Prologue

5.5K 43 3
                                    

"KUYA, are you sure of your decision? Who'll gonna manage your business while you are in the Philippines? And besides, hindi naman tayo sure kung may alam nga iyong apo ni Lola Myrna tungkol sa arrange marriage ninyo."

Huminga ng malalim si Mavy sa pinagsasasabi ng kakambal niyang si Casey. 'Kuya' ang nakasanayan nitong itawag sa kanya dahil mas matanda siya ng tatlong minuto kaysa dito. Naiintindihan din naman niya ang paga-alalang nakikita sa mga mata ng kapatid. Ngayon lang mangyayaring magkakalayo silang dalawa. Masyado kasi silang sinanay ng mga magulang na palaging magkasama.

Family oriented sina Mavy at Casey dahil sa ganoong paraan sila pinalaki ng mga magulang maging ng abuela nila pero kailangang gawin ni Mavy ang binabalak niyang gawin. Para sa kaligayahan at katahimikan din naman niya iyon. Sandali lang naman din siyang mawawala, pinaka-matagal na ang isa't kalahating buwan.

Masyado ka talagang siguradong magiging effective ang mga plano mo. komento ng isang bahagi ng isip niya.

Kailangan niyang palakasin ang loob na magagawa niya iyon kaagad. Kung kinakailangan niyang gamitin ang charm niya para mapaamo at malapitan lang ang babaeng siyang pakay sa Pilipinas ay gagamitin niya, magawa lang kaagad ang plano niya.

As for his business, ipauubaya na lang muna niya iyon sa sekretarya niyang si Blue at sa matalik na kaibigan at partner niyang si Free. Alam naman niyang hindi pababayaan ng mga ito ang negosyo nila. Takot lang nilang malugi ang hotel business namin. aniya sa isip.

"Sandali lang ako mawawala, Casey. Besides, puwede naman tayong mag-usap through Facetime or Skype. Nandiyan din naman si Free at si Blue para tingnan pansamantala ang business namin. Don't worry, babalitaan kita palagi tungkol sa nangyayari sa'kin sa Pilipinas." panga-alo niya sa kapatid.

"Pumayag na ba sina mommy at daddy sa gusto mong mangyari? Alam ba nila ang totoong reason ng pag-uwi mo?" sa pagkakataong iyon ay nakalabi na ito.

Umiling lang siya. Walang alam ang mga magulang niya sa totoong dahilan niya ng pag-uwi sa Pilipinas. Dahil ang sinabi lang niya sa mga ito ay gusto niyang personal na kilalanin ang babaeng nakatakda niyang pakasalan sa hinaharap. Gusto niyang siya din ang magsasabi dito ng nakaatang na responsibilidad nilang dalawa kung sakaling hindi nga talaga nito alam ang tungkol sa kasunduan katulad ng sinasabi ng Lola nila.

Pero ang totoo, gusto lang niyang humanap ng rason para hindi na matuloy ang kasalan. Masyadong sagrado ang kasal para sa kanya at hindi mo maaaring basta na lang gawin iyon dahil sinabi ng kung sino, kahit na ang pinakamamahal mo pang abuela iyon. Ngunit hindi naman niya maaaring basta na lang balewalain ang kagustuhan ng abuela dahil ayaw din naman niyang nasasaktan ito lalo na kung siya ang magiging dahilan.

Kaya nga gagawin niya ang lahat ng paraan para may mga ebidensiyang maipakita sa lola niya na hindi ang mga katulad ni Gracel Ivan Dumigpe ang dapat niyang makasama habang buhay.

Bakit, anong klaseng babae ba dapat ang makasama mo habang buhay? usisa ng isang bahagi ng isip niya.

Hindi man halata pero isa siya sa mga bilang sa daliring mga lalaki na naniniwala sa forever. Hopeless romantic siya at naniniwala siyang hindi dapat nagsasama o nananatili sa isang relasyon ang dalawang tao kung hindi naman mahal ng mga ito ang isa't-isa.

"Bahala ka, Kuya. Sana lang, maging maayos iyang plano mo bago malaman ni Lola ang tunay na dahilan ng pag-alis mo dito." umiling-iling pa si Casey at humalukipkip pagkasabi niyon.

"Trust me, makakabalik ako kaagad. And Lola won't know anything unless you'll tell her something. Kaya manahimik ka na lang at hayaan mo na lang na ako ang gumawa ng lahat. Everything is going to be fine, Casey." paniniguro niya sa kapatid at titiyakin niyang magiging maayos nga ang lahat. Nang naaayon sa mga plano niya.


NATATAWANG niyakap ni Mavy ang mommy niya na nagu-umpisa nang mag-drama. Kasalukuyan silang nasa airport dahil ilang oras na lang at sasakay na siya ng eroplano papuntang Pilipinas.

"Huwag mong kakalimutan ang mga bilin ko sa'yo, okay? Tinawagan ko na si Manang Lorna para maasikaso ka niya at hindi ka pabayaan doon. Balitaan mo kami kung ano na ang nangyayari sa'yo at kay Ace, okay?" sumisinghot-singhot na litanya nito.

Umiling-iling siya. "Yes, mommy. Hindi ko po kakalimutan. Every other day, tatawag ako sa inyo para ibalita ang lahat ng nangyayari sa'kin sa Pilipinas. At dapat, hindi mo na inabala si Yaya Lorna, baka ma-stress pa iyon." Si Yaya Lorna ang yaya nila ni Casey noong sa Pilipinas pa sila nakatira. Tatlong taon kasi sila nang mag-migrate sa States ang buong pamilya nila. Pero bago pa man sila ipanganak ay nandoon na ang Yaya nila kaya naman kapamilya na din ang turing nilang lahat dito.

Paminsan-minsan ay bumibisita ang matanda sa kanila para lang makapag-bakasyon ito. Nitong nakaraang dalawang taon nga lang ay nagsawa na ito at sinabing sila naman daw ang bumisita sa Pilipinas. Doon na din ito tumira sa bahay nila dahil wala nang ibang pamilya si Yaya Lorna. Matandang dalaga kasi ito.

"Ah, basta! Mag-iingat ka doon, baby boy! 'Wag mong pababayaan ang sarili mo." mangiyak-ngiyak na bilin ng mommy niya at pinupog pa siya ng halik sa mukha.

Napangiwi siya pero hindi naman ito sinaway dahil lalo lang itong magda-drama. Nang sa wakas ay bitiwan siya nito ay ang daddy naman niya ang nilapitan niya at niyakap. "Take care, son." bilin nito sa kanya.

Pagdating sa lola niya ay hinawakan nito ang mga kamay niya at pinakatitigan siya sa mga mata. "Be good to her, okay? Kapag nagkaroon ka ng pagkakataong makilala siya ng lubos, mare-realize mo na tama lang ako ng piniling babae para sa'yo, apo." seryosong anito pero nakangiti naman ang mga mata. Ang Lola Miranda na yata niya ang pinaka-mabait na lolang nakilala niya. Napakamaunawain nito at mapagmahal. Napaka-selfless pa.

Kaya nga hindi niya kayang masaktan ang lola niya. Kaya din gagawin niya ang kung ano man ang pakay niya sa Pilipinas dahil alam niyang iyon ang makakabuti. Maiiiwas niya sa sakit ng kalooban ang lola niya kung sakaling hindi maging successful ang pagma-matchmake nito sa kanya sa apo ni Lola Myrna.

"Yes, Lola. Ako po ang bahala." nakangiting sagot niya bago hinalikan ang abuela sa noo. Niyakap din niya ito ng mahigpit. Ginulo lang niya ang buhok ni Casey at hinalikan ito sa pisngi bago kinindatan. Sigurado siyang nakuha na nito ang gusto niyang iparating sa simpleng kindat na iyon.

"'Bye, guys. I'll see you again very soon." paalam niya nang tawagin na ang flight kung saan siya sasakay.

Bago siya mag-board ay muli paniyang binalingan ang pamilya at kinawayan. I'mdoing this for you, Lola. And for myself. Trust me, this is for the best.Nang kumaway ang mga ito pabalik ay ngumiti siya bago tumalikod at tuluyangpumasok. Tama na ang mga yakap at ngiti ng mga ito para baunin niya sa mahigpitisang buwang mawawalay siya sa pamilya.

Love Revolution 5: Ace, The Playful Fairy [Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon