Chapter 5: First Encounter

180 3 0
                                    

Sabado ng umaga nang pagdesisyunan niyang ayain si Margaux na pumunta sa bahay ni Anndrei. Gusto kasi niyang kamustahin ito matapos manalo sa Photography Contest ng paaralan nila. Kilig na kilig siya sa mga ito nun nang mukha pala ni Tyrone ang gagamiting piyesa ng kaibigan niya. Nang pumayag si Margaux ay nagkita sila sa isang convenient store. Hindi nila nakasama si Zoe dahil may importanteng lakad daw ito.

Nang sapitin nila ang bahay ni Anndrei ay tulog pa daw ito ani ni Manang Emy. Kaya ginawa nila ay pinapunta muna sila sa likod bahay ng mga ito. Ganda ng bahay nila Anndrei sa tantiya niya ay mamahaling muebles ang nandodoon. Nagkukwentuhan sila ni Margaux nang may lumapit sa kanila, medyo may katandaan ito at halatang masungit ito.

"Sino hanap niyo?" Ani nito.

"Good morning po. Mga kaibigan po kami ni Anndrei." Aniya.

"Ako po si Margaux." Sabi ng kaibigan niya.

"Ako naman po si Sophia." Nakangiti niyang sabi. Madami pa itong tinanong sa kanila at katagalan ay nakapalagayan niya ito ng loob. Nabibiro niya ito. Nasa ganoon silang senaryo ng dumatin ang kaibigan nilang si Anndrei.

"Maiwan ko na kayo. Anndrei asikasuhin mo mga bisita mo." Ani ng Daddy ni Anndrei saka sila nito iniwan.

Habang nagkukwentuhan sila at nagtatawanan ay dumating naman ang Mommy nito at tinanong kung anong guto nilang kainin. Bigla ay nakaramdam siya ng gutom.

"Ok lang po." Nahihiyang pahayag ni Margaux.

"Ako po gutom po ako." Aniya.

"Sophia." Saway sa kanya ni Margaux.

"O siya ganito na lang dito na kayo mananghalian at mag luluto ako." Anito saka umalis. Anong magagawa nitong mga ito eh sa nagugutom siya. Maya maya lamang ay biglang may dumating. Lalaki. At di lang basta lalaki. Napakagwapong lalaki. Natulala siya dito dahil napakaganda ng mata nito at kilay. Matangos ang ilong nito at napakasexy tignan ang labi nito. Parang ang sarap halikan.

Nang lumapit ang lalaki sa kanila ay bigla kumabog ang dibdib niya. Ito ba ang tinatawag na Love at First Sight? Kung oo, totoo nga. Namalayan na lang niya na ipinakikilala na siya ng kaibigan niya dito.

"Sophia. Sophia ok ka lang?" Tanong ng kaibigan niya. Di niya pala namalayan na nakatulala na soya dito.

"I - I think nakilala ko na ang the one ko." Wala sa loob niyang sabi.

"Ok. By the way I have to go. Magbibihis lang ako at may pupuntahan pa akong iba." Anito sa kanila at hinalikan ang kapatid nito at umalis na. Sana siya din halikan nito.

"Hoy! Matunaw naman ang kuya ko. Pag ako nawalan ng kapatid kasalanan mo." Biro sa kanya ni Anndrei.

"Single ba siya?" Tanong niya sa kaibigan dahil gusto niya itong makilala.

"Ang alam ko wala na siyang girlfriend as of now. Pero maraming nagkakagusto diyan." Anito.

"I think I like him na." Aniya sa kaibigan sabay ngiti.

"Hoy! Di ka magugustuhan ng kuya ni Anndrei. Bukod kasi sa bata ka pa, wala namang hubog yang katawan mo. Di ka papatulan nun, para ka lang little sister nun." Pang aasar nito sa kanya.

"Aray ha! Grabehan na ito ah! Palibhasa bata ka palang ugali mo pang manang." Balik pang aasar niya dito. Naisip niyang sundan ito mamaya. Hahanap siya ng tiyempo.

Nang mapasarap ang kwentuhan nina Anndrei at Margaux ay nagpaalam siyang magbabanyo. Pagkaalis niya sa dalawa ay agad niyang hinanap ng mga mata ang kuya ni Anndrei. Wala ito sa sala. Baka nasa taas. Kaya naman kahit first time niyang pumunta sa bahay ng kaibigan ay naglakas loob siyang umakyat sa taas. Hindi niya alam kung alin sa mga pinto ang kwarto ng lalaki.  Habang nag lalakad ay patingin tingin siya sa mga muebles doon. Tinitingnan din niya ang mga picture na nakasabit sa bawat pader ng bahay. Hanggang sa may nagsalita.

"May hinahanap ka?" Ani ng tinig ng isang lalaki. Napaharap siya sa nagsalita. Nakita niya ang kuya ni Anndrei, halatang bagong ligo ito at nakasuot lang ng simpleng damit. Lumapit ito sa kanya ng nakangiti. Langhap na langhap niya ang amoy ng sabong ginamit nito. Para siyang nanghihina nang masyado itong malapit sa kanya.

"May maitutulong ba ako?" Tanong nito.

"Tulungan mo akong mapalapit sayo." Aniya sa mahinang tinig.

"Huh? Ano sabi mo?" Anito.

"Sabi ko, hinahanap ko yung banyo. NapapaCR kasi ako." Pagdadahilan niya para pagtakpan ang nasabi niya.

"Ah." Nangingiting sabi nito.

"Sheet! Ang ganda ng dimple!" Ani sa isip.

"Nasa ibaba ang CR. Kaso kung ihing ihi ka na dito ka na lang mag CR ipagamit ko sayo CR ng kwarto ko." Anito sa kanya.

"OMG! makakapasok pa ata ako sa kwarto nito." Aniya sa isip. Kaya naman di siya nagpatumpik tumpik pa. Pumasok siya sa kwarto nito. Nakita niya ang kabuuan ng kwarto nito. Tama nga sabu nila, pag lalaki talaga may ari ng kwarto napakagulo. Nang papasok na siya sa banyo ay may naapakan siya sa sahig. Pag tingin niya ay isang pirasong tela na kulay puti. Napatitig siya doon at nanlaki ang mga mata dahil napagtanto niyang brief iyon ng kuya ni Anndrei.

Hindi niya malaman ang gagawin. Namumula siya dahil firsy time niyang makakita ng brief na lalaki na sinuot na. Napansin siguro ni Eros ng kanyang tinititigan kaya bigla ay kinuha nito iyon.

"P-pasensya ka na ha. Nakita mo tuloy na magulo kwarto ko." Anito sa nahihiyang tinig.

"O-ok lang." Aniya saka pumasok sa banyo. Siyempre matapos makapasok sa loob kunwari naihi talaga siya kaya medyo nagtagal siya doon. Pagkatapos ay lumabas na siya. Nandoon parin sa loob si Eros.

"Ok na?" Anito sa kanya.

"Ahm oo." Aniya saka lumapit dito.

"I'm Sophia Beatris Embuscado." Pagpapakilala niya dito.

"Ahm. I know. Naipakilala ka na sakin ni Anndrei kanina di ba?" Anito.

"Ah. Oo nga naman." Sa isip niya.

"O paano, labas na tayo. May pupuntahan pa kasi ako eh." Anito sa kanya. Kaya naman sumabay na siya dito paglabas ng kwarto nito.

"Ahm may tanong lang ako." Aniya dito.

"Yes?" Anito.

"S-single ka ba? Ahm. I mean w-wala ka bang niligawan?" Tanong niya dito na siyang ikinangisi nito.

"Bakit mo naman naitanong?" Anito sa kanya.

"W-wala lang. May maitanong lang. Ahm. Kasi ano. Gusto kitang maging kaibigan." Aniya at nakita niyang medyo naguguluhan ito sa mga sinasabi niya.

"O-ok lang kung ayaw mo." Tila nahihiya na niya sabi dito. Ngumiti ito. Saka lumapit sa kanya.

"Gusto mo akong maging kaibigan? Ok sige. Payag ako. Ikaw talaga. Para kang kapatid ko." Anito sabay pisil sa baba niya saka bumaba ng hagdanan.

"Una na ako sa iyo. Bumalik ka na sa mga kaibigan mo." Anito at dirediretsong lumabas.

Pagbalik niya sa mga kaibigan ay napatingin ang mga ito sa kanya.

"San ka galing?" Tanong ni Margaux.

"Wala. Sa CR. San ba naihi?" Pamimilosopo niya kay Margaux. Napatawa si Anndrei. Habang siya ay kilig na kilig kanina. Di siya makapaniwala. Pinisil nito baba niya. Ibig sabihin nakukyutan sa kanya ito. Cute siya sa paningin nito. Pumayag pa ito na makipagkaibigan sa kanya. Kayang abot tainga ang ngiti niya. Mukhang mapapadalas ang dalaw niya dito.

Maya maya lamang ay tinawag na sila ng Mommy ni Anndrei upang kumain. Pagkatapos kumain ay nagpahinga pa sila bago nagdecide na umuwi. Pero bago siya umuwi, di niya tinigilan ang kaibigan na makuha ang number ng kuya nito.

Always Be My Baby (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon