chapter 3: Classmate

106 19 0
                                    

Jea's pov

Kanina pa ako kumakatok sa pinto na ito hays gusto ko na siyang makita ang tagal tagal, grrr.

Finally he open the door. Shit nilalantad niya ba talaga yong katawan niya shit shit shit. Sayang nakaboxer pa siya. Siguro sine-seduce niya ako. Bakit kaya hindi nalang niya sabihin na gusto niya ako hindi yung pinapakitaan niya ako ng mga ganito.

"Saan mo nakuha ito?" he asked me.

"Babe you're naked," dugtong ko pa baka kasi malamigan, magkasakit pa. Nakita kong tiningnan niya yung katawan niya.

"Sorry, thanks Jea," sabi niya sakin sabay kuha ng damit na hawak ko at sinara niya agad yung door.

"Okay, I'll wait for you, sabay na tayo pumasok," I shouted bago ako bumaba para mag breakfast.

Ang alam ko hindi nag bebreakfast si Owen kaya pagbaba niya papasok na kami. Excited na ako pumasok sa school kasabay niya I'm sure pagtitinginan kami cause I'm beautiful and he's so handsome naman we're so perfect talaga.

Habang kumakain ako nakita ko siyang bumababa. Papunta siya saakin, "Where did you get my clothes?" tanong niya sa akin.

"Pinabili ko Why? Ayaw mo?" tanong ko sa kanya, tiningnan niya iyong suot niya.

"No, it's fine," sabi niya sa akin sabay pisil sa cheeks ko. At umalis na siya.

Hindi ko malaman sa lalake na to ayaw pa talaga niyang umamin na gusto niya ako hays. Hindi ko napansin na wala na pala akong food dahil sa iniisip ko.

"Let's go na babe," aya ko sakanya para makapasok na kami nasa salas siya at nakaupo.

"Hatid mo muna ako samin para makuha ko yung sasakyan ko," sabi niya sa akin napasibangot naman ako dahil sa sinabi niya.

"Sabay na tayo then hatid nalang ulit kita mamayang uwian," tanong ko sa kanya na may kasamang puppy eyes.

"No need, sabay nalang tayo ngayon tapos kayla Acel nalang ako sasabay mamaya," sagot niya sa akin.

Sumang ayon nalang ako kesa naman di kami sabay pumasok sayang. Medyo malayo yung school namin kaya dinadal ko nalang muna siya. Madaldal din naman siya lalo na kung close niya yung kausap niya. Eh magkaclose kami duh

"Ma'am Jea andito na po tayo," narinig kong sabi ni Mang Toni. Hindi ko nalang pinansin.

"Sige po salamat," pagpapasalamat ni Owen sa driver ko nginitian naman siya nito. Napairap naman ako sa ginawa ni Owen.

"Tara na Jea," sabi niya at inalalayan akong bumaba ng sasakyan why so gentleman Owen lalo tuloy akong napo-fall sakanya hihihi.

Habang naglalakad kami tumingin tingin ako sa paligid at marami ngang nakatingin samin pero may isang girl na hindi ko nagustuhan ang tingin samin nakataas ba naman ang kilay kaya inirapan ko nalang siya at lumapit ako kay Owen at hinawakan ko ang kamay nito. Pero tiningnan lang niya ako.Naramdaman ko namang papunta kami sa mga kaibigan niya.

Pupunta na naman siya sa mga friends niya hindi ko na tuloy siya masosolo. Nasa isip isip ko.

"Hoy, Bakit hindi ka raw umuwi kagabi sabi ni tita?" tanong ni Acel sa lalaking nakatayo sa gilid ko.

"Kila Jea na ako natulog, pagod na daw siya gusto na niyang dumiretso sa bahay nila," kibit balikat niyang sagot sabay tingin saakin nginitian ko naman siya nang pagkatamis tamis.

Nag usap usap pa kami ng kung ano ano. "Jea," tawag sakin ng girl friends na ayaw lumapit at nahihiya ata. "Sige guys alis na ako," paalam ko sa kanila.

I'm Always Into You • Promise#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon