Anthony sat on the edge of the bed with her last words kept repeating on his mind. None of them were talking for the last few minutes. He was astonished by such revelation. He figured; it would be beneficial to be calm. Monique wiped her tears and hid inside her blanket.
"I'm sorry," he sighed. "I didn't know..."
"Hindi mo naman talaga dapat malalaman 'yon. Hindi ko napigilan. Hindi ko naman sinasadya."
Tinapunan niya ito ng tingin kahit alam niyang hindi niya ito nakikita sa ilalim ng blanket. Napangiti siya nang makitang umusod ito palayo sa kanya. Ano nga ba ang dapat niyang gawin dito?
"About Jaimee..."
"Stop. Ayokong marinig ang tungkol sa girlfriend mo. Ayoko na ring makonsesiya ka pa dahil lang sa nagsisinungaling tayong dalawa sa harap ng mga tao. Tell the media the truth. Iniisip ko ang kalagayan ni Jaimee, she must be sad or angry dahil nakapako ka sa akin—sa kasinungalingan na ito. Anthony, okay lang ako. Puwede na akong umalis sa farm. Magre-rent na lang siguro ako ng kuwarto sa bayan. Tutulungan ako nina Manong Ido at Aling Susan—"
"At Rommel?"
Ilang saglit itong nanahimik bago niya narinig ang paghigit nito ng isang malalim na paghinga.
"Nadagdagan ang mga may crush sa akin, ano?" Mahinang natawa ito.
He did not find that funny. A moment of silence had passed.
"Why do you like me?" He curiously asked in such a tone that he barely heard himself. "Now that you can't even see me. I think we should talk. Tell me everything you have to tell me."
Natahimik ito. Narinig niya ang ilang pagsinghot. Mahabang sandali ang lumipas bago ito muling nagsalita.
"Akala ko kasi, madali lang. Na... nagpapagaling ako sa farm kasama mo at hanggang doon lang 'yon. Kapag binubuhat mo 'ko at nararamdaman ko ang tibok ng puso mo sa ilalim ng palad ko...gusto ko 'yon. Gusto ko 'yung buhok mo sa umaga, magulo, pero malakas ang dating. Gusto ko 'yung tindig mo. It brings me warmth whenever you look straight in my eyes. Sa totoo lang, I have dreamt to be kissed by you. And when it happened, it was like a dream. Isang napakagandang panaginip. It was everything and more. Nakaka-adik. Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko pero sa tuwing alam kong kaya ko... you would do something that would make me fall even harder in love with you. I'm sorry, Anthony. I'm so sorry."
"Hindi ko alam ang sasabihin ko," pag-aamin niya, her words struck him hard.
May dapat ba siyang sabihin sa kanyang mga narinig? It was clearly a confession of love. He was glad to hear all those things from her yet it could only mean one thing, he had to protect her even more.
"Hindi mo naman kailangang sumagot ng kahit na ano. I confessed not because I want you to feel the same about me but because I wanted to be free from all these emotions I'm having. Ang hirap kayang magpanggap na wala lang ang lahat when in fact, para akong natutunaw sa tuwing nasa malapit ka."
He nodded. "What do you want me to do, Mona?"
Ilang saglit itong parang nag-isip at unti-unting lumabas sa blanket. Her face was red. She had been crying inside the blanket and although he wanted to touch her, he chose not to.
"Gusto kong... umalis na dito," hindi tumitingin sa kanyang sagot nito.
He wished he had not heard those words. "Why?"
Saka lamang ito tumingin sa kanya. "Dahil unfair ito sa 'yo at kay Jaimee."
"She's out of this."
Napayuko ito. "Nahihiya ako sa kanya. Na... kailangan n'yong magtago dahil dito. Dahil sa akin."
Pinakatitigan niya ito hanggang sa sumilay na ang ngiti sa kanyang mga labi. Agad na itinago niya ang ngiting iyon nang magtaas ito ng tingin sa kanya.
YOU ARE READING
The Self-Made Billionaire Series 1 Anthony La Cuesta (Completed)
RomanceOne car accident. Two strangers crossed paths. Anthony La Cuesta who is a Self-Made Billionaire met the woman who saved his life--si Monique Enriquez, ang babaeng lumayas sa poder ng tiyahin dahil ito ay ibinenta sa isang parokyano sa bar. He's will...