KADARATING lang ni Mavy sa bahay nila ay sinalubong na siya ng kawaksi at sinabing ipinapatawag siya ng abuela. Agad naman niya itong pinuntahan sa ino-okupang silid.
Nandoon ang mga magulang niya maging si Casey na dahilan kaya nagsalubong ang mga kilay niya. Ano ang mayroon at join force yata ang mga ito.
"Anong meron?" tanong niya.
Ilang sandali ding walang nagsalita. Nakatingin lang ang mga ito sa kanya. Natuon lang ang atensiyon niya sa kakambal dahil sa lahat ng nandoon sa silid, ito lang ang mukhang hindi mapakali at kinakabahan. Walang mababasang emosyon sa mukha ng kanyang ama. Malungkot naman ang mukha ng kanyang ina habang ang kanyang lola ay pormal na pormal ang hitsura.
Isa lang ang ibig sabihin niyon, may problema at may pakiramdam siyang siya ang puno't dulo niyon. Pero bakit ganoon ang hitsura ng kapatid niya?
Nagsimulang kumabog ang dibdib niya lalo na nang magsalita ang lola niya. "Sit down. I have something to tell you." malamig ang tinig na utos nito.
Kapag ganoon na ang ginagamit na tinig ng lola niya, walang kahit na sino sa kanila ang nangangahas na hindi sumunod dahil mas matindi pa sa mabagsik na leon kung magalit at mag-amok ang lola niya kaya ginawa niya ang inuutos nito. Umupo siya sa pang-isahang sofa sa kuwarto nito.
"What is this all about? May problema ba?" sunod-sunod na tanong niya. "Get straight to the point, okay? Pagod ako ngayon at kailangan ko po ng pahinga kaya bilisan na lang natin." Naga-ayos kasi siya ng isang malaking sorpresa kay Ace kasama ang mga kaibigan nito kaya buong araw siyang wala sa bahay nila. Ang totoo ay dalawang araw na silang hindi nagkikita ng dalaga dahil abala nga siya sa sorpresa para dito. Kapag nagtatanong ito ay ang pamilya niya ang isinasangkalang niya.
"Hindi ko na gustong ituloy ang nakatakdang kasal n'yo ni Ace." deretso ang tingin sa kanyang biglang bulalas ng lola niya.
Kulang ang salitang gulat sa naramdaman niya. Pakiramdam niya ay tumigil sa pagtibok ang puso niya dahil sa sinabi ng abuela. Ano na naman ang pumasok sa kukote ng matada para biglang mag-desisyon ng ganoon? At bakit ngayon pa nito naisip iyon, kung kailan mahal na niya ang dalaga at tanggap na niya ng buong-buo sa sariling ito ang makakasama niya hanggang sa pagtanda?
"Anong kalokohan 'to, lola?" iyon lang ang tanging lumabas sa bibig niya. Hindi kasi siya makapaniwala sa naririnig.
"Na-realize ko lang na hindi ko dapat pinangungunahan ang mga desisyon n'yo sa buhay. May sarili kayong mga isip at alam n'yo kung ano ang makakapagpasaya sa inyo kaya dapat kong respituhin iyon." biglang naging malungkot ang mukha ng lola niya. "Pasensya ka na, apo kung pinangunahan kita. Pasensya ka na kung natali ka sa ganitong responsibilidad nang dahil sa'kin. At pasensya ka na kung kinailangan mo pang isakripisyo ang trabaho mo sa New York para lang pumunta dito sa Pilipinas at hanapan ng kung ano-anong dahilan para hindi matuloy ang nakatakda ninyong kasal ni Gracel.
"Ang dapat mong pakasalan ay iyong babaeng talagang laman ng puso mo. Iyong babaeng alam mong mamahalin mo hanggang sa pagtanda mo. Katulad ng pagmamahalan ng mga magulang mo. Kaya ibinibigay ko na sa'yo ang kalayaan mong pumili ng babaeng magiging katuwang mo habang buhay."
Marahas na bumaling si Mavy sa kapatid niyang namumutla na. Sa dami ng sinabi ng lola niya, ang tanging rumehistro lang sa utak niya ay ang sinabi nitong siyang dahilan niya sa pagpunta sa Pilipinas at iisang tao lang naman ang sinabihan niya ng sekretong iyon.
"I'm sorry, Kuya. Hindi ko sinasadya." paghingi nito ng paumanhin.
"Sana noong una pa lang, sinabi mo na sa'min ang nararamdaman mo para nagawan natin ng paraan. Madali namang kausap ang lola mo, Mavy. Hindi namin gugustuhing malagay ka sa situwasyon na mahihirapan at masasaktan ka." malungkot na pahayag ng kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Love Revolution 5: Ace, The Playful Fairy [Published under PHR]
RomantizmMaverick Gonzalo went to the Philippines because he wants to meet the girl he's going to marry. Ipinagkasundo siya ng Lola niya sa babaeng nagngangalang Gracel Ivan Dumigpe at gusto niyang makita nang personal kung ano ang mayroon dito at ito ang na...