Chapter 11: Her Promise

104 3 0
                                    

Matapos ang insidenteng iyon kung saan nalaman na niya kung ano talaga ang estado nila ni Eros ay hayun siya at nagkulong sa kwarto. Panay ang iyak niya dahil di niya sukat akalain na nabale wala lamang ang ilang taong pinaghintay niya magustuhan lamang siya ng lalaking mahal niya. Pilit man niyang balewalain ngunit sa tuwing maaalala niya kung gaano siya nagpakatanga ay hindi niya maiwasang maiyak. Maiyak dahil sa kadahilanang wala talaga siya ni katiting na puwang sa puso nito at sa kadahilanang ding nagpakatanga siya ng lubos dito. Siguro masasabi niya ng siya ay ang pinakatanga sa lahat ng pinakatanga dahil sa ginawa niya.

Buti na lamang di pa niya naisusuko ang pagkababae niya dahil kung hindi ay wala na siyang maititira sa sarili niya. Nawala na sa kanya ang pride at dignidad kaya kahit man lang respeto sa sarili niya ay maisalba man lang niya. Nasa ganoong siyang pag iisp nang biglang tumawag sa kanya ang kanyang kaibigan na si Anndrei. Sinagot niya iyon dahil baka importante iyon. Nang masagot niya ay iba ang nagsalita, ang Mommy nito. Ibinalita nito na maghapong nagkukulong sa kwarto si Anndrei at narinig daw ng mga ito ang lagabog sa loob. Kaya kahit alam niyang makikita niya ang lalaking nanakit sa kanya ay wala siyang pakiaalam dahil mas kailangan ng kaibigan niya ang kanyang tulong.

Nang sapitin niya ang tahanan ng mga ito ay nakasalubong niya sa sala si Eros. Sa mukha nito ay gusto siyang kausapin ngunit hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin. Nandoon siya para sa kaibigan hindi para dito.
Nang makapasok siya sa loob at maisara ang pinto ay nadatnan niya ang mga magulang nito nakayakap sa anak. Nang makita siya ni Anndrei ay nilapitan niya ito at niyakap. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito dahil sa pag iwan ni Tyrone dito. Kung nalalaman lamang nito na sa ganoong sitwasyon ay mas higit na masakit ang kanyang naranasan dahil di tulad nito, siya ay binigay niya ang oras at panahon sa lalaking di marunong sumukli ng pag mamahal.

"Tahan na Anndrei. Kalimutan mo na ang lalaking iyon. Wala kang mapapala kung patuloy mong ibababa ang iyong sarili. Iniwan ka, hayaan mo. Hayaan mo dahil una sa lahat di ikaw ang nawalan. Siya ang nawalan. Respeto lang sa sarili natin ang maipagmamalaki natin kaya bumangon ka at wag ka diyan magpakatanga. Ayusin mo sarili mo. Naiintindihan mo?" Mahabang litanya niya sa kaibigan na puno ng luha ang mga mata nito. Masasabi niyang siya pala ang mas matatag sa kanilang dalawa pagdating sa pagkasawi sa pag ibig. Ayaw niyang banggitin dito kung ano ang nangyari sa kanila ng kuya nito dahil magiging dagdag isipin pa ito ng kaibigan niya. Kaya sasarilinin na lang niya ang sakit na nararamdaman dulot ng labis na pag mamahal niya sa kapatid nito.

Matapos niyang aluin ang kaibigan ay nagpaalam na siya sa mga magulang nito. Gusto sana siyang kausapin ng sarilinan ng mga magulang nito sa ginawa sa kanya ng panganay nito ay tumanggi siya. Sinabi niyang baka matagalan ang pagbalik niya sa bahay ng mga ito. Sinabi din niyang pakisabi kay Anndrei na baka hindi sila magkita pa dahil tatanggapin na niya ang alok ng kanyang tiyahin papuntang New Zealand at balak na doon siya magtapos ng pag aaral. Nang siya ay palabas na ay narinig niyang sumigaw si Eros habang tinatawag ang pangalan niya. Huminto siya para makahabol sa kanya ito.

"Sophia. Wag kang umalis." Anito sa kanya.

"Kailangan Eros. Kailangan. Respeto na lang sa sarili ko ang meron ako. Kaya mabuti na din na magpakalayu layo ako para makalimutan ko yung sakit na dinanas ko." Aniya dito.

"Sophia." Tila naluluha nitong sabi.

"Salamat. Salamat sa pagkakaibigan na meron tayo noon, salamat sa pag aalaga at pag iintindi mo sakin, salamat sa atensyon na ibinigay mo, at salamat dahil naging bahagi ako ng buhay mo. Hindi man tayo ang itinadhana at naging masakit man ang nangyari sa atin, pero salamat parin dahil sayo naranasan kong umibig at masaktan. Kaya asahan mo at ipinapangako ko simula sa araw na ito hinding hindi mo na ako makikita pa. Paalam." Mahabang litanya niya at saka iniwan ito. Wala na sigurong mas sasakit pa sa sakit na nadarama ng puso niya dahil tuluyan na niyang itong binitawan sapagkat ito mismo ay matagal nang bumitaw sa kanya.

Matapos ang mga tagpong iyon ay nag usap sila ng kanyang ama. Sinabi niya dito na payag na siya sa alok ng kanyang tiyahin na ipetisyon siya sa bansang tinitirhan nito. Kaya gabi pa lang ay nag impake na siya ng mga damit. Nagpadala ang kanyang tiyahin kasi nung isang linggo ng pera at ipinaayos nito ang kanyang passport at visa kaya ngayon ay malaya siyang makapunta sa bansang tinitirhan nito.

Kinabukasan ay bago siya umalis ay nagtext siya kay Anndrei na siya ay nag drop out na sa university na pinapasukan nila dahil lilipad na siya papuntang New Zealand. Habang lulan ng taxi na sinasakyan niya papuntang airport ay hindi niya parin malimutan ang mga alaala na iniwan sa kanya ng lugar na iyon. Ang saya at sakit na ipinaranas nito ay hinding hindi niya malilimutan. Nang nasa airport na siya ay inayos na niya ang kanyang sarili. Nakapila siya para ipakita ang kanyang plane ticket at passport. Matapos makalagpas sa checking of passport ay naglakad na siya patungong escalator upang tumuntong doon papuntang second floor ng naturang airport nang marinig niya na may lalaking sumisigaw ng pangalan niya. Paglinga niya sa bungad ng airport ay nakita niya si Eros na hinahabol siya. Di niya alam kung ano ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Isang desisyon ang nabuo sa isip niya. Paninindigan niya ang naging pangako niya kailanman ay hindi na siya magpapakita dito at hindi na siya muling babalik pa sa buhay nito. Dahil kapag hinayaan niyang pumasok ulit ito sa puso niya ay hindi na naman niya makocontrol ang kanyang sarili. Kaya bago pa siya matukso na balikan ito, masakit man alang alang na lang sa kanyang sarili ay walang lingong likod ang ginawa niya nang sapitin niya ang ikalawang palapag. Lalong naging malakas ang pagsigaw nito. Ramdam niyang maabutan siya nito ngunit bago pa ito makalapit sa kanya ay naharang na ito ng mga security.  Habang siya ay tiniis na di ito lingunin at dire diretso siya hanggang sa makasakay ng eroplano patungo ng New Zealand. Nang makalulan siya ng eroplano ay ramdam niya ang ilang mga patak ng luha. Siguro kaya kaunti na lang ay naubos na kanyang luha dahil sa nararamdaman niya. Ito na ang huling araw luluha siya para lang sa isang lalaki. Umalis siya ng Pilipinas bitbit ang sakit at galit na namamayani sa kanyang puso. Pagdating niya sa bansang iyon ay ibang Sophia na ang makikilala ng lahat.

Always Be My Baby (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon