chapter 21: ILY,A

56 8 0
                                    

"Owen kumain kana nga lang dito wag ka ng sumimangot diyan," tawag sa akin ni Crice. Tiningnan ko lang siya, Sino ba namang hindi sisimangot sa sinabi niya sa akin.

"Daddy let's eat," hinihila naman ako ni Teo para makatayo.

Isang linggo na ang nakakalipas nung nakapagusap kami ni Circe. Masaya naman ako sa naging resulta ng isang linggong yun dahil mas komportable ng gumalaw si Circe sa akin.

"Ano ba kasing kinakagalit mo?" Tanong naman ni Circe sa akin at tumabi.

"Nothing, tsk."

"I love you Ai," narinig kong sabi niya sa akin para namang nabuhay lahat ng patay kong dugo sa katawan dahil sa narinig ko.

"What?" Gusto ko itong masigurado at baka nanggagago lang eh.

"I-LOVE-YOU-AI," ulit niya sa sinabi niya agad ko naman siyang hinila at inupo sa harap ko. Then I kiss her.

"Iwww," napahinto kami ng marinig namin si Teo. Agad naman tumayo si Ai sa harapan ko natawa naman ako dahil tarantang taranta siya.

"Teo when you're old enough you'll love doing that," sabi ko sa anak habang nakangisi.

"Owen wag mong sinasabi sa anak natin yan."

Parang maiiyak ata ako sa mga nangyayari ngayon sinabi niya na anak namin si Teo.

"Kaya manang mana sayo yan eh," dugtong pa niya.

"Dapat lumipat na kayo sa condo ko Ai," sabi ko sakanya at binigyan ko siya ng yakap mula sa likod.

"Okay na kami rito Owen," sabi niya sa akin. Napataas naman ang isa kong kilay. Nababaliw ata tong Ai ko.

"No, lilipat kayo or ako lilipat dito," tanong ko sakanya dahil kailangan ko silang bantayan.

"Ikaw nalang lumipat dito," sagot niya sa akin. "Ayoko sa condo mo I'm sure napakadami mo ng babaeng nadadala dun," dagdag pa niya at inirapan ako. Tama naman siya dun pero slight lang.

"Okay, dito na ako matutulog ngayong gabi," sabi ko sakanya napaharap naman siya sa akin.

Tumingin siya sa akin "Ngayon agad? Wala ka ngang damit dito"

"Kailangan ba ng damit pag ikaw ang kasama Ai?" Tanong ko rito.

"Ewan ko sayo Owen," umalis naman na siya sa akin at pumunta kay Teo na naglalaro.

Naisipan kong magpadala na ng damit sa P.A ko dahil baka rapein ako ni Circe pag hindi ako nag damit.

"Baby?" Tawag ko dito

"Can you bring some of my clothes here in Esthetically Subdivision," utos ko dito.

"Just ask the Villanueva's house," pinatay ko na ang phone ko para makipaglaro sa mag ina ko.

Nakita ko namang inirapan ako ni Circe, hala problema neto? Lakas ng toyo hindi naman inaano. Hinayaan ko nalang siya at baka nantitrip lang.

"Daddy take this," may inabot naman si Teo na laroang sasakyan.

Kaya nilaro ko ito na parang ginugulong sa katawan niya nakakatuwa namang tingnan dahil kiliting kiliti siya. Nakita ko namang nakangiti din si Ai kaya pinadaan ko sa kanya yung laruan pero inirapan lang ako nito.

"Aba aba eh bakit gumaganun ang Ai ni daddy?" Tanong ko kay Teo na pinarinig ko talaga kay Circe. Pero tumayo na si Circe at pumuntang kitchen.

"Ai bakit ba?" Habol ko sakanya dahil wala naman akong alam kung bakit siya gumaganun.

"Tanong mo sa baby mo," she rolled her eyes on me.

Natawa naman ako sakanya, magseselos nalang eh hindi pa galingan "Ai she's just my P.A."

I'm Always Into You • Promise#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon