MASAYA ang naging hapunan nina Ace at Mavy kasama si Casey. Masyadong madaldal at makulit ang babae, medyo kabaligtaran ni Mavy na hindi din niya masyadong matukoy ang ugali dahil katulad niya, masaltik din ito sa utak.
Pagkatapos nilang kumain ay hinatid nila si Casey sa village kung saan nakatira ang magkapatid pagkatapos ay dinala siya ni Mavy sa isang bakanteng lote na matatagpuan pa din sa loob ng village. Pagkatapos iparada ang sasakyan ay humarap sa kanya ang binata.
Bigla naman ang pagkabog ng dibdib niya. Masyado na ba siyang nagtitiwala kay Mavy at pumayag siyang mapagsolo sila sa isang bakanteng lote sa dis-oras ng gabi? Kahit na masyadong liberated ang isinusuot niya kapag nagpe-perform siya kasama ang mga ka-grupo, babaeng Filipina pa din naman siya. Huwag lang babalakin ng Maverick na 'to na gumawa ng kahit na anong kalokohan dahil makakatikim talaga ito sa kanya.
Oh baka puwede ding pumayag ako sa gusto niya.
Malandi ka!
Tumikhim pa muna ito bago nagsimulang magsalita. "Bago ako magsimula, gusto kong mangako ka muna sa'kin na hahayaan mo akong matapos sa mga sasabihin ko bago ka mag-comment. Okay?" makikita ang pakiusap at uncertainty sa mga mata nito na ikinabagabag ng puso niya.
Wala sa sariling napatango na lang siya kahit na naguguluhan siya sa itinatakbo ng mga pangyayari. Kahit na sa loob-loob niya ay hindi na siya mapakali, nanatili lang siyang tahimik habang nakatitig sa binata sa harap niya. Nakikita niya kasi ang paghihirap nito sa kung paano uumpisahan ang mga gustong sabihin sa kanya. Kahit na ba hindi gaanong maliwanag sa kinaroroonan nila, naaaninag pa din naman niya ang mukha nito.
Muling naging malikot ang mga mata ng binata. Ilang beses din itong umayos sa pagkakaupo at tumikhim bago sa wakas ay magsimulang magsalita. "Okay. First, I want to formally introduce myself. My name is Maverick Gonzalo. I'm twenty-five years old and I am currently based in New York. My parents and my grandmother are there while my sister just arrived here days ago. Now..." muli ay tumikhim ito at muli ay umayos ng upo bago nagpatuloy.
"Almost one month ago, nag-decide ako na mag-file ng leave sa sarili kong negosyo para pumunta dito sa Pilipinas dahil gusto kong makilala ang supposed-to-be bride ko na ipinagkasundo sa'kin ng lola ko. Hindi ko alam kung may---"
"Ikakasal ka na?" hindi napigilang bulalas ni Ace ngunit agad din niyang mariin na pinaglapat ang labi nang makita ang nagfu-frustrate na hitsura ni Mavy. "Okay, continue. I'm sorry." aniya kahit na medyo nabawasan ang good vibes na nararamdaman niya.
"Hindi ko alam kung may alam iyong babaeng nakatakda kong pakaslan tungkol sa responsibilidad namin pero, hindi pa din ako gumagawa ng paraan para masabi sa kanya ang totoo. Ang una kong plano ay kausapin agad siya para makita kung papayag ba siya sa kalokohang iyon o gusto niyang ituloy iyon kung sakaling may alam nga siya. Ang original plan ko nga ay hanapan siya ng kahit na anong pangit na ugali o kahit na anong bagay na puwede kong masabi sa lola ko para iurong na iyong kasal na iyon.
"Actually, until a few weeks ago, iyon ang plano ko. Pero nitong mga nakaraang araw, parang ayoko nang magtago ng kahit ano sa kanya.
"Hindi kami personal na magkakilala. Well, sa part niya dahil sa parte ko, gumawa na ako ng paraan para makilala siya. She sees me as a friend of Tyler. Hindi naman sa ginamit ko si Tyler para mapalapit sa kanya, nagkataon lang na pareho kami ng village na tinitirhan at magkapitbahay lang kami. Luckily, naging magkaibigan kami hanggang sa malaman ko ang mga impormasyong makakatulong sa mga plano ko kaya lalo akong nakipaglapit sa kanya.
"Then that happened. Ipinakilala ka niya sa'kin and we became comfortable with each other. At ngayon nga ay magkaibigan na tayo." biglang lumungkot ang mga mata ni Mavy at bumuga ng malalim na hininga bago muling nagsalita. "These past few days, parang gusto ko na lang na sabihin sa kanya ang lahat at kung may alam man siya, good. At kung wala, then there's a possibility that I'll be doomed. Gusto kong mag-umpisa kami sa pagiging honest ko sa kanya. Dahil gusto kong magtuloy-tuloy na ang pagiging magkaibigan namin."
BINABASA MO ANG
Love Revolution 5: Ace, The Playful Fairy [Published under PHR]
RomanceMaverick Gonzalo went to the Philippines because he wants to meet the girl he's going to marry. Ipinagkasundo siya ng Lola niya sa babaeng nagngangalang Gracel Ivan Dumigpe at gusto niyang makita nang personal kung ano ang mayroon dito at ito ang na...