Kabanata 2

17 1 0
                                    

Avoid

"Tita ayoko na po dito !!" Pagmamaka awa ko sa kaniya.

Nasa mansiyon na ako at natapos na akong bumili ng bagong cellphone at kinausap ko kaagad si Tita Juliana.

"Hija .. siguro naninibago ka lamang. Hayaan mo at lilipas din iyan pag nakilala mo pa siya nang lubos." Aniya

"Tita he's a playboy at ayokong magkaroon ng asawang gan--"

"Hija, Grayson is a good boy. Let's talk about it next time okay ? May meeting pa ako. Take care okay, I love you." Aniya at binaba na ang tawag.

Napabuntong hininga na lamang ako at pagod na nahiga sa kama ng kwarto ko. Hindi ko talaga maintindihan kong bakit ganun na lamang ang kaniyang pag pipilit niya sa akin para mapakasal sa Playboy na iyon.

"Ma'am handa na po ang tanghalian .." yung maid sabay katok.

Napa angat ako. Baka mamaya ay nandiyan si Gray pwede bang dito na lamang ako kumain ? Pero hindi naman ata iyon magandang dahilan para hindi sumalo sa kanila. Tumayo ako at binuksan ang pintuan.

"Susunod na lang po ako may aayusin lang ako."

"Naku Ma'am baka gusto niyong tulongan ko kayo ?" Aniya

Hindi ko na lamang tinuloy iyon dahil wala naman talaga akong aayusin sa kwarto kaya sumunod na lamang ako sa kaniya paounta sa dining area.

Pagka pasok ko doon ay napansin ko agad ang titig ni Gray at ang mga kaibigan naman ni Archer ay nandoon na din sa dining. Si Archer ay nasa center at sa kaliwang bahagi ay may usang babae at lalaki na kasing edad ko lang at sa kanan ay si Gray. Gusto ko sanang umupo sa tabi ng babae kaso iminuwestra na ng maid yung upuan sa tabi ni Gray.

Nagkatinginan kami pero agad niyang pinutol iyon. Umupo ako kahit medyo kinakabahan sa presensiya niya.

"Are you sure you don't want to go with us Kuya ?" Si Archer.

Umiling lang si Gray at sumulyap sa akin sa seryoso niyang mukha bago bumagsak sa kaniyang pagkain.

"Did Layla know you're getting marri-" magsasalita pa sana yung babae na kaibigan ni Archer ay pinutol ko na iyon.

"Hindi pa kami ikakasal tsaka hindi pa kami engaged." Pagtatama ko.

Tumikhim si Archer at napatingin sa akin bago kay Gray.

"So .. alam na ba ito ni Layla ?" Dagdag ng lalaki.

"Actually even if she knows hindi naman sila ni Kuya kaya wala rin naman iyon sa kaniya." Si Archer.

Napatingin ako kay Gray na ngayon ay tahimik at madilim ang mukha tila ba ayaw niyang pag usapan iyon. I want to know the girl more so it's my chance now.

"Sino ba si Layla ?" Tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan ang magkapatid at pati na rin yung lalaki. Ngunit biglang sumagot yung babae.

"Hindi mo siya kilala ? Anak yun ng Mayor dito. Kababata ni Gray. By the way ako nga pala si Aaliyah at ito naman si Karsyn boyfriend ko." Aniya.

Tumango ako sa sinabi niya. Kababata niya pala si Layla pero bakit ayaw ni Gray kay Layla gayong matagal niya na pala iyong kilala.

Nakita ko ang pag siko ng kaniyang boyfriend tila puninapa hayag niya na huwag mag kuwento. Kaya nanahimik na lamang ako lalo na at napadpad na sila sa ibang topic.
Natapos ang dessert ay nagpaalam na ako at pumunta sa hardin. Pinakuha ko sa maids ang mga librong binili ko kanina sa book store.

Habang nagbabasa ay nakita ko ang pag labas ng mag kasintahan patungo sa dalampasigan.

"Una na lang kami antayin mo na lang Archer !!" Sigaw ni Karsyn habang tumatakbo sila ng kasintahan niya sa dagat.

Hidden In This LiesWhere stories live. Discover now