HULING practice ng HID bago ang performance nila para sa anniversary celebration ng Hendrix International University. At dahil iyon na ang huling practice nila, nagpabili ng mga pagkain si Miss Aurora para pagsaluhan nilang lahat. Dahil nasisiguro daw nito na magiging maganda na naman ang feedback sa kanila sa magiging mga performance nila.
Hindi pa din nagkakausap si Ace at ang mga kaibigan niya at nakikita niyang nahihirapan na ang mga ito sa ginagawa niya. Hindi nga naman kasi siya napipikon ng matagal sa mga ito. Hindi nagtatagal ang hindi niya pagkausap sa mga ito kahit na gaano pa siya asarin ng mga kaibigan. Ngayon lang nangyari iyon at kung puso niya ang tatanungin, nagi-guilty na din naman siya.
Nagiging childish na kasi siya kung tutuusin. Nage-effort na nga ang mga ito para makabawi sa kanya pero hindi pa din niya pinapatawad ang mga ito.
"Guys, hindi puwedeng matapos ang araw na 'to hangga't hindi kayo nagkakaayos-ayos. Napipikon na ako sa cold treatment ni Ace sa inyong lahat. Pagu-untugin ko na kayo kapag hindi pa kayo umayos." nakasimangot na ani Miss Aurora sa kanilang lahat. Kasalukuyan na silang kumakain ng hapunan sa sala.
Tahimik lang na kumakain si Ace na parang walang naririnig. Nagi-inarte lang siya ng kaunti. Pagti-tripan lang niya ang mga ito pero hindi din niya patatapusin ang araw na iyon nang hindi siya nakakahingi ng pasensya sa mga ito at hindi sila nagkakaayos-ayos.
"Hoy, Gracel Ivan! Narinig mo iyong sinabi ni Miss Aurora? Kausapin mo na kasi kami ng maayos para matapos na 'tong problemang 'to. Kainis naman 'tong babaeng 'to, masyadong pakipot!" binunggo pa ni Iane ang balikat niya.
Tiningnan niya ito 'tsaka inirapan bago ibinalik ang tingin sa kinakain. Minsan, masarap din talagaang asarin ang pinsan niya, madali kasing ma-praning 'to kapag may mga malalapit dito ang naiinis o nagagalit dito.
"'Etong si Ace, minsan ang lakas din mag-power trip eh. Daig pa namin ang boyfriend kung manuyo sa'yo ha? Ilang beses na kaming nag-sorry, nagpa-pabebe ka pa din?" pumapalatak na komento ni Tyler. Mayamaya ay nanahimik ang mga kaibigan niya kaya natigil din siya sa pagkain. Nang mag-angat siya ng mukha at pasimpleng tingnan ang mga ito ay pare-parehong nakangisi ang mga tinamaan ng magaling.
Bigla siyang kinabahan sa maaaring gawin ng mga ito sa kanya kaya tumikhim siya pagkatapos ay ibinaba niya ang platong kinalalagyan ng halos ubos nang pagkain niya. Tatayo na sana siya para pasimpleng tumakas pero biglang umabrisite si Iane sa braso niya dahilan para panlakihan niya ito ng mga mata pero hindi iyon umubra dahil bago pa siya makaisip ng susunod na hakbang ay dinaluhong na siya ng mga hinayupak!
Ang iba ay ginulo ang buhok niya, ang iba ay hinahalikan siya sa magkabilang pisngi at ang iba naman ay kinikiliti siya. Rinig na rinig niya ang malakas na halakhak ni Miss Aurora dahil mas malakas pa iyon kaysa sa tawang pinapakawalan niya.
"Stop, guys! Shit, hindi na ako makahinga. Kapag ako nagsuka, kasalanan n'yo! Hindi ko na talaga kayo kakausapin kahit kailan!" patiling banta niya pero hindi naman tumigil ang mga ito.
Doon niya napagtanto na masarap magkaroon ng kaibigan lalo na kung totoong kaibigan ang mga nakapaligid sa'yo. Na kahit na anong pagsubok o problema ang pagdaanan ng grupo n'yo, maliit man o malaki ay kakayanin n'yong lagpasan at gawan ng solusyon. Mabuti na nga lang at kahit na sino sa kanila ay hindi naisip bumitiw sa pagkakaibigang nabuo sa loob ng organisasyon nila. Dahil kapag nangyari iyon, isa siya sa unang-unang magmo-mongha sa malayong lugar at hindi na babalik sa kabihasnan.
KINABUKASAN ay maagang nagising si Mavy. Actually, hindi pa nga sana siya babangon kung hindi lang dahil sa malakas na boses ng kapatid niya. Na animo ang layo-layo ng mga kausap nito kung magsisisigaw ito.
BINABASA MO ANG
Love Revolution 5: Ace, The Playful Fairy [Published under PHR]
RomanceMaverick Gonzalo went to the Philippines because he wants to meet the girl he's going to marry. Ipinagkasundo siya ng Lola niya sa babaeng nagngangalang Gracel Ivan Dumigpe at gusto niyang makita nang personal kung ano ang mayroon dito at ito ang na...