Part 6

1.3K 53 0
                                    

Part 6 of (I challenge my boyfriend to break up with me)
___

Sheila's POV:

Maruming babae.

Ganito ako kung tawagin ni Paulo.

Daig ko pa ang virus at salot sa lipunan kung itrato niya.

Limang buwan na rin akong buntis.
At limang buwan na rin ako nandito sa bahay nila.

Kahit nahihirapan, pinipili kong tiisin 'yon, hangga't kaya ko.
Naisip ko kasi ang batang dinadala ko ngayon.
Wala s'yang kinalaman kaya dapat lang na alagaan ko siya at palakihin ng tama.

Hindi man siya nabuo sa pagmamahal, para sa akin, magandang regalo siya ng Diyos.

At kapag nananganak ako, iiwan ko na si Ryan at magsisimula muli kami ni baby.
Ito ang plano ko, pagdating ng panahon.

"Check-up mo na, bukas. Hindi kita masasamahan, Sheila dahil may lakad kami ng mga barkada ko.", saad nito nang tumabi sa kama.

Nakahiga ako sa mga oras na 'to, habang nag-iisip ng dapat kong gawin kapag nalaman nila mama na buntis ako.

"You smell good, darling. And you look so blooming.",
"--Pinapagandahan mo ba si Paulo?", he said again.

Dumampi na ang labi nito sa aking braso kaya mabilis ko s'yang hinarap.

"Pwede ba Ryan, tumigil ka na. Tigilan mo na ako.", bigkas ko na may kalmadong boses.

"H'wag mo akong pangunahan, Sheila.",
"--Baka nakakalimutan mo, kung ano ang naging usapan natin. I can kill my brother, anytime. Kaya bago ka pumutak, mag-isip ka ng mabuti.", wika niya at kinulong ako sa pagitan ng mga braso nito.

"Kailan mo ba ako papalayain ha?",
"B-binigay ko naman ang gusto mo! Nakipagbreak na ako kay Paulo. At pati katawan ko, inangkin mo na! So ano pa ba ang kulang?!", pagsisigaw ko sa lalaki.

Wala na akong pakialam kung may makarinig sa amin. Ang gusto ko lang, maging matapang at ilabas ang sama ng loob ko.

"Sinisigawan mo na ako?!", madiin nitong sambit kasabay ng paghawak sa pisngi ko.

Sobrang higpit ng hawak niya.
Halos yung kuko nito, pumapailalim sa aking pisngi.

"Baka gusto mong pagpiyestahan ang sex video mo, Sheila!", muli nitong sabi.

Tuluyan na akong napaluha at napaiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Hindi pa ito nakontento at sinuntok ang aking t'yan dahilan para mapahiyaw ako.

"T-tama na, please. T-tama na R-ryan.", pakikiusap ko sa binata.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari basta ang alam ko, may isang tao na pumasok sa aming kwarto bago ako nawalan ng malay.

©Binibining_Timoji

I challenge my boyfriend to break up with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon