chapter 5: Friend

69 18 0
                                    


Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Kaya bumangon na ako at dali daling pumunta sa banyo para makapag-shower. Naisip ko tuloy yung nangyari kahapon.

Sana magtagal pa ang pagpapanggap kong boyfriend ni Circe para kung mahuhulog siya sasapuhin ko nalang siya. Kaya lang ang inaalala ko baka hindi na niya ako kailangan pagpasok ko mamaya.

"Oh anak," harang ni mommy saakin nang pababa na ako ng hagdan, naputol tuloy ang mga iniisip ko.

"Good morning, mom," bati ko sakanya. "Pasok na po ako," paalam ko sakanya dahil medyo late na rin ako.

"Ingat anak," sabi pa niya sa akin ng palabas na ako ng pinto.

Nag-drive na ako papuntang school, pero kinakabahan ako dahil baka hindi na ako kailangan ni Circe at excited din ako dahil makikita ko na naman siya.

Ilang minuto ang lumipas nakarating na ako sa University. Pinarada ko na yung sasakyan sa parking. Dumiretso na ako sa room dahil late na nga.

"Excuse Ms. Dela Peña, good morning," sabi ko sa teacher namin at pumasok na ako.

"Sino may sabi sayong maupo kana, hmm?" Tanong neto sa akin ng uupo na ako.

Hayop napaka sungit.

"No one, Ma'am," sagot ko sakanya.

"Go outside Mr. Nicholas," sabi nito sa akin. Lumabas nalang ako ayokong makipagtalo sa matandang dalaga.

"Thank you Ma'am," pagpapasalamt ko sa kanya sabay nginitian ko siya. Okay lang na napalabas ako hindi ko nakita si Circe sa loob eh. Tatamadin lang ako roon.

Naglakad lakad nalang ako sa hallway dahil wala rin naman akong gagawin.

"Owen!" Hiyaw ng babae sa likod ko habang tumatakbo. Humarap naman ako para makita kung sino yoon.

"Oh Ai bakit?" Tanong ko sakanya nung nakita ko kung sino yung magandang babae na yun. At sinabayan ko siya sa paglalakad.

"I just want to tell you something," sabi niya sa akin.

"Sige lang," sagot naman.

"Pwede ba kitang ipakilala kay Mama?" Sabi niya. "Kung gusto mo lang, ha?" dugtong niya.

Shit ipapakilala niya ako sa Mama niya, ano ibig sabihin nito. "Why?" Tanong ko sakanya. Habang nakatingin lang ako sa mga mata niya.

Hindi ko magets yung babae na to ang alam ko nagpanggap lang kami dahil sa Ex niya walang sinabing ganito.

"Si Neo kasi sinabi kay Mama na may bago akong boyfriend then gusto ka niyang makilala," paliwanag niya sa akin. "Pero okay lang kung ayaw mo," sabi pa niya.

Nag isip muna ako puta magpapakilala sa magulang ng babae? first time to shit.

"Oy Owen," naputol ang iniisip ko dahil sa sinabi ni Circe.

"Sige, kelan?" Tanong ko sakanya, nagulat naman siya hindi niya siguro inaasahang papayag ako, pero wala gusto ko siya eh.

"Okay lang talaga sayo?" Sabi niya sa akin na parang tinitingnan niya kung hindi ako napipilitan. "Kung hindi, okay lang talaga promise," dagdag niya at tinaas niya ang isang kamay niya.

"Oo, okay lang Ai," sabi ko sakanya at nginitian ko siya.

"Si Neo kasi eh sinabi pa kay Mama sana hindi ka na naistorbo, sorry ha?" sabi pa niya saakin at tiningnan ako.

"Okay nga lang Ai ang kulit naman," sabi ko sakanya ng tumatawa dahil hindi siya mapakali.

"Bakit ba kasi kayo naghiwalay?" Tanong ko sakanya kahit alam kong personal yung tanong ko.

I'm Always Into You • Promise#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon