Chapter Eight

1.2K 20 0
                                    

"HI, ACE! I miss you!"

Naga-alinlangang ngiti ang isinukli ni Ace kay Casey na napakalapad ng ngiti habang nakatingin sa kanya. Niyakap pa siya nito ng mahigpit. "Ang galing-galing mong sumayaw, para kang jelly ace." komento pa nito.

"Thank you!" pasalamat niya. Tumataba talaga ang puso niya kapag naa-appreciate ng iba ang mga ginagawa niya.

"Pero alam ko naman na hindi ako ang gusto mo talagang puntahan kaya sige na, lapitan mo na si Kuya. Baka sakaling maging okay na ang mood niya." Nahimigan niya ang panunudyo sa tinig ng dalaga na ikinakunot ng noo niya.

"Bakit, hindi ba siya okay?" nagtatakang tanong niya. May nangyari ba kay Mavy nitong mga nakaraang araw na hindi sila nagkikita at nagu-usap?

Sa halip na sumagot ay nagkibit-balikat lang si Casey bago umalis sa harap niya. Agad namang natuon ang atensiyon niya sa lalaking ilang hakbang lang ang layo sa kanya. May masuyong ngiting nakapaskil sa labi nito.

Napalunok tuloy siya. Pakiramdam niya ay may mga paru-parong nagliliparan sa sikmura niya habang nakatingin siya sa nakangiting mukha ng binata. Na-miss din niya ang dimples nito, Oh my God!

"Anong ginagawa mo dito?" nakataas ang isang kilay na tanong niya nang makalapit siya dito. Paraan lang niya iyon para pagtakpan ang totoong nararamdaman. Nabu-buwisit kasi siya sa puso niyang parang nakikipaghabulan sa maraming kabayo kung makakabog. Ngayon lang nagkaganoon ang puso niya kaya hindi siya kumportable.

"Pinilit kasi ako ni Casey na sumama sa kanya papunta dito. Tinapos ko lang actually ang performance ninyo, aalis na din ako." sagot naman nito na tumabingi ang ngiti.

"So, napilitan ka lang pumunta dito?" ano ba ang inaasahan niya? Na pagkatapos niyang mainis at pagsabihan ito ng kung ano-ano noong huling beses silang magkita, mananatili pa itong makikipag-kaibigan sa kanya?

Nagkibit-balikat lang ito. "Baka kasi ayaw mo din akong makita kaya aalis na ako. Ayoko namang masira ang araw mo dahil lang sa presensiya ko." Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito.

"Alam mo, kuya ang arte-arte mo. Parang gusto kong itangging kilala kita, kung hindi lang kita kamukha." singit ng tinig ni Casey.

Tinamaan naman siya ng guilt kaya huminga na lang siya ng malalim 'tsaka tinaasan ito ng isang kilay. As if naman gusto talaga niya itong umalis agad. Sa estado ng emosyon niya ngayong nakita na niyang muli si Mavy, baka mag-amok pa siya kapag bigla na lang talaga itong umalis doon.

"Tama si Casey, hindi bagay sa'yo ang pagda-drama. Nakakakilabot. At as if naman talagang aalis ka kahit na paalisin pa kita dito." nakaingos na komento niya.

"Kung magiging masaya ka ba naman sa pag-alis ko, why not?" nakangiti namang banat nito pero katulad kanina, hindi pa din iyon umabot sa mga mata nito.

Inirapan lang niya ito 'tsaka tinalikuran. Binalingan niya si Casey na kahit itago ang nararamdaman ay kitang-kita naman niya sa mga mata ang awang nararamdaman nito. Marahil para sa kapatid nito.

"Sumama na lang kayo sa greenhouse. Doon ang celebration ng buong organization." yaya niya dito na masaya naman nitong pinaunlakan. Nilapitan na niya ang kanyang tiyahin at hinila na ito papunta sa greenhouse. Hindi na niya muling tiningnan ang kambal dahil alam naman niyang susunod ang mga ito sa kanila.

Pakipot pa more, Gracel!

"Alam mo, ang galing-galing mong sumayaw. Pati si Iane, ang galing-galing din." kinikilig na ani ng tiyahin niya habang nakaabrisite sa braso niya. "Mamaya, babatiin ko din siya pagkatapos niya sa parents ni Sean."

Love Revolution 5: Ace, The Playful Fairy [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon