"HINDI mo naman kailangan na personal akong alagaan, Anthony. Nariyan naman si Manang Josefina, si Rocio at Wendy. Tsaka ayoko na masayang ang oras mo sa akin." Iyon ang eksaktong nasa isip ni Mona na hindi niya napigilang sambitin nang maupo si Anthony sa tabi niya. Napakaingat nito na para bang natatakot na masagi man lang siya.
Hindi pa rin siya makapaniwala nang sa bahay nito sila dumiretso mula sa ospital. It was a huge house. Namangha siya sa taas ng ceiling at sa magagarang mga kagamitan sa loob niyon. The house had eight rooms. Para siyang nasa isang panaginip. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanya.
"I'm on vacation kaya palagi mo akong makikita dito sa bahay. Tomorrow, may pupuntahan tayo."
"H-hindi ka ba hahanapin ng boss mo?"
Nakita niya ang pag-angat ng isang sulok ng mga labi nito. "I'm the boss."
"Ha?"
"Wala."
"S-sinabi mo bang-"
"Are you hungry?"
Tiningnan niya ito. Nakatagilid ito sa kanya kaya kalahati lang ng mukha nito ang nakikita niya. Ang guwapo nito. Napakaguwapo. Malago ang itim na buhok nito. May nunal ito sa kanang bahagi ng mukha malapit sa mga labi. It was small. But because he was very close to her, kitang-kita niya iyon. Kulay-krema ang kutis ni Anthony at wala siyang nakikitang blemishes o kaya ay tighiyawat manlang sa mukha nito. How can a man be that flawless? Parang hindi totoo.
Nakakainsecure!
Matangos ang ilong nito, magaganda ang mga mata na tila nag-aagaw ang kulay itim at tsokolate. Mamula-mula ang mga labi nito na parang hindi naman nito nilalagyan ng kung ano para magmukhang moist at malambot. Napalunok siya sa imaheng bigla na lang lumitaw sa kanyang isipan nang walang permiso.
Nakakahiya siya! Bakit kung anu-ano ang naiisip niya?
"Are you done?"
Nangunot ang noo niya. "Ha?"
"May dumi ba 'ko sa mukha?"
"W-wala."
A playful smile showed in his lips.
Nag-iwas siya ng tingin at bigla na lang naramdaman na tila nag-iinit ang kanyang mukha. "Salamat sa mga bulaklak na ipinadala mo kaninang umaga. Lalong umaliwalas ang paligid." Nakatuon lang sa vase sa lamesita ang mga mata ni Mona. Hindi niya kasi alam kung gaanong kapula ang kanyang mukha. May kakayahan pala siyang mag-blush? Para siyang teenager!
"You're welcome. I figured that you like flowers so there..."
"S-salamat uli. Hindi mo kailangang gawin pero...ginawa mo pa rin."
Hindi ito nagsalita at nang ilang sandali na ang lumipas ay napatingin siya dito. He looked worried. "Gusto ko lang tanungin kung may tao ka bang gustong kausapin o ipaalam ang sitwasyon mo ngayon? Except your aunt and uncle. You can let them know that you are here. Baka nag-aalala na sila sa 'yo. You've been gone for a while."
Ilang sandali siyang natahimik. Sino nga ba ang mag-aalala sa kanya? "Wala." Tipid niyang sagot.
"How about your boyfriend?" Walang anu-anong tanong nito.
Doon siya muling napatingin dito pero abala naman ito sa laptop nito.
"Wala pang nagkakamali. Tsaka, wala sa isip ko 'yon. Hindi ko pa naranasan magka-boyfriend. Malay ko ba kung anong pakiramdam."
Tiningnan siya nito na tila ba sinusuri kung tama ba ang pagkakarinig sa kanya. Nakakunot ang noo nito. "Seryoso?"
Ang ekspresyon sa mukha nito ay parang nakarinig ng isang hindi kapani-paniwalang balita.
YOU ARE READING
The Self-Made Billionaire Series 1 Anthony La Cuesta (Completed)
RomanceOne car accident. Two strangers crossed paths. Anthony La Cuesta who is a Self-Made Billionaire met the woman who saved his life--si Monique Enriquez, ang babaeng lumayas sa poder ng tiyahin dahil ito ay ibinenta sa isang parokyano sa bar. He's will...