Chapter 7: Knight In Shining Armor

115 3 0
                                    

Matapos ang klase ni Sophia ay di na niya nagawang magpakita sa mga kaibigan niya. Nais kasi niyang pumunta sa university na pinapasukan ni Eros. Ang De La Salle University. Agad siyang pumara ng taxi papunta sa tapat ng eskwelahan nito. Nang sapitin niya iyon ay idinahilan niya sa guard na may kakatagpuin siyang kaibigan at may ibibigay lamang siya. Nasa loob na siya ng campus, palinga linga siya baka sakaling makita niya si Eros. Ngunit di niya ito makita.

Naisip niya kung anong kurso nito. Hinanap niya ang building ng Engineering Department. Napag alaman niyang nasa may kanang dulo ito ng university kaya agad siyang pumunta doon. Habang tumatagal ay parang naliligaw na siya. Hindi niya alam kung anong building na ang kanyang tinatahak. Pero sa baka sakaling makita ito at gustong makasama ay nagtiis siyang magahanap. Makalipas ang ilang minutong paghahanap ay nakaramdam siya ng pagod kaya dagli ay umupo muna siya sa isang bench.

Masasakit na ang kanyang mga paa. Habang nakaupo ay naramdaman niya ang ingay na nagmumula sa isang grupo ng mga kalalakihan. Paglingon niya ay di siya nagkamali limang lalaki na nakapang basketball jersey ang lumapit sa kanya.

"Hi Miss." Pagbati ng isang lalaki na nauuna sa paglakad.

"Mukhang naliligaw ka." Ani ng isa na nasa likod.

"Oo nga. Mukhang high school student ka batay sa uniform mo." Ani naman ng isa.

"May maitutulong ba kami?" Ani naman ng isa na nasa gilid.

"Ahm. Hinahanap ko kasi ang Engineering Department. Eh di ko makita kasi. Sabi ng napagtanungan ko ay dito daw banda. Kaso di ko makita." Mahabang litanya niya sa mga ito.

"Pare Engineering Department daw." Ani ng isa na nasa likod.

"Pare di ba Engineering yung course mo." Ani naman ng nasa gilid.

"Miss. Matutulungan kita. Engineering kasi ang course ko. Pwede ka naming ihatid." Ani ng lalaking nasa unahan.

"Talaga? Salamat ah." Aniya. Saka sinamahan siya ng mga ito papunta sa building na hinahanap niya.

Habang naglalakdad ay bigla siyang inakbayan ng lalaking nasa unahan kanina.

"Ano nga pala pangalan mo?" Anito.

"Ahm. Sophia." Aniya sabay alis niya ng braso nito sa kanya.

"Ah. Sophia. Gandang pangalan. Bagay na bagay sa iyo." Nakangising sabi nito.

"Ahm. Malayo pa ba?" Aniya dito.

"Ah. Oo. Malayo pa. Hayaan mo mararating din natin iyon." Anito sabay akbay na naman sa kanya.

Habang tumatagal ang pag lalakad niya ay nakaramdam na siya ng kaba. Parang di maganda ang kutob niya sa mga lalaking ito. Kaya ang ginawa niya ay nagdahilan siya para makalayo sa mga ito.

"Ahm. Nakakahiya man pero siguro uwi na lang ako. Baka hinahanap na kasi ako sa amin. Bukas na lang siguro kami magkikita ng kaibigan ko." Aniya sa mga ito at nagmamadaling umalis pero mabilis ang kamay ng isang lalaki at nahawakan siya agad sa braso.

"Wait. Malapit na tayo. Ngayon ka pa ba aalis?" Anito.

"Ahm. Uwi na ako. Late na kasi." Aniya saka akmang bibitawan niya kamay nito nang biglang may bumuhat sa kanya mula sa likod

"Sumama ka na sa amin." Tatawa tawang ani ng isang lalaki.

"Tulong! Ibaba niyo ako! Tulong!" Sigaw niya habang pinagpapalo niya likod nito. Dinala siya ng mga ito sa isang abandonadong building ng university. Halatang walang makakarinig sa kanya doon dahil walang katao tao.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw niya na may halong takot.

"Alam mo Miss Sophia. Kami na ang bahala sayo. Ihahatid ka namin sa gusto mong puntahan. Pero punta muna tayo ng langit." Nakangising saad ng lalaki.

"Di ka makakapunta doon dahil ang pangit pangit mo!" Saad niya saka dinuraan ito.

"Matapang boss!" Ani ng isang lalaki.

"Ayan ang gusto ko eh. Matapang." Anito saka hinubad ang jersey at hinila siya nito at pinaibabawan.

"Tulong! Tulungan niyo ako! Parang awa niyo na!" Naiiyak niyang sigaw. Hanggang sa nakita niyang bumagsak sa sahig ang mga kasama nitong lalaki at biglang hinila ang lalaking nakapaibabaw sa kanya.

Kitang kita niya kung paano binubugbog ng bagong dating ang mga lalaking gumagawa sa kanya ng kabastusan. Hanggang sa bugbog sarado dito ang limang lalaki. Paglingon ng nagligtas sa kanya ay nakilala niya ito. Si Eros.

"E-Eros?" Aniya sabay yakap dito at napahagulgol siya."

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Anito na may halong pag aalala. Umiling iling siya at mahigpit itong niyakap.

Maya maya lang ay inireport na sa mga head admin ang nangyaring insidente at dinala na doon ang mga lalaking nambastos sa kanya.

"Bakit ka ba kasi nandito? Nag iinquire ka ba para sa pagpasok mo sa college?" Tanong sa kanya ni Eros habang nasa bench sila upang makausap siya nito.

"Ahm. Hindi. Kasi kaya ako nandito para sorpresahin ka." Aniya dito na nahihiya.

"Sosorpresahin mo ako? Well nasorpresa mo nga ako. Alam mo bang delikado na sumama sa mga lalaki na hindi mo kilala? Anong pumasok sa kukote mo at sumama ka? Sa tingin mo kung hindi kita nakita ano na nangyari sayo? Konsensya ko pa dahil ako pala dahilan ng pag dalaw mo. Hindi ka nag iisip!" Mahabang litanya nito na napataas ang boses. Habang siya ay di niya napigilang umiyak dahil bukod sa nangyari sa kanya ay hayun at nagagalit na sa kanya ang lalaki gusto niya. Maya maya ay lumapit ito sa kanya at nagsalita ng marahan.

"I-I'm sorry. Ang akin lang naman kasi dapat alerto ka sa paligid mo. Di porke nasa school ligtas ka na. P-pasensya ka na at napagtaasan kita ng boses." Anito saka siya niyakap. Doon na bumuhos luha niya dahil di niya mapigilan.

"Ssshh. Ok na. Tahan na. Di na ako galit. Sa susunod na pupunta ka make sure na i-tetext mo ako o tatawagan para alam ko." Anito na siyang ikinatango na lang niya. Pinunasan nito ang kanyang mga luha at tinitigan siya nito. Biglang narinig niya ang mabilis na tibok ng puso niya. Kitang kita niya ang napakagwapong mukha nito. Maya maya ay pinunasan nito ang gilid ng labi niya.

"May panis na laway ka." Nakangising saad nito na siyang ikinasimangot niya.

"Nakakainis ka." Pabebe niyang sabi.

"Oh. Bakit naman? Iniligtas nga kita eh." Anito. Nakita niyang napansin nito hawak niya.

"Ano yan?" Tanong nito.

"Ah. Wala." Aniya dito.

"Para sa akin ba yan? Yan ba yung surprise mo sakin?" Anito. Saka di niya namalayan na nahablot na nito iyon.

"Oh. Akin nga." Natatawang saad nito.

"Ano ba? Nakakahiya." Aniya.

"Anong nakakahiya? Bigay mo sa akin to." Sabi nito sabay basa sa nakasulat.

"To Eros, thank you for being my good friend. I hope you would like my simple gift from your cute and pretty friend. Sophia." Basa nito sa sulat sabay tawa.

"Nakakainis ka naman eh. Tinatawanan mo lang eh." Aniya dito. Maya maya ay bigla siya nitong niyakap mula sa likod.

"Thank you." Anito. Sabay hinalikan siya sa pisngi. Parang tumigil sa pag ikot ang mundo niya. Siya? Hinalikan siya sa pisngi ni Eros? Hindi siya makapaniwala.

"Uy. Tulala ka diyan." Anito sabay tapik sa kanya.

"H-huh?" Wala sa isip niyang tugon.

"Tara na. Ihahatid na kita sa inyo." Anito saka inakbayan siya nito. Napaka saya niya ng araw na iyon although muntik nang may mangyari sa kanya na masama ay ayos lang dahil dumating ang lalaking Prince Charming na niya, Knight in shining armor pa niya.

Always Be My Baby (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon