chapter 9: Kidnapped

59 15 0
                                    

"Tol kinakabahan ka ba?" tanong ni Eiyen habang natatawa.

"Gago," sabi ko sakanya at binatukan ko siya.

"Daig mo pa mag aaya magpakasal ah," sabi naman ni Acel sakin.

Kasalanan ko bang kabahan ako, 9 months kaming nagpanggap na kami ni Circe. Paano kung hindi pumayag yun na maging girlfriend ko puta kinakabahan talaga ako.

Nandito kami sa parking at hinihintay ang pagdating ni Circe. Sinabi ko kasing hindi ako makakapasok ngayon dahil may sakit ako kaya hindi ko siya maihahatid pauwi.

"Owen hindi mo ikakamatay pag hindi pumayag si Circe," sabat naman ni Troy.

"Gago ngunit may pagtingin ka kay Circe eh," sabi naman ni Acel. Kaya nanahimik nalang si Troy.

Nakahanda ang lahat, sila Aicel ang nag ayos nagpagdadalan kay Circe kinausap ko din yung kaibigan ni Circe na si Lein. Para pag pauwi na si Circe may mag inform samin.

Ang plano ay pagpasakay na siya sa sasakyan niya kikidnapin siya ng tatlong gago kaya may mask silang suot para hindi sila makilala. Tapos dadalin siya sa Villa Rewisia yung malapit na resort sa school at maghihintay ako dun.

"Hi Eiyen," naputol naman ang iniisip ko nang narinig kong may bumati kay Eiyen.

"Hi baby," sabi naman niya dito sabay kinindatan.

"Wag ka munang gumanyan," sabi ko rito at biglang tumunog yung phone ko sinagot ko naman agad ito.

"Owen, papunta na siya diyan," sabi agad ni Lein sa linya.

"Sige thank you," sagot ko sakanya at nagmadali kong patayin ang phone.

"Andiyan na raw siya mga gago ayusin nyo," sabi ko sakanila. "Alis na ako," paalam ko sakanila para makapunta na ako sa resort.

Ito na yun, hindi ko alam kung ano mangyayari sa tatlong gago na yun pero baka may masaktan sakanila. Bahala na kung sasagutin niya ako o hindi basta ako nag-try ako. Kaysa naman mamatay ako na may panghihinayang dahil hindi ko to sinubukan.

Im not worried about dying, I'm worried about dying with regrets.

Unang pagkikita palang namin ni Circe naging importante na siya sa akin. Lalo na sa nagdaang siyam na buwan lalo kaming naging close sa isat isa.

Hindi namin hininto ang pagiging fake boyfriend ko dahil napalapit na rin ako sa Mama niya. Pinipilit niya akong hintuan na yun dahil nahihiya raw siya sa akin pero nagmatigas akong ituloy pa.

Nahinto ang iniisip ko nang papasok na ako sa gate ng resort. Nag-park ko na ang sasakyan, nakita ko naman si Aicel kasama ng mga kaibigan niya na nasa labas ng room na inayos nila.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila kaya pumasok na ako sa loob. Pero nainip ako kaya sumilip ako sa pinto nakita ko naman nagwawala si Circe kahit na naka blindfold siya halatang umiiyak siya. Shit parang mali tong ginawa ko. Ayokong nakikita siyang umiiyak ng ganyan.

Pinasok na nila si Circe at itinali sa upuan na nasa gitna at lumabas na sila kaming dalawa nalang ang nandito.

"Ano ba kailangan nyo?" Umiiyak niyang tanong.

"Ai,"mahina kong sabi napahinto naman siya sa pag iyak.

"Owen, help me," paghingi niya ng tulong sa akin.

"Ai, simula noong makita kitang umiiyak hindi na ako mapakali parang gusto kong gulpihin kung sino man ang nagpaiyak sayo nung araw na yun," pag uumpisa ko.

"Kaya noong nakita ko yung depungal na Neo na yun parang gusto ko siyang bugbugin hanggang sa hindi na makita yung mukha niya," dugtong ko at lumapit ako sa kanya.

I'm Always Into You • Promise#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon