Hindi alam ni Monique kung gaano siya katagal sa banyo hanggang sa nasiguro niyang hindi na nababakas sa mga mata niya ang pag-iyak. Pero sa tuwing tititig siya sa repleksiyon niya sa salamin ay nagbabadya na naman ang kanyang mga luha.
Lumabas siya ng banyo at natigilan nang makita si Anthony na kapapasok lamang sa kanilang silid.
"Akala ko nakaalis ka na," mahina niyang sabi.
"Oh, I'm leaving in like an hour."
Tumango siya. Iniwas ang tingin dito. Hindi niya makakayang tingnan ito sa mga mata na hindi mapapaluha.
"K-kailan ka babalik?" Huli na para bawiin niya ang tanong na iyon. Her voice even cracked. As if she was begging him to just stay.
Bakit kailangan pa niyang malaman kung hindi naman na sila magkikita nito pagkatapos ng araw na iyon? He walked toward her.
Gamit ang isang kamay ay itinaas nito ang kanyang mukha para magsalubong ang kanilang mga mata. Bumaba ang mukha nito sa kanya at siniil siya ng halik sa mga labi. Naisip niyang iyon na ang huling beses na matitikman niya ang mga halik nito, mahahaplos ang mukha nito...
She kissed him back. Halik na puno ng pagmamahal. Halik na alam niyang tatatak sa kanyang alaala at puso habang-buhay. Sa sumunod na sandali ay naging malalim ang halik nito na tila ba punong-puno ng pangangailangan.
He looked at her. There was hurt in his eyes. "I'm sorry, I've been busy lately. I promise I'll make it up to you when I get back."
Parang piniga ang puso niya sa narinig. Only if those words were true. Only if he was really coming back to her.
"It's okay, Anthony. Naiintindihan ko."
"Hey, is everything okay?"
She nodded. Hindi niya napigilan ang sariling halikan ito sa mga labi. Susulitin niya ang isang oras na natitira. Humiwalay siya sandali dito at hinubad ang pang-itaas na damit.
He seriously looked at her. "I have to—"
She kissed him. Wala siyang sinayang na sandali at pinadapo ang mga kamay sa butones ng polo nito. While she was unbuttoning his shirt, she was kissing him slowly in his mouth. He touched her arms, pulled away and kissed her neck down to the hollow of her breasts.
His phone buzzed in his pocket and he pulled away from her.
"Don't answer it." She ordered.
Napatingin ito sa kanya.
Napalunok siya. "Leave it, Anthony. Please make love to me..."
"Oh honey, you don't have to say please."
Bago pa nito makita ang pagtulo ng kanyang mga luha ay agad na hinalikan siya nito sa kanyang mga labi. He pulled away when he tasted her tears.
"Monique..."
She wiped her tears. "I just love you so much, Anthony. Always remember that okay? Na ikaw lang ang lalaking mamahalin ko habang-buhay. My heart is yours, from the very first time I met you until my last breath."
Hindi na niya hinintay pa ang pagtugon nito at buong-pusong muli itong hinagkan sa mga labi. Maingat na inihiga siya nito sa kama. Sandali siyang iniwan nito para alisin ang lahat ng saplot sa kanyang katawan. He joined her in the bed naked.
Walang sandali siyang sinayang para maiparamdam dito kung gaano niya ito kamahal. Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman ang halik nitong naglakbay mula sa kanyang mga labi patungo sa kanyang dibdib. He did not know how much it pained her knowing that it was the last time she would hold him, kiss him, feel him like this.
YOU ARE READING
The Self-Made Billionaire Series 1 Anthony La Cuesta (Completed)
RomanceOne car accident. Two strangers crossed paths. Anthony La Cuesta who is a Self-Made Billionaire met the woman who saved his life--si Monique Enriquez, ang babaeng lumayas sa poder ng tiyahin dahil ito ay ibinenta sa isang parokyano sa bar. He's will...