chapter 22: Box

51 9 0
                                    

"Ai hinga, hindi ka nila kakainin," napatingin naman ako kay Ai, nandito na kami sa kanila at napakadami nila. Siguro kung bubugbugin nila ako baka hindi ako makalaban.

"Grandfa!" Hiyaw naman ni Teo at tumakbo sa matandang nakaupo. Hindi ko man lang kilala.

"Hi guys this is Owen Nicholas," pakilala sa akin ni Ai. Piniga naman niya ng marahan ang kamay ko. At nginitian ko silang lahat. "Magsalita ka kaya," bulong sa akin ni Ai.

"Hi Sir I'm Owen Nicholas," lumapit kami sa lolo ni Ai.

"Oh I know Nicholas's business, but I don't know you," sagot nito sa akin. Napakamot nalang ako ng ulo.

"Mama," tawag naman ni Circe sa mama niya at niyakap niya ito.

"I want to talk to Owen, Circe," sabi nito at naglakad na kaya sumunod ako sakanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Circe's POV

"Circe, when's the wedding?" Tanong sa akin ni lola. Hala si lola talaga.

"Hindi pa po namin na papag-usapan," sagot ko nalang dito at hindi ko nga alam kung may balak akong pakasalan nung tukmol na yun.

"You should make another baby," sabi pa nito sa akin.

"Emilie 'wag mong ganyanin 'yong apo mo alam mo naman kung ano ginawa no'n sa apo natin," singit naman ni lolo habang buhat si Teo.

Talaga 'tong si lola at lolo kahit kontrahan ng kontrahan nagtagal sila.

"Sis!" Narinig ko naman yung pinsan ko kaya hinarap ko to.

"I missed you sis," sabi nito saakin at niyakap ako sinalubong ko rin siya ng yakap katagal na din namin hindi nagkita ah.

"Kaninong anak 'to?" Tanong niya ng makita niya si Teo. "Ang g'wapo g'wapo."

"This is Teo my son," sabi ko sakanya. "Say hi to Tita Zia," dagdag ko pa.

"Hi tita Zia."

"Siguro kung same kami ng age jinowa ko na 'yan," pagpapatawa nito. " Where's the father?"

"Kausap lang ni Mama pero mamaya ipapakilala ko siya sayo," tumango naman ito sa akin at kinuha si Teo.

Ano na kaya pinag-uusapan nila Owen at Mama. Sana okay lang sila kanina ko pa kasi napapansin na kinakabahan si Ai.

"Hi Circe," bati naman sa akin ng tito ko.

"Hi po," nginitian ko naman ito.

"Where's your husband?" Tanong nito sa akin. Hala wala pa ngang kasal husband agad.

"Wala pa po akong asawa," natatawa kong sabi sakanya.

"Ai," tawag naman sa akin ni Owen na nasa gilid ko na pala.

"Ito na pala ang husband eh," sabi naman ni tita nang makita si Owen.

"Hi I'm Owen Nicholas," inabot naman niya ang kamay niya sa mga tito ko.

"Ai ano pinag-usapan nyo ni mama?"

"Asan si Teo?" Tanong naman niya sa akin. Siguro ayaw ishare yung pinag usapan nila kaya nagchange topic.

"Na kay Zia tara papakilala kita," hinila ko naman siya papunta kay Zia.

"Zia this is Owen, Teo's father," pagpapakilala ko dito. Nakita ko namang parang nagulat si Zia ng makita si Owen.

"Ow it's you Ostin," sabi nito, magkakilala kaya sila?

"Do I know you?"

"Before, pero siguro ngayon hindi na," sagot nito, ayt baka naman nakatrabaho.

I'm Always Into You • Promise#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon