Lumuwas sa Maynila sina Monique at Anthony at matapos ang kanilang doctor's appointment ay dumiretso sila sa mansiyon. The doctor was happy seeing that Monique almost fully recovered. Cleared ang lahat ng tests nito. Sobrang saya niya at sinabi pa ng doktor na magaling daw siyang mag-alaga. Of course, he felt proud.
Bago bumaba ng sasakyan ay hinarap niya ito. Naguguluhang nakatitig lang ito sa kanya dahil nauna nang bumaba ng sasakyan ang kanilang driver.
"Anthony?"
"Yeah?"
"Hindi ba tayo bababa na?" Tanong nito.
Kinuha niya sa bulsa ang panyo. "Of course, we are. But I need to cover your eyes first."
Ngumiti ito pero nakakunot ang noo. "What? Bakit? Anong pakulo 'to ha?"
He covered her eyes with the handkerchief. "Because... I prepared something for you."
Tawa ito nang tawa. Oh, he loved the sound of her laugh.
"Anthony! Alam kong uuwi na tayo ulit sa farm tonight, ano'ng surprise doon?"
"Actually, we are staying here in Manila for a week, again."
"Oh, I didn't know that part."
Bumaba siya ng sasakyan at lumigid sa kabilang panig para alalayan itong makababa. They were walking to get in the house when she stopped.
"Wait... hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Anthony..."
He kissed her forehead. "I think you'll like it. Come on, few more steps."
Naglakad ulit sila at ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa braso niya. Pagpasok ay nakita niya agad sina Wendy at Leila na nag-thumbs-up sa kanya. He nodded at them and they switched off the lights.
They went straight to the pool area. Nakuntento siya sa nakita. Everything was perfect. He stood behind her and slowly took the handkerchief off her eyes.
***
Unti-unting iminulat ni Monique ang mga mata at natutop niya ang bibig. Inikot niya ang tingin sa paligid. There were candles perfectly arranged around the huge swimming pool, petals floating on the water. The sky was a combination of pink, purple and orange that matched the beautiful sunset. Nagbadya ang mga luha sa mga mata niya nang mapadako ang tingin niya sa lamesang naka-set-up malapit sa pool. There was a bottle of wine in the middle. The glasses and plates and utensils were all expertly placed on the table.
Nilingon niya si Anthony.
"Did you like it?" He asked her, smiling.
Tumango siya. "I loved it. Why? Ano'ng meron? Did you do all these?"
"Well, I thought that I did not get a chance to take you out on your birthday. And I had some help." Ikiniling nito ang ulo sa direksiyon ng salas at nakita niya sina Leila at Wendy na nakasilip, ngiting-ngiti, naghahampasan sa kilig sabay alis ng mga ito.
Ipinalibot ni Anthony ang mga braso sa kanya. Kay sarap damhin ng katawan nito. Pakiramdam niya ay walang anumang masamang mangyayari sa kanya sa tuwing nasa malapit ito, sa tuwing yakap siya nito.
"Oh, Anthony..." Iyon lang ang kaya niyang masabi sa lahat ng ginawa nito.
She felt so special. Napansin niya sa di-kalayuan ang ilang tao sa kusina.
YOU ARE READING
The Self-Made Billionaire Series 1 Anthony La Cuesta (Completed)
RomanceOne car accident. Two strangers crossed paths. Anthony La Cuesta who is a Self-Made Billionaire met the woman who saved his life--si Monique Enriquez, ang babaeng lumayas sa poder ng tiyahin dahil ito ay ibinenta sa isang parokyano sa bar. He's will...