Part 9 of (I challenge my boyfriend to break up with me)
Sheila's POV:
"Ilang araw ka ng walang imik, babe. ",
"--Hindi mo na rin ako kinakausap.", wika ni Paulo nang makita n'ya akong tahimik sa isang sulok.Matapos sabihin ng doctor ang tungkol sa kalagayan namin ng anak ko, hindi ko na magawang makipag-usap sa lalaki.
Pinag-isipan ko ng husto ang magiging desisyon ko para kung magkataon na manganak ako, hindi ko pagsisisihan ang lahat.
"Kausapin mo naman ako Sheila. Hindi na ako mapakali sa inaakto mo.",
"--At nag-aalala na rin ako sayo.", muling sabi ng binata."I'm okay. Wala kang dapat na ipag-alala.", simpleng tugon ko na hindi nakatingin sa kanya.
"Hindi ako naniniwala, babe. Halata sa mukha mo na may problema ka.",
"--So please, 'wag ka ng maglihim sa akin.", saad niya ulit dahilan para mapalingon ako."Wala akong problema. Masyado ko lang dinamdam yung pinanood nating movie. Nakakaiyak kasi. Akalain mo, namatay yung babae.", sambit ko kaya unti-unti akong napayuko.
"Babe, it just only a movie. 'Wag mo ng isipin 'yon dahil hindi 'yon mangyayari sa relasyon natin.",
"--Matatag na tayo diba?", he asked me.Kaya dahan-dahan akong tumango bilang tugon.
___And 2 months passed, kabuwanan ko na.
Nagawa ko ng kausapin ang Doctor para sabihin sa kanya ang desisyon ko.
At oo, pinagpatuloy ko ang pagbubuntis.
Pinagpatuloy ko ito para mabuhay ang baby sa aking sinapupunan.
Hindi ko na ito pinaalam pa kay Paulo dahil alam kong kokontrahin niya lang ako."Sheila, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo, pero chill ka lang dapat.",
"--H'wag mong i-stress ang sarili mo, lalo pa't malapit ka ng manganak.", saad ng aking nobyo habang ako ay nakahiga.Actually, dito na kami nag-stay sa hospital para hindi na mahirapan si Paulo na isugod ako rito.
"Babe.", bigkas ko sa callsign namin.
"Hmm?", he replied.
"Meron akong challenge sayo.", seryoso kong wika.
"Sheila naman, ano bang--",
"Patapusin mo muna ako magsalita, Paulo.", saad ko sa binata.
Kaya tinikom nito ang bibig at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"I want to challenge you again.",
"--But this time, g-gusto ko, alagaan mo ng mabuti ang magiging anak ko--ang anak natin.", litanya ko at pinipigilan ko na 'wag mapaluha."What the hell, are you talking about, babe?", inis na turan niya.
So pilit akong napangiti kasabay ng paghawak sa pisngi niya.
"I challenge you to break up with me again.", patuloy ko ng sambit.
"Sheila, 'wag kang magbiro ng ganyan. Hindi ito ang tamang araw para--",
Hinawakan ko ang bibig niya dahilan para hindi na siya makasalita pa.
"Gawin mo na lang, Paulo.",
"--Gusto kong gawin mo 'yon, pakatapos kong manganak.", bigkas ko ulit.Bakas sa reaksyon niya ang pagkagulo at tila hindi niya maintindihan ang pinaparating ko.
"Kalimutan mo na ako, Paulo. Para kapag iniwan kita, masanay ka na.", muli kong pahayag.
Sa tingin ko, kahit papano, napupunto niya na ang sinasabi ko dahil biglang nalungkot ang mata ng lalaki.
"I love you, babe. M-mahal na mahal kita pero hindi talaga tayo pwede magsama ng matagal. Kaya habang may oras pa, s-sanayin mo na ang sarili mo na wala ako.", I said as my tears fell down.
©Binibining_Timoji
![](https://img.wattpad.com/cover/220113317-288-k476045.jpg)
BINABASA MO ANG
I challenge my boyfriend to break up with me
Short StoryA very short story💓 Sana kahit papano, may matutunan kayo.