Chapter 1: My Friends' Reminder

615 15 3
                                    

Mula sa pagkakahiga ay naalimpungatan si Sophia dahil sa ingay na ibinibigay ng kanyang alarm clock. Habang nakapikit ay kinapa niya ito at pinatay. Gising ang diwa niya pero umidlip ulit siya. Wala pang sampung minuto na nakakaidlip siya ay may tumunog na naman. Mukhang nanggagaling ang tunog sa cellphone niya. Kinapa niya iyon at sinagot ang tawag. Hindi na niya sinilip kung sino ang natawag dahil sa sobrang antok.

"Hello." Inaantok niyang bungad sa kung sino man ang natawag sa kanya.

"Friend! May ibabalita ako." Masayang sabi ng kanyang kaibigan. Kilala niya ito. Si Anndrei ito.

"Mmm? Bakit?" Tila tinatamad niyang sagot.

"Guess what bakit ako napatawag." Ani nito sa kabilang linya.

"Ano nga? Bilisan mo. Inaantok pa ako." Aniya dito.

"Ikakasal na ako!" Masaya nitong sabi na siyang ikinamulat ng mata niya at napabangon siya.

"I-ikakasal ka na? Kanino?" Aniya dito.

"Kay Tyrone." Masayang banggit nito.

"Hello. Hello. Kanino?" Aniya ulit dito dahil lumabo ang koneksyon ng tawag.

"Kay Tyrone. Kay Tyrone ako ikakasal. Nagkabalikan na kami." Anito sa kanya.

"W-well congratulations." Aniya dito.

"Thank you. Punta ka ah." Sabi nito sa kanya.

"Anndrei. Alam mo namang marami akong trabaho dito sa New Zealand. Di ko pwe---" naputol ang sasabihin niya nang sumagot ito.

"Ah basta. Pumunta ka. Bahala ka sa buhay mo pag di ka pumunta. Magtatampo talaga ako sayo." Mahabang litanya nito na siyang ikinabuntong hininga niya.

"Ok fine. Gagawa ako ng paraan para makauwi ako. Pero di ako nangangako." Aniya dito.

"Ibig sabihin di ka pa sigurado? Maid of honor pa man din kita." Anito sa kabilang linya.

"B-bakit ako?" Tanong niya dito.

"Eh sa ating apat ikaw ang masyado kong ka-close kaya ikaw ginawa kong maid of honor. Basta pumunta ka. O siya putulin ko na ang tawag. Mahal ang overseas call." Anito saka naputol ang linya.

Wala na pala siyang lusot sa kaibigan niya. Nakapagdesisyon na pala ito na magpakasal at siya ang kinuhang maid of honor. Masaya siya para dito dahil buti pa ito ay nahanap na ang tunay na magpapaligaya dito at lalaking makakasama habang buhay. Bigla ay may naisip siya. Paano kung magkita sila? Malamang magkikita sila nito dahil nasa kasal din ito. Paano niya pakikiharapan ito pagbalik niya ng Pilipinas. Bigla ay nakaramdam siya ng kaba. Bakit ba siya kinakabahan? Matagal nang nangyari iyon. Ilang taon din akong namalagi dito sa New Zealand.

Buti na lang at tinulungan siya ng tiyahin niya sa father side na makapunta dito at dito na rin makapagtapos ng kolehiyo.

Well ako nga pala si Sophia Beatris Embuscado. Nakapag tapos ako sa kursong Architecture dito sa bansang New Zealand at dito na rin ako nakapasa ng board exam at dito na rin ako nakapagtrabaho. Maganda naman ang naging takbo ng buhay mula nang makapg adjust ako ng pamamalagi dito sa bansang tinitirhan ko.

Mula sa pagkakahiga ay bumangon siya at kinuha ang mga gagamitin sa pag ligo. Need pa niyang pumasok sa trabaho para kausapin ang Engineer na kasama niya sa trabaho sa pagpapatayo ng isang establishment sa kabisera ng bansang ito. Matapos makapaligo ay bigla siyang nakatanggap ng chat mula sa kanyang nobyo. Oo. May boyfriend siya. Si Atom. Isang pinoy din na nagtatrabaho dito sa New Zealand. Engineer ito at sa katunayan ay kasamahan niya ito sa trabaho. Mag aanim na buwan na ang relasyon nila. Bago pa lang sila bilang mag couple. Ilan taon din kasi siyang niligawan nito.

Always Be My Baby (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon