INAATAKE ng mood swings si Ace nang araw na iyon. Una, dahil sa stress na nararamdaman niya sa nalalapit na anniversary ng eskuwelahan nila na sumabay sa dami ng requirements na kailangan niyang ayusin.
Pangalawa, dahil kay Sean na hindi niya alam kung paano pero napalambot ang puso niya at napapayag siya na tulungan ito sa binabalak na pag-sorpresa sa pinsan niya. Kinausap siya nito nang nakaraang araw at pinakiusapan na tulungan itong mag-propose kay Iane. Kahit na anong tanggi ang gawin niya ay hindi siya nito tinigilan hanggang sa huli ay napasuko din siya nito.
"Ano, naaabnormal ka na naman ba?" salubong sa kanya ni Tyler pagpasok niya sa cabin. Nakasalampak ang kaibigan sa sofa habang nakataas sa center table ang mga paa. Hawak nito ang cellphone nito kaya nahinuha niyang naglalaro na naman ito ng online game. Naka-wifi kasi ang buong greenhouse kaya libreng-libre sila sa internet connection.
Nakasimangot na dinaganan niya ang kaibigan at sinuntok-suntok sa braso na ikinaigik nito pero hindi niya ito tinigilan. Ganoon ang ginagawa niya kapag nafu-frustrate na nas-stress siya, nagkataon lang talaga na si Tyler ang una niyang nakita.
"Hoy, Amazona! Tigilan mo nga ako. Ide-demanda kita sa pambubugbog mo sa'kin!" saway nito sa kanya at pilit siyang inilalayo dito pero ikinawit lang niya ang mga braso sa braso nito at kinagat ang biceps ng binata na ikinasinghap nito. "Isa kang animal, Ace." reklamo nito habang patuloy sa pagsubok na mapalayo siya sa katawan nito.
"Kayong dalawa, anong ginagawa n'yong kalokohan na naman?" doon tumigil si Ace sa panggigigil kay Tyler. Binalingan niya ang pinanggagalingan ng tinig at nakita niya ang mga kaibigan niya kasama sina Red at Chase na nakatayo sa pintuan. Ang iba sa mga ito ay nanlalaki ang mga mata samantalang si Chase ay umiiling-iling lang. Kunot na kunot naman ang noo ni Red.
"Salamat sa Diyos, dumating kayo. Iligtas n'yo nga ako sa babaeng 'to. Bigla na lang akong sinunggaban at binugbog. Kinagat pa ako." sinamantala ni Tyler ang pagkakaluwag ng kapit ni Ace dito kaya nakawala ito. Umayos naman siya ng upo at humalukipkip na tiningnan ang mga kaibigan.
"Hindi lang ako naturukan ng pampakalma kaya inaatake ako ng kabaliwan." bale-wala at sarkastikong imporma niya sa mga ito. Kabisado na naman ng mga ito ang ugali niya kaya hindi na bago sa mga ito ang pagiging sarkastiko niya kung minsan.
"Tigilan n'yo na iyan, mag-practice na tayo. Tawagan n'yo na iyong iba para maaga tayong matapos. May date pa ako." pagkasabi niyon ay tumikhim pa si Red bago basta na lang silang nilagpasan at nauna nang pumasok sa dance studio.
Napailing-iling na lang si Ace at tumingin kay CC na ang lapad ng ngiti. "Ang lakas talaga ng tama sa'yo ni Presidente! Ang haba ng hair mo, girl!" nakangising panunudyo niya sa kaibigan na kinindatan lang siya.
Nagkanya-kanya na sila ng paghahanda para sa practice nila. Tumayo naman si Ace at nilapitan si Jazza para sana sa isang project nila na ito ang kasama niya. "Jazz, kailan natin gagawin iyong project natin? Tapusin na natin para mabawasan ang mga gagawin." suhestiyon niya.
"Gawin mo, excited ka eh." pabalang na sagot nitong hindi man lang nag-abalang bumaling sa kanya. Abala ito sa paglalabas ng mga damit nito sa bag.
Nagsalubong ang mga kilay ni Ace. Likas na kay Jazza ang magkaroon ng mood swings pero kahit kailan ay hindi pa siya nito sinungitan ng ganoon at sinagot ng pabalang. Ngayon pa lang.
Tinapik niya ito sa balikat na ikinalingon nito sa kanya. Ang sama ng tingin ng kaibigan sa kanya. "Anong problema mo?" hala, may ginawa ba siyang kasalanan dito at ganoon ang pakikitungo nito sa kanya?
"Tigilan mo nga ako, pagod ako. Get lost!" sikmat nito sa kanya pagkatapos ay naglakad na ito palayo bitbit ang bag nito.
Nagtaka siya. Anong nangyayari kay Jazza at ang sungit nito? Binalingan niya ang ibang kaibigan na nasa sala din pero salubong lang din ang kilay ng mga ito. Sa huli ay nagkibit-balikat na lang siya at nagpakaabala sa paga-ayos ng mga gamit niya. Baka sinusumpong lang ng topak si Jazza at mamaya ay maging okay na din ito.
BINABASA MO ANG
Love Revolution 5: Ace, The Playful Fairy [Published under PHR]
RomantizmMaverick Gonzalo went to the Philippines because he wants to meet the girl he's going to marry. Ipinagkasundo siya ng Lola niya sa babaeng nagngangalang Gracel Ivan Dumigpe at gusto niyang makita nang personal kung ano ang mayroon dito at ito ang na...