Panimula

62 1 0
                                    

"Kailan ka titino Camila ?! Ilang beses na kitang sinabihan na hindi ka dapat nakikipag kaibigan sa mga iyon !! You think you can get a away all of this in just a blink of your eyes ?!" Si Tita Juliana at hinilot ang sentido.

Lumapit si Nay Cesa kay Tita at hinawakan ang balikat dahil baka atakihin na si Tita sa lahat ng mga nagawa ko. I know I've been to rude this past month kaya ganun na lamang ang pag aalala ni Tita sa akin.

Nakayuko habang nakikinig kay Tita habang si Nay Cesa ay panay ang balik sa kusina upang humingi ng tulong sa iba pa naming kasambahay. Napaangat ako ng tingin at kung nakakamatay ang tingin ay siguro napatay na ako dito sa masasamang tingin na ipinupukol sa akin ni Tita.

"Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo Camila ?! Hindi ka na ba titino ?"

"Tita wala po talaga kaming ginagawa ni Jax na masa--" she cut me off.

"Punyetang Jax na yan !!. Di ka ba nag iisip Camila ?! Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao?!. Papaano mo maipapaliwanag lahat ng masasamang ibinabalita sa iyo ng mga media?!. Diyos ko naman hija ! Kung hindi kana sana gumawa ng gulo at nagpaka lasi--"

"Tita please ?! Alam kong kasalanan ko. Okay I admit I was in touch with Jax because I don't want to marry a person na hindi ko naman kilala ?!. Mahal ko si--"

"Huwag mo nang ituloy kasi hindi mo na siya makikita kailanman !"

Halos parang nabuhosan ata ako ng malamig na tubig. Jaxtyn Kylo Humaban is my boyfriend. Bago pa lamang kami dahil mas pinili ko iyon kaysa naman sa taong hindi ko kilala ako ikakasal. Alright to be fair, I know whose the Del Vierde I was fix and it's too bad na ilang years ang gap namin. Hindi lang talaga isinasa publiko ang engagement namin kasi menorde edad pa ako. I'm just seventeen and I know that when I turn eighteen I will be engaged to that man kaya habang hindi pa huli ang lahat ginagawa ko na para hindi kami makasal.

"Your very insensitive Camila, ni hindi ka nag dalawang isip na makipagtanan sa lalaking iyon. Kaya mamili ka Camila, sasama ka sa kaniya but all the money and properties that they have will be gone at sisiguradohin kong hindi na habang buhay silang mag hihirap at pati na ikaw." She seriously said.

Alam kong mabait si Tita, medyo strict pero hindi pa siya kailanman gumawa ng kahit ano sa akin na ikakapahamak ko. Hindi rin siya marunong gumawa ng masama sa ibang tao pero ang marinig galing sa kaniya ang lahat ng iyon ay sigurado akong gagawin niya kahit madamay pa ako.

"But if you follow my decision, I'll get rid of them at hindi ko na sila gagambalain pa. Now chose Camila ! Kung inaakala mong hindi ko magagawa iyon pwes subokan mo ako."

Hindi na ako nagsalita kasi alam ko kung ano ang mawawala sa akin at kay Jax kung piliin ko siya. Mahal ko siya at ayoko siyang iwan, pero hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang si Tita sa kaniya. Alam ko naman na may kasunduan na si Papa at ang Del Vierde but it's neither my fathers decision nor Tita Juliana. Sa akin parin dapat ang desisyon na iyon.

How can they deprive me of my happiness ? How can they choose who I want to marry ? How can they decide of something na hindi naman sila ang magsisi kundi ako.

Tears rolled my cheeks, hindi ko alam na masakit pala iyon. Na kahit sa kaisa isang kagustohan mo para sa sarili mo ay hindi mo kayang bigyan ng desisyon.

"Don't cry at me Camila. I know you want to choose him, pero .." lumapit na siya at hinawakan ang aking baba upang iangat ang tingin sa kaniya.

With her bloodshot eyes and the tears forming at the side of her eyes. Hindi ko na alam na nasasaktan na rin siya.

"Alam mo sa sarili mo kung gaano ka importante ang mga salitang ipinangako ng Papa mo. I know that Kuya wants to secure your future. So I won't force you to answer it now, please understand Camila. We'll just talk tomorrow." Aniya at pinunasan ang aking luha.

Hidden In This LiesWhere stories live. Discover now