya binaba ko na eto. Ang kulit.

"Who's that?"

"Si Zia," sagot ko sakanila.

"Ah 'yong baliw mong Ex," sabi naman ni Eiyen.

"Hindi ko Ex 'yon."

"Talk to her, baka sa kasal n'yo eh pumunta 'yon at sabihin 'yong famous line na itigil ang kasal," natatawang sabi ni Acel. Hindi ko naman hahayaan na ganunin nun yung kasal ko.

"She is Circe's cousin," sabi ko sa kanila.

"Owwww exciting," sabi naman ni Eiyen gagong to anong exciting doon.

"You should," sabi naman ni Troy nang tumingin ako sakanya.

Nag-isip naman ako, wala namang mawawala pag kinausap ko siya mas mapapabuti pa ang lahat dahil malilinawan siya sa kabaliwan niya.

"Sige, I'll talk to her," tumayo na ako at iniwan ko sila dun.

"Mag usap na tayo," tawag ko sakanya.

"Sige wait for me," sabi ko sakanya ng sinabi niya kung saan kami mag kikita.

Med'yo malayo rin ang restaurant na sinabi niya kaya inabot ako ng 30 minutes sa pagmamaneho bago ako makarating. Nakita ko naman siya agad sa loob kaya pumasok na ako.

I'm Always Into You • Promise#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon