Bumangon ang galit sa dibdib ni Monique habang nakatitig sa mga larawan sa tablet na iniabot sa kanya ni Rocio. "Read the caption at your own risk" sabi pa nito bago siya nag-scroll. There were pictures of Anthony and Jaimee in a hotel lobby, magkayakap, naghahalikan.
Kapag tinanong niya ang asawa, Ide-deny ba nitong nangyari iyon? Kung hindi pa nito nakakalimutan si Jaimee bakit siya nito pinakasalan? Oh right, she remembered, dahil nga pala iyon ang gusto niya and because he wanted to give her everything she wanted in life, there, nagpakasal sila.
"Okay ka lang? Parang anytime ay matutumba ka." Nagkunwari pa itong sasaluhin siya.
"Rocio, 'wag mong ipapakita kay—" natigil si Wendy nang makita siya sa kusina at hawak ang tablet. "Ah, eh," anito hindi malaman ang sasabihin.
Nagkatinginan ang dalawa.
Kinalma niya ang sarili bago nagsalita. "So, balak n'yong itago sa akin ito?"
"Hindi naman sa gano'n! kaya nga lang kasi, concern din kami siyempre sa mararamdaman mo. Agrabyado ka, eh." Sabi ni Rocio at kinuha na sa kamay niya ang tablet na para bang natatakot na baka maihagis niya iyon kung saan.
Naupo siya sa matas na stool at humigop sa kape na ginawa nito. "Pampakalma," aniya.
"Baka tubuan ka kamo ng nerbiyos niyan." Sabi ni Wendy at naupo sa tabi niya.
Pumasok sa kusina si Leila. "Aba, ang aga natin mga mare, ah."
Nakiusyoso ito sa tinitingnan ni Rocio sa tablet sabay tutop sa bibig. "Grabe talaga 'yang babaeng 'yan. Kahit noong nasa Maynila ako sa bahay ni Sir Anthony doon panay papansin na 'yan, eh. 'Di ko talaga feel 'yang babaeng iyan. Materialistic. Mabuti na lang at hindi napangasawa ni Sir dahil kung hindi, ewan ko na lang."
"Sinabi mo pa." Sang-ayon ni Wendy dito.
"Tama na nga 'yan at nai-i-stress 'tong si Madam natin, lagot tayo kay Sir Anthony kapag sumama pakiramdam niyan." Ani Rocio at hinarap na ang pagluluto.
Nagsimula siyang tumulong sa paghihiwa ng mga gulay na kahit ilang beses siyang pigilan ng mga ito ay hindi siya nagpaawat. Itutuon na lamang niya doon ang galit niya. Nasa isip niya sina Jaimee at Anthony. Pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya sa sakit. Kahit ba hindi siya mahal ng asawa sana manlang ay isinaalang-alang nito ang mararamdaman niya.
"Aw!" naibagsak niya ang kutsilyo sa counter at nakita niya agad ang dugo mula sa hiwa na natamo niya.
"Sinasabi na nga ba, eh!" Si Leila ay agad na tumakbo para kumuha ng first aid kit.
"Naku! Patay tayo nito kay Sir Anthony!" Sabi ni Wendy at inilapit siya sa lababo para hugasan ang kamay niya.
"Ano ba kayo? Hiwa lang 'to malayo sa bituka."
"Ang layo kasi ng lipad ng utak mo abot hanggang Maynila kaya 'yan!" si Rocio na sininghalan pa siya. "Ikaw ang asawa, tandaan mo 'yan. 'Wag kang mapraning."
Dahil ayaw nang makaabala pa sa mga ito ay umalis na sa kusina si Monique matapos lagyan ni Leila ng dalawang band-aid ang sugat niya. It was a long and deep cut. Nararamdaman niya ang hapdi niyon.
Nagtungo siya sa library. Magbabasa na lamang siya ng libro para hindi na niya maisip ang babaeng iyon. Habang pumipili ng libro ay narinig niya ang boses nina Marco at Ambrose na paparating. Mabilis na nagtago siya sa likod ng isang shelf dahil ayaw muna niyang makipag-usap kahit na kanino. Siguro naman ay hindi magtatagal ang mga ito sa library. And because the shelf was full of books, hindi siya mapapansin ng mga ito doon.
YOU ARE READING
The Self-Made Billionaire Series 1 Anthony La Cuesta (Completed)
RomanceOne car accident. Two strangers crossed paths. Anthony La Cuesta who is a Self-Made Billionaire met the woman who saved his life--si Monique Enriquez, ang babaeng lumayas sa poder ng tiyahin dahil ito ay ibinenta sa isang parokyano sa bar. He's will...