#2KOD

15 2 0
                                        

Gandang umaga, bakit kaaga mong gumising Aliesha?

Ay kuya ang lakas humilik ni Illian tapos ang likot ni Lyra.

Ay hindi ka na nasanay, mabuti pa ay gisingin mo na ang dalawa at tayo'y maglalakad sa tabing dagat. Dali at kati pa tuyo pa ang dagat.

Ay sige kuya, ikaw na laang kaya ay umuna susunod na laang kaming tatlo.

Oh sige akoy aalis na.

Ingat kuya....

#:#:#:#"#"#:#
Uiii kayong dalawa gising na kayo at maghilamos magtoothbrush at tayo daw ay maglalakad lakad sa tabing dagat.

Yehey! Ate dadalhin ko ang camera ha picture tayo.

Sige, uii Lyra kilos na ikaw.

Aivan!!!! Aivan!!!!!
*Sigaw mula sa labas kaya agad ako'y bumangon na sa aking pagkakahiga at talagang sinilip ko sa bintana.

Ano ga po iyon?
*syempre kailangan magalang tayo kahit dayo dapat may respeto.

Naanandiyan ga po si Aivan? Barkada niya ho kami.

Ahh ganun ga po, ay wala po dine nasa tabing dagat.

Ahh sige po salamat.

*Agad sumenyas sa akin si Aliesha at turo-turo yung isa. Sabi na at may natipuhan ang lola mo.

Bakit ga hindi mo agad sa akin sinabi , pihong mamumulungan na kayo haha.
*pang-aasar ko kay Aliesha

Baliw, ay hindi mo naman yun magagawa at alam kong may hiya ka din.

Aba at gusto mo talaga, tamang tama tropa ni kuya Aivan yun haha.

Ate!!! Tara na chismisan pa kayo diyan eh!
*ang pag epal na naman ni Illian sa aming usapan..

#::#"#
"TABING DAGAT"

Bakit ga katatagal ninyong tatlo? Inabot na kayo ng siyam-siyam eh

Areng dalawa kuya ay chismisang chismisa ay natitipuhan daw yang isa mong tropa.

*Agad namang tinakpan ni Aliesha ang bibig at baka kung ano pa ang masabi ay nakakahiya naman kay kuya baka isipin din ng tropa niya na kay haharot namin hahaha char lang!!! Pero parang ganun nga isipin hahah!! :'D

Hindi kuya,  Sabi sa akin ni Aliesha gusto niya daw maging friend si kuyang nakadilaw

Ahhh si France Salas yung nakaviolet. Haha

Oyy Lyra ano ka ba?

Hahah char lang naman yun sinabi agad ni kuya. Kuya yung nakadilaw kasi! haha

Kuya sino daw yang nakablue? Kanina pang tanong sa akin ni Lyra.

Ala! Baliw hindi nga ako umimik sayo haha.

Ahhh yan si Xairel Cruzat... Pakilala ko na din tong isa sakto at are ay may gf na kaya hindi na are mahihili. Itong nakadilaw ay si Clarence Zitro.

Aivan palakaibigan pala yang mga pinsan mo eh.

Oo Xairel pero wag kayong paloko-loko sa mga yan naku!

Paano yun Aivan? Loko-loko si Xairel

Wow naman France nagsalita ang napakabait.

Ohhh siya tara na maglakad lakad mamaya na ang huntahan. Tutal napakilala ko na kayo.

*biglang bumulong si Xairel kay Aivan.

Aivan shede kaya na makatambay sa kubo mamaya?

Oo nga naman. Behave naman kami eh

Oyy Clarence sasama ka sa amin ni Xairel?

Aba oo naman. Ang tanong payag kaya?

Payag ako kayo pang tatlo basta umayos kayo ha. Ngayong pang may bisita ako. Respeto tol ha.

Makakaasa ka sa amin. "Sambit ni Xairel

Kiss Of DrowningWhere stories live. Discover now