Kitang-kita ni Anthony ang pagdaloy ng luha sa nakapikit na mga mata ng babaeng nakahiga sa hospital bed. She was badly injured from the accident and it was his fault. Naikuyom niya ang kamay na walang benda. Kasalanan niya ang lahat. Yes, he had some injuries too, but they were nothing compared to what she got. Wala na siyang pakialam sa sarili. Ito lamang ang nasa isip niya. Lasing na lasing siya noon, napakatigas ng ulo niya sa kabila ng paulit-ulit na pagpigil nito sa kanya na magmaneho.
Marahan niyang hinawakan ang kamay nito at napasulyap sa suot nitong singsing. It perfectly fit her as if it was made for her. Ramdam niya ang aligasgas ng palad nito na para bang buong-buhay itong nagpapakahirap sa trabaho. Inuusig siya ng kanyang konsensya. Kung hindi dahil sa kanya ay wala ito sa sitwasyon nito ngayon. It was all his fault. I was all his fucking fault!
She slowly opened her eyes as tears rolled down her cheeks. Maingat na binitiwan niya ang kamay nito. Gusto niyang saktan ang sarili sa kanyang nagawa. How could he be so cruel to this woman?
"Sshh...I'm here..." pinunasan niya ang mga luha nito, he thought, that was the least he could do to lessen the pain he could see in her face. Inaasahan niya na magiging bayolente ang reaksiyon nito nang ilibot nito ang mga mata sa paligid. Nasa isang pribadong silid na ito sa ospital noong isang araw pa. She had been asleep for three days.
"N-nasaan ako? Anthony? Anthony?!" Akmang babangon ito nang pigilan niya.
Ikinulong nito sa mga kamay ang mukha niya. "My God! Buhay ka! Salamat sa Diyos!"
Napaluha ito. "Buhay pa ako?"
Napayuko siya. He even bit his lower lip as guilt rushed through his body. "I'm sorry. It's my fault."
Umiling-iling ito. Maingat na inihiga niyang muli ito. Ilang saglit itong tila nagmasid lang sa paligid habang halos pinipigilan ang muling pagpikit ng mga mata.
"Ang ganda ng mga bulaklak," mahinang sabi nito, nakatuon ang pansin sa iba't-ibang kulay na mga rosas na nakapatong sa lamesita.
He did not expect it from her. "Mona," tawag niya sa pangalan nito na malinaw sa alaala niya. "'Wag mo munang pilitin ang sarili mo."
"Iniisip mo sigurong p-paano ko pa napansin ang mga bulaklak gayong narito ako at nakaratay sa kamang ito, kalahati ng katawan ko ang may benda at walang katumbas na sakit ang nararamdaman ko..."
Kinain siya muli ng kanyang konsensya. Tiningnan niya ito. May benda sa ulo nito. May bali ito sa kanang braso. The doctors had to do a hip surgery for she was also badly hit on there. Buong kaliwang hita nito pababa sa paa ay nababalot rin ng benda. Halos kulay talong ang bahagi ng kaliwang pisngi nito. Pula ang dapat sana ay kulay puti na bahagi sa kaliwang mata nito. The doctors said it was a miracle that she survived dahil wala itong seatbelt na suot. Napapikit siya sa dahilan niyon.
"I'm sorry..." Iyon lang ang kaya niyang sabihin.
Ngumiti ito ngunit agad ring napalis iyon nang tila may maramdaman itong sakit. "Hey, dapat pa nga ay magpasalamat ako dahil buhay pa rin ako..."
Hindi makapaniwalang napatitig siya dito. "Hindi ka galit? You should be mad at me! You should sue me, or I don't know. Ask mon-" What are you, Anthony? An idiot!? Talagang ikaw pa ang magsa-suggest na magpabayad siya? Sa tingin mo, ganoong klaseng babae siya? Maybe. But you don't really know her! Paano kung malaman ng media ito? Your status will be compromised!
Sinulyapan siya nito. Kita niya ang labis na sakit, lungkot, at pagod sa mukha ng babae. She closed her eyes. "Kung magagalit ako, gagaling ba ang mga sugat ko agad? Makakatulong ba 'yon sa 'kin? Imbes na magalit, nagpapasalamat ako sa Diyos at buhay pa rin ako at ikaw, buhay ka. Iyon lang ang mahalaga sa akin ngayon. Siguro may plano pa Siya sa atin."
YOU ARE READING
The Self-Made Billionaire Series 1 Anthony La Cuesta (Completed)
RomanceOne car accident. Two strangers crossed paths. Anthony La Cuesta who is a Self-Made Billionaire met the woman who saved his life--si Monique Enriquez, ang babaeng lumayas sa poder ng tiyahin dahil ito ay ibinenta sa isang parokyano sa bar. He's will...