Book 1: Chapter 1: Encounter

60 3 0
                                    


Candy's POV:

"Love at first sight."
That's what I felt when I saw his face. I fell inlove in an instant.


 I'm currently studying at Keendalle's International University a.k.a KIU at iisang University lang ang pinapasukan naming dalawa. Madalas ko siyang makitang may kaaway o di kaya'y kasama ang mga kaibigan niya. Sabi nila ang love parang magic at para akong nakalutang sa ulap. Minsan nga gusto kong ipacheck yung puso ko kasi abnormal na yung tibok kapag nandyan siya. I'm not his stalker. Sapat na sakin ang makita siya araw-araw. But someday, I wish, mapansin niya din ako. Kahit simpleng "Hello" or "Hi" lang masaya na ako.

I'm Candy Danielle Riego and this is my story.


--------


"CANDY! Ano ba yang meron sa halaman at titig na titig ka?? Wag mo sabihing binabalak mong palutangin yan? Wala kang powers. Baka akala mo may powers kang wind. Hindi karin si Tornado ng One punch man."-Zariya "Iya" Alano, isa sa mga close friends ko. Tinapik niya ang pisngi ko ng mahina.


"Nag-de-daydream ka na naman. Sabi na nga ba."


"Ang ganda kasi ng halaman eh. Lalo na kapag lumulutang ang mga pakpak ng alikabok. Nakakabilib umupo ng nakatayo diba lalo na kapag nabali ang langis."-nakangiting sagot ko.


"BALIW! Inatake ka na naman ng kabaliwan mo! Uminom ka na ba ng gamot? Alin ang maganda sa halaman na yan?? Kelan pa naging maganda ang cactus na yun? Puro tinik kaya yan!"-Elay Ortega, another close friend of mine.


"Gaganda din sila kapag namulaklak dahil ayon kay lolo, ang mga kambing ay kapatid ng langgam."-sagot ko.


"Walang langgam-este-bulaklak ang cactus na yan dahil puro tinik lang yan, baliw. Nakasinghot ka ba ng cactus at kung ano-ano na naman ang pinagsasasabi mo?"-Iya.


"Ha?? Bakit?? Hinahalo na ba ang cactus ngayon sa rugby?"-ako.


"What?! Sumisinghot ka ng rugby??!"-Elay.


"Hindi ah. Kinakain kaya yun."-ako.



"BALIW!! Umayos ka!"-Iya.


"Kinakain naman talaga yun ng sapatos para hindi na bumuka."-ako.


"Ay susmaryosep!! Ayoko na! Suko na ko sa kabaliwan mo!! Jan ka na nga at pakasalan mo na yung cactus! Tatawag na ba ako ng pari, huh?"-Iya.


"Pati si Duterte. Tawagin mo nadin. Sabihin mong balak kong kalabanin siya sa sunod na eleksyon. De joke lang. Idol ko kaya yun."-ako.


"Ay nako. Halika na kasi! Kanina pa time eh! uwian na! bilis na! gagala pa ako eh! o baka naman balak mong mag-camping dito sa school?"-Elay.


"Dali na. Magchichikahan pa tayo eh"-pangungulit ni Iya.


Can't Help Falling (One Shot Story)Where stories live. Discover now