Kabanata 13

9 0 0
                                    

Try Me

After that conversation with him ay hindi na rin ako nagtagal sa party. I was exhausted physically and emotionally kaya agad din akong umalis. Nakita ko siyang nakihalo sa mga naroon pero panay ang tingin sa akin. Kaya nung saktong dumami ang tao sa banda niya ay umalis na ako. Sinabihan ko na rin si Tita Juliana na aalis na ako. Kaya nung nasa condo na ako wala akong ibang inisip kundi ang sinabi niya.

The next day I was at the school for passing of my requirements for enrolment. Ang sabi ni Tita may meeting daw sila ngayon at sigurado rin akong nandoon si Grayson.

"I'll pick you up this afternoon after you pass your requirements." Si Brytte habang bumibiyahe ako papuntang school.

"Okay okay ! I'll text you when I'm done." I said then hung up.

Ang kulit talaga ng mokong na iyon. Alam kung may gusto siya sa akin at inamin niya naman. Alam niya rin na kaibigan lang ang turing ko sa kaniya at tanggap niya naman iyon. He's pushing himself for me to see how he's willing to wait for me to love him back. Wala namang masama dun pero ayokong umasa siya sa akin. He deserve someone that will love him back.

Nasa school administration ako para ipasa ang mga papers ko at para na rin maka diretso na ako sa entrance examination. Ilang minuto lang ako doon at binigyan ako ng isang maliit na papel para sa sit ko sa exam. Kaya nung natapos ako ay dumiretso na ako sa room kung saan gaganapin ang examination.

Tanghali na nung natapos ako sa examination at agad din namang nakuha ang result kaya imbes na mag lunch ay dumiretso na ako sa Registrar para mabayaran na at nang matapos na ako.

Habang nag lalakad patungo sa registrar ay napansin ko ang isang lalaki na medyo pamilyar sa akin. Wearing his hooded jacket and ripped jeans with a white shoes and a cap while holding a paper bag isa lang ang nasa isip ko kaya dahan dahan akong naglakad upang hindi niya ako mapansin. I was about to pass through him pero nahawakan niya ang kamay ko.

"Please talk to me .." he said in his cold tone.

My heart raced and my knees are trembling so bad. Pero humugot ako ng lakas ng loob para harapin siya. I saw his eyes was dark as the storm but I ignore it and get off his hand on my wrist.

"I'm busy .. and .. I need to .. uhhmm .. somewhere after this."

"Please .. I bought you lunch and I just wanted to say something abou--"

"I don't need explanations Grayson. I need to go." I said and walk towards the registrar.

Hindi ko na siya nilingon at agad na pumila doon. Ilang minuto lang ang nakalipas ay natapos na ako. Aalis na sana ako ng biglang bumuhos ang ulan. Tinawagan ko ang driver ngunit hindi ito sumasagot. Kaya wala akong choice kundi tumakbo sa kabilang building para makadaan sa covered walk patungo sa parking.

Hindi naman ako gaanong nabasa kasi hindi naman kalayuan ang building. Naglakad ako patungo sa parking. Then my phone beep before I could go there.

Manong:
Ma'am pinabalik po kami ng Tita ninyo dahil may meeting daw siya sa Batangas. Sinabihan niya na daw po si Sir Grayson na siya raw ang susundo sa inyo.

Halos takpan ko ang aking mukha ng palad sa nabasa ko. Ang dami namang pwedeng sumundo bakit siya pa ? Hayss ! Damn this Del Vierde !

Umatras ako at nag text kay Brytte na sunduin ako. I heard my stomach growl, nagugutom na ako and it was thirty minutes when I texted Brytte pero wala pa ring reply galing sa kaniya. Hindi pa rin humuhupa ang ulan kaya napag isipan ko na lang na mag taxi.

Nasa parking na ako at saktong pag dating ko ay siya ring pag daan ng isang taxi kaya aagad ko itong pinapara at sumakay na doon. I need to eat first. Kaya napag disisyunan kong sa malapit na restaurant na lang ibaba. Papalabas ng parking ay nakita ko si Grayson na naka sandal sa labas ng kaniyang sasakyan. Hahayaan ko na sana pero na realize ko kung sino ang inaantay niya.

Hidden In This LiesWhere stories live. Discover now