Abala si Monique sa paghahanda sa kanilang garden wedding ni Anthony at kasama niya sa tabi ng pool sina Athena, Wendy, Rocio at Leila. Sila-sila lamang ang nag-o-organize ng lahat mula sa decorations pati sa reception na sa salas ng mansiyon gaganapin.
Hinimas niya ang tiyan, she was now eighteen weeks pregnant.
"Ang ganda-ganda mo, Ate Monique. You're glowing."
Kaninang umaga ay nagising siya sa yakap ng kanyang asawa. Sinabi nitong kailangan nilang asikasuhin ang kanilang one-year wedding anniversary by getting married in the farm katulad ng pangako nito noon. She got so excited. How time flies! Mag-iisang taon na pala silang kasal nito at marami man silang pinagdaanan, they were still together. Stronger.
"I think, babae ang first baby n'yo ni Sir Anthony." Sabi ni Leila.
"Oo nga! Excited na akong maging ninang," ani Wendy.
Nangingiti siya sa mga ito habang abala sa pagtitingin-tingin sa mga wedding magazines. Naalala niya bigla si Isabel na siyang pumili ng isusuot niya sa party noon. She could help her find the perfect wedding dress since she only had two weeks before the big day. She made a mental note to tell Anthony about it.
Nagkakasiyahan sila sa may pool side nang tawagin siya ni Manang Josefina. May bisita daw siya. Eksaktong palapit sa kanya si Anthony at narinig din iyon.
"Bisita? Sino naman ang bibisita sa akin?" Tanong niya sa asawa na nakakunot din ang noo.
"I don't know, let's go check it out."
Magkahawak-kamay na naglakad sila papunta sa salas at napatigil siya nang makita si Katarina. Nakangiti ito sa kanya. May hawak na pumpon na mga bulaklak. Sa tabi ay isang basket na may lamang mga pagkain.
"Oh, hi Anthony! Hi, Monique! I just came by to give you this. I heard about what happened—"
"I don't want to see you." Malamig na sabi niya na parang ikinagulat ng lahat ng nakarinig.
Tiningnan siya ng asawa. "Monique, are you okay? I can—"
"Tell this lady to get out of here!" Sigaw niya.
Nakita niya ang kunwaring pagtataka sa mukha ng babae. "I did not expect to receive such rude response from you, Monique. I was just being nice..."
Parang umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo sa narinig. Nakita niya ang pagtataka sa mukha ng lahat at para bang siya pa ang lumalabas na walang modo.
"Sa tingin mo hindi ko alam? Naaalala ko na ngayon. I heard Nick talking to you on the phone! Sinabi niyang padadalhan ka niya ng pictures ko once I'm dead! Now, tell me, do you have any right to see me? Para masigurado mong buhay pa ako? Ano'ng nasa basket? Lason?"
Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanya at kay Anthony.
"Bakit ngayon mo lang nasabi 'to?" Tanong ni Anthony sa kanya.
"She reminded me about it just now," tiningnan niya si Katarina. "Hindi ba sinabi ko sa 'yo na kapag hindi mo tinantanan ang asawa ko ay makikipagpalit ka ng mukha sa aso? Leila, ilabas sa kulungan ang mga aso ko at ipalapa si Katarina!"
Mabilis pa sa kidlat na nagtatakbo palabas ng mansiyon ang babae na muntik pang madapa. Sumilip sila sa labas at humarurot ang sasakyan nito palayo.
Natatawang hinarap siya ni Leila. "Madam, wala naman tayong aso."
Natawa na rin siya. "I know. Hindi na 'yon babalik kahit kailan."
Tiningnan niya si Anthony. Nangingiti ito na ewan. "We could have filed a case against her, you know that right? Kasabwat siya sa nangyari sa 'yo. I won't let her get away with it."
YOU ARE READING
The Self-Made Billionaire Series 1 Anthony La Cuesta (Completed)
RomanceOne car accident. Two strangers crossed paths. Anthony La Cuesta who is a Self-Made Billionaire met the woman who saved his life--si Monique Enriquez, ang babaeng lumayas sa poder ng tiyahin dahil ito ay ibinenta sa isang parokyano sa bar. He's will...