Isang masigabong palakpakan ang sumalubong kina Anthony nang marating nila ang salas. Iba't-ibang kulay rin ng mga bulaklak ang isinaboy ng mga kasama nila sa bahay sa kanila ni Monique.
"Really? We were not invited?" Si Ambrose ang nagsalita ngunit pumapalakpak naman.
"We didn't know that you could do this us, Kuya. Ni hindi mo man lang kami sinabihan. But, congratulations! We are all so happy for you!"
Niyakap siya ng mga ito. Ngumiti siya at hinarap si Manang Josefina at nagmano dito.
"Masaya ako para sa inyo, anak," anito at niyakap siya at ang kanyang asawa.
"Magkakaroon ho kami ng garden wedding kaya 'wag ho kayong mag-alala." Sabi ni Monique na hindi maalis ang ngiti sa mga labi. Happiness looked good on her.
"Talaga? I'm so excited!" Tili ni Wendy.
Nagsalo silang lahat sa isang masaganang hapunan bilang isang simpleng selebrasyon. Kitang-kita niya ang saya ni Monique. Bumabaha ang pagkain at alak. Inubos niya ang lamang whiskey ng kanyang baso at muling nagsalin ng alak. He felt so happy, too. Hindi niya alam na kaya pala niyang makadama ng ganoong klaseng kasiyahan.
Nilakad niya ang garden at umupo sa kubong naroon. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay nakita na niya ang pagsunod ni Manang Josefina sa kanya.
"Anthony, alam mong seryosong bagay ang pinasok mo." Umpisa nito at naupo sa tabi niya.
"Alam ko ho," mahina niyang wika sabay sinimsim ang alak sa kanyang baso.
"Mahal mo ba si Monique?"
Doon siya napatingin dito. Mahal? Was he capable of that feeling? Hindi niya alam. "She saved my life. Kung hindi dahil sa kanya malamang ay wala na ako sa mundong ito."
Kinuha nito ang kamay niya at hinaplos iyon. "Anak, ang pinasok mo ay panghabang-buhay."
"I know," nginitian niya ito.
Sapat na marahil ang ngiting iyon at napatango na lamang ito at iniwan siya. Kinuha niya ang kanyang cell phone. He looked into the gallery and there he found what he was looking for. Isang larawan kuha malapit sa pool, noong naghihintay silang dalawa sa pagsikat ng araw, enjoying their coffee. Ito mismo ang kumuha ng larawang iyon. Nakangiti ito at siya naman ay nakahalik sa pisngi nito. It was a beautiful picture.
Lumagok siya ng alak sabay pinagmasdan ang singsing sa kanyang daliri. He got married. Hindi siya makapaniwala. Pero bakit ganoon? Bakit tila may agam-agam sa kanyang puso? Deserve ba niya ang ganitong pakiramdam? Na... masaya? Deserve ba niya ang isang katulad ni Monique? He did not know.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, Kuya. Are you thinking of annulment now?"
Ang tumatawang boses ni Ambrose ang gumambala sa kanya. Naupo ito sa loob ng kubo bitbit ang isang bote ng whiskey na kalahati pa ang laman. Nagsalin siya ng alak sa kanyang baso.
"I just can't believe it, you know?"
"Kung ikaw hindi makapaniwala paano pa kaya kami? By the way, hindi kasalanan ni Lukas na nalaman namin, okay? Si Alexa ang naging source namin."
"What? How?"
"Oh, you didn't know? Malakas ang tama ni Alexa kay Marco."
Natawa siya sabay inom ng alak. "Should I fire her now?"
"Just pretend that you did not hear that from me, okay?"
He nodded. "How about Marco, does he like her?"
Ngumiti ito nang makahulugan sabay iling. "Nah..."
"Oh," tanging nasambit niya.
***
YOU ARE READING
The Self-Made Billionaire Series 1 Anthony La Cuesta (Completed)
RomanceOne car accident. Two strangers crossed paths. Anthony La Cuesta who is a Self-Made Billionaire met the woman who saved his life--si Monique Enriquez, ang babaeng lumayas sa poder ng tiyahin dahil ito ay ibinenta sa isang parokyano sa bar. He's will...