chapter 8: Protected

41 13 0
                                    

Nagising ako ng maramdaman ko ang lamig na tumatama sa katawan ko kaya agad kong kinapa ang kumot para takpan ang katawan ko. Akmang tatayo naman na ako ay naramdaman ko ang sakit ng katawan ko. Daig ko pa nakipagsuntukan kahapon ah hindi nga lang ako lumaban.

Napatingin naman ako sa paligid.

Shit!

Asan pala ako?

Ang alam ko si Eiyen ang huling kasama ko kahapon bago ako mawalan ng malay.

Hala!

Agad kong Tiningnan ang suot kong damit at iba na ito.

This can't be.

"Hi girl," napalingon naman ako sa pinto ng bumukas ito.

Aicel?

Bakit andito siya?

"You don't have idea kung bakit ka andito, ano?" Nakangiti nitong tanong sa akin. Marahan naman akong tumango.

"Eiyen called me yesterday. He said you passed out on his arms tapos no'ng pinuntahan ko naman kayo hindi ko alam na nagpabugbog ka pala," ani nito."Look at your bruises, patay talaga ang gumawa sayo niyan for sure," sabi pa nito habang nakatingin sa mga pasa ko.

"Alam na ba ni Owen?" Tanong ko rito.

"Of course, andito nga siya kanina," ani nito.

"Eh kaninong place ito?"

"This is Eiyen's condo," tipid na sagot nito.

"We need to go to school na," sabi pa nito.
"You don't need to change, may pumunta rito kanina para linisan ka," ani nito at nginitian ako.

"Ano ba nangyari matapos kong himatayin?" Tanong ko rito habang i aayos ang sarili ko.

"Ayun nga Eiyen called me. Then I called Owen tapos sinabi niya dalin ka namin dito. Alam mo nasa Thailand nga siya eh tapos umuwi siya agad for you," napakunot naman ang noo ko dito.

Anong ginagawa niya sa Thailand?

"Ano ginagawa niya don?"

"Some business," kibit balikat na sagot neto at lumabas na sumunod na rin ako sakanya. Nakita ko naman ang bag ko na naka ayos din kaya kinuha ko na ito.

"Let's go na," ani nito at tuloy tuloy na siyang lumabas sa condo.

Napaka laki namang condo nito para sa isang college student. Iba talaga ang yaman nila. I'm sure kung pagsasama samahin ang yaman nila kaya na nilang bilhin yung mga nanakit sa akin.

Hahaha

Joke lang.

Naisip ko tuloy si Owen. Nakakahiya umuwi pa siya para lang sa saakin eh hindi naman niya ako totoong girlfriend. Nakakainis kasi yung mga papansin na yun eh. Pero mas okay na siguro na hayaan ko nalang sila. Pero pag ginawa nila ulit yun, hindi ko na papalampasin.

"Get in," ani ni Aicel ng makarating kami sa parking kaya sumakay na ako.

Nakita ko naman ang sarili ko sa salamin na nandidito. Buti hindi masyadong halata ang pasa ko sa labi at buti nalang naisip ng nagbihis sa akin na pants at long sleeve ang ipasuot sa akin dahil kung hindi Im sure kitang kita ang pasa ko sa katawan ko.

...

Ilang minuto lang ang nakalipas ay narating na kami dito sa University.

"Are you ready?" Napakunot naman ako sa sinabi ni Aicel.

Saan ako ready?

Lumabas na ako at nakita kong marami mga student na nakalabas at may pinagkakaguluhan. Kaya agad akong napalingon kay Aicel na nakatingin lang din duon.

I'm Always Into You • Promise#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon