chapter 24: Resort

48 8 0
                                    

"Let's wait for her call," sabi ni Acel. Nandito silang lahat ngayon sa bahay. At naka standby din ang mga pulis.

"Ai are you okay?" Salubong ko kay Ai nang makita kong pababa ng hagdan. I'm sure hirap na hirap siya sa nangyayari ngayon kaya kailangan kong magpakatatag ngayon para sa kanila.

"I'm fine," sagot nito sa akin at namumugto pa ang mata.

"She is really obsess with you Owen," narinig ko si Troy sa gilid ko, alam ko yun kaya nga nag iisip ako ng paraan.

"Ai can you call Zia's mother?" Tanong ko kay Ai na tahimik lang. "Or ako nalang pahiram ng phone mo," bawi ko sa sinabi.

"Ako na Owen," sabi niya sa akin at kinuha niya sa kwarto ang phone niya. Sinundan ko naman ito.

"Ai okay ka lang talaga?" Tanong ko sakanya kahit alam kong hindi. Tiningnan niya lang ako at tuluyan ng bumuhos ang mga luha sa kanyang mata, agad ko naman siyang niyakap.

"Ai I know it's hard but please be strong for our son," sabi ko sakanya, gusto ko ng matapos yung sakit na nararamdaman niya kung pwede nga sa akin nalang lahat ng sakit nayun. "And for our baby," dagdag ko sakanya at hinawakan ko ang tiyan niya.

"Mababawi natin si Teo," binigyan ko siya ng halik sa kanyang noo.

Bigla naman tumunog ang phone niya kaya nilagay niya ito sa loudspeaker dahil si Zia ang tumatawag.

"Hi cousin," nakikinig lang ako sakanila, I know that they're tracking her phone now.

"Zia where's my son?" Tanong ni Ai dito, kung pwede lang hugutin yung babae na yun sa phone ni Ai ginawa ko na kanina pa.

"I want to talk to my Ostin, first," sabi nito, at alam kong ako ang tinutukoy neto, kaya kinuha ko na ang phone.

"Zia what do you want?"

"We need you Owen," sagot nato, ibig sabihin may kasama siya. At pinatay na niya ang tawag. We? Ibig sabihin may isa pa siyang kasama.

Bumaba na ako para tingnan kung natrack ba nila ang location ni Zia.

"May iba pa siyang kasama," sabi ko sakanila ng makababa ako.

"Who?" Tanong ni Eiyen.

"I dont know," sagot ko rito dahil hindi ko alam sa dinadaming babae kong nakilala hindi ko na sila maalala at hindi ko nga alam na gagawin ni Zia yung ganito tapos may kasama pa siya.

"I found her at Fausta Villa," sabi nung lalaking nagtatrack. Napalingon naman kaming lahat sa kanya.

"I know that place, resort ng family ni Jea," sabi ni Troy na tumayo agad.

"Oh? Meaning si Jea ang isa," sabi ni Acel. Yeah siya nga.

"Call their parents, fuck them," sumakay na kami ng sasakyan at narinig ko silang kausap ang magulang nung dalawang baliw.

Tinuro ni Troy ang daan, kaya nagmadali ang lahat para makapunta dun.

"Ai," tawag ko sa babaeng katabi ko at hinawakan ang kamay niya. Nilingon naman ako nito.

"I'm fine, we need to get our son Owen," sabi nito sa akin tumango naman ako at tinuloy ko na ang pagdadarive.

Nakarating na kami sa resort kaya dali dali akong bumaba para makapasok. Naghiwa hiwalay na kami para mas mapadali ang paghahanap sa anak ko.

"Babe."

Napahinto ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin, nakita ko naman si Jea na may hawak na baril.

"Where's my son?!" Sigaw ko dito.

"Babe calm down," malanding sabi nito sa akin. "Did you miss me?" dagdag pa nito at pinaglaruan ang hawak na baril.

"I need my son Jea," galit kong sagot dito

"Fuck, babe ano ba nakita mo sa bitch na yun? Mas maganda at mas sexy ako dun, mas mayaman pa ako," sabi nito sa akin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya para maagaw ang baril.

"Ow babe come here I know you love me," sabi nito sa akin.

"Give me your gun Jea," mahinahon kong utos dito.

"No! You need to choose between you'll come with me or your son's life," sabi nito sa akin. Nakita kong may mga lalaki ng naglabasan at may mga dalang baril ito.

"Daddy!" Narinig ko ang boses ng anak ko galing sa likod ko kaya napalingon ako dito. Nilapitan ko agad ito.

"Owen!" Narinig kong hiyaw ni Circe kaya napalingon ako sa kinaroroonan nun. Fuck bakit andito siya? At may narinig akong putok ng baril mula sa likuran ko.










Circe's pov

"Ma'am, mag stay lang daw po kayo sa loob sabi ni Sir," sabi sa akin nung pulis. Nang lumabas ako ng sasakyan dahil nag aalala na ako sa kanila.

"I need to go there, gusto ko makita yung mag ama ko," sabi ko dito kahit gusto kong umiyak parang naubos na lahat ng luha ko sa mga nangyayari sa amin ngayon.

"Ma'am bilin po kasi ni Sir na dito lang kayo," sabi pa neto.

I need to think kung paano ako makakapunta dun. Akmang tatakbo na ako para makapasok sa loob dahil hindi ko kaya pagmay nasaktan sa kanila.

"Ma'am kailangan nyo pong makinig," hinablot naman ako ng pulis, kahit anong pagpupumiglas na gawin ko ay hindi ako makawala.

Sinakay nalang nila ulit ako sa sasakyan. Ano na kayang nangyayari sa kanila I need to know kung ligtas ba sila. Hinawakan ko naman ang tiyan ko.

"Baby," kinausap ko ang maliit palang na umbok kong tiyan. "I'm sorry kasi nasa tummy ka palang ni mommy stress kana," dagdag ko pa at hinaplos ko ito.

Tumingin ako sa labas at nakita kong nagpasukan na ang nga pulis sa loob kaya lalo akong nag alala. Nakita ko naman ang nagbabantay sa akin busy sa pakikipag usap sa kasama niya kaya lumabas na ako ng sasakyan para makatakas dito.

Lakad takbo ang ginawa ko sa loob ng resort. Sobrang laki neto I know mahihirapan akong hanapin sila pero tinuloy ko parin ang paglalakad.

"I found you baby," narinig kong sabi sa akin ng lalaki at bigla ako netong hinablot. Pilit kong tinitingnan ang mukha niya.

Nakita kong dinala niya ako sa isang pool at maraming tao dun na may hawak na baril. Then I saw Owen and Teo.

"Owen!" Tawag ko kay Owen ng nakita kong tinutok nung babae ang baril sa likod ng Ai ko.

Parang gumuho ang mundo ko when I saw my man laying on the floor kasabay ng pagputok ng baril. Nakita kong nagdatingan ang mga pulis sa kinaroroonan ng mag ama ko. Gusto kong umiyak at magwala. Gusto kong pumatay. Pero hindi ko na magalaw ang buong katawan ko. Hindi ko na alam kung ano pa tong nararamdaman.

"Circe," narinig kong tawag sa akin ng isa sa kaibigan ni Owen. "Are you okay? Everything will be fine Circe," dagdag pa nito. Wala ng gustong lumabas sa bibig ko.

"Teo is fine Circe," sabi pa ni Acel. Gusto ko sanang tanungin kung okay si Owen pero nakita ko lahat ng nangyari I know his not fine. At alam kong may mga possible pang mangyari ng ayaw ng lahat.

Naramdaman kong sumakit ang tiyan ko, napakasakit neto. Tiningnan ko ito at nakita ko sa kinauupuan ko ang dugo. Hinawakan ko ito para makasigurado ako, ayokong mangyari to sa anak ko.

"Fuck, she's bleeding!" Sigaw ni Troy ng makita ang dugo sa mga kamay ko.

Dahan dahan ng nagdilim ang lahat sa paligid ko.

I'm Always Into You • Promise#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon