Chapter 27: The Reunion

117 4 0
                                    

Pag mulat ng mga mata ni Sophia ay kaagad na siyang bumangon. Nang makalabas ng kwarto ay napansin niyang tulog pa ang kanyang ama kaya naman siya na ang kumilos para maghanda ng almusal. Hustong katatapos lang niya mag luto nang magising ang kanyang ama. Kaya matapos itong makapag hilamos ay kumuha na ito ng mga gagamiting gamit para sa pagkain nila. Habang nag aagahan ay nabanggit ng kanyang ama na uuwi ang kanyang tiyahin sa Pilipinas sa susunod na buwan upang magbakasyon dito. Matagal din silang nagkawentuhan mag ama nang mapag pasyahan nitong pumunta muna sa kumpare nito habang siya naman ay naligo na para sa pagpunta nilang magkakaibigan sa bahay ni Anndrei.

Matapos makapaligo at makapag bihis ay nag iwan na lang siya ng sulat sa ama sa ibabaw ng lamaesa na hahapunin na siya ng uwi dahil matagal din silang hindi nagkasama samang magkakaibigan. Nang nasa biyahe na siya ay naisipan niyang bumili ng pagkain para naman may dala siya pagdating sa bahay ng kaibigan. Kasalukuyang kasama niya si Zoe. Napag usapan kasi nilang magkita sa isang coffee shop para sabay na silang bumili ng pagkain. Matapos makabili ay nagdesisyon din silang dalawa na puntahan si Margaux sa ospital dahil di nito sinasagot mga tawag nila. Kaya naman para di ito makatanggi ay sasadya na sila sa ospital.

Nang sapitin nila ang ospital ay pinagtanong nila kung nasaan ang clinic ni Margaux at sinabi ng receptionist na nasa ikalawang palapag lamang bandang kanan ang opisina nito. Kaya naman silang dalawa ni Zoe ay tinungo yun. Habang binabagtas nila ang kahabaan ng pasilyo ay napansin niyang sa kanilang apat ay si Margaux ang naging matagumpay sa kanila. Bukod kasi sa may sariling pag aari na ospital ang pamilya nito ay isa itong kilalang doktor sa bansa. Kahit hindi sila magkasundo sa lahat ng bagay nito ay proud siya na may doktor silang kaibigan. Nang nasa tapat na sila ng opisina nito ay nabasa nila ang nakalagay sa pinto.

"Dra. Marcella Margaux A. Arevalo - Pediatrician." Basa niya sa nakasulat.

"Sophia, doctor is in daw." Ani ni Zoe na ikinahagikgik nila at pumasok na sila sa loob. Pagpasok nila ay sekretarya nito ang nakita nila.

"Nandiyan ba si doc?" Tanong niya sa secretary nito.

"Ahm opo. Sino po sila? May appointment po ba kayo kay Dra. Arevalo?" Tanong nito.

"Ahm. Mga kaibigan niya kami." Ani ni Zoe.

"Ah sige po katok na lang po kayo." Anito sa kanilang dalawa. Pagkatapos ay kumatok na sila at dire diretso silang pumasok sa loob. Nagulat sila sa kanilang nakita dahil may kasama itong lalaki sa loob at di lang magkasama kundi napakalapit ng mga ito sa isat isa. Nang makahuma ang mga ito ay tumuwid ng tayo ang dalawa at tila napahiya ang kanilang kaibigan.

"Sa next Saturday pa ang check up ng pamangkin mo. Makakaalis ka na." Anito sa lalaki. Nang papaalis na ang lalaki ay agad na umupo silang dalawa. Nakalabas na ang lalaki nang magsalita siya.

"Cute niya ah. Sino siya doc?" Aniya dito na nang aasar.

"Wag mo akong simulan Sophia." Anito sa kanya.

"Nakalimutan mo ba na pupunta tayo kila Anndrei?" Tanong naman ni Zoe dito.

"Hindi naman. Tanda ko yun. Kaya nga tinapos ko na ang clinic hours ko." Anito sa kanila.

"Teka bat parang bad trip ka?" Puna niya dito.

"Wala. Nabubuwisit lang ako kanina." Pagdahilan naman nito.

"Kanino? Dun sa umalis kanina?" Aniya dito at napansin niya ang isang calling card na nasa table na may larawan ng lalaki kanina.

"Alexander Robles. Siya ba yun?" Tanong niya dito na ikinagulat nito.

"Ayun oh. May calling card." Nangingiti niyang sabi dito ngunit hindi ito umimik at itinapon nito sa basurahan ang calling card. Matapos makapag ayos ng gamit si Margaux ay sabay sabay na sila nagtungo sa bahay ni Anndrei. Gamit nila ang kotse ni Zoe ay binagtas nila ang kahabaan ng high way hanggang sa sapitin na nila ang subdivision na kinatitirikan ng bahay nina Anndrei at Tyrone.

Nang nasa tapat na sila ng bahay ng mga ito ay nag doorbell sila at nagulat sila dahil mismong kaibigan nila ang nagbukas ng gate sa kanila. Tuwang tuwa sila nang sa wakas ay magkakasama na sila. Puro tawanan ang nangyari sa kanila pagpasok sa bahay ni Anndrei. Pagsapit nila sa loob ay nandoon si Tyrone sa kusina at nag luluto ito. Binati nila ang dati nilang classmate na ngayon ay asawa na ng kaibigan nila. Nangingiti sila dahil ang sweet ng mga ito.

"Babe doon ka na sa mga kaibigan mo asikasuhin mo. Hayaan mo na ako dito." Ani ni Tyrone sa asawa.

"Sige babe." Ani ng kaibigan niya nag kiss ang dalawa bago lumapit sa kanila tuluyan ang kaibigan.

"Naku naku ang babaita." Aniya dito na ikinatawa nilang lahat.

Marami silang napagkwentuhan lahat ng masasayang alaala hanggang sa ngayon sa mga naachieve na. Hanggang sa mauwi sa usaping puso ang kanilang usapan.

"Akala ko ikakasal na si Sophia. What happened?" Tanong ni Margaux sa kanya. Bigla kasing siya ang naging topic ng mga ito.

"Wala nga pala kaalam alam ang mga ito maliban kay Anndrei" aniya sa isip.

"Well, mahabang istorya. Basta na realize ko na hindi si Atom ang nakalaan sa akin." Aniya sa mga ito. Pero biglang sumabat si Anndrei.

"Sus! Sabihin mo na jowa mo na yung kuya ko." Anito na ikinagulat ng dalawa.

"Totoo? J-jowa mo na kuya ni Anndrei?" Gulat na na tanong ni Zoe.

"Iba ka girl." Ani naman ni Margaux.

"Yeah. Kaya waiting ako sa pagbabalik niya galing sa Amerika. Naging kami kasi paalis na siya ng bansa." Pagpapaliwanag niya. Hanggang sa inaya siya ng mga ito na magkwento ng mga pangyayari. Gulat na gulat ang ito dahil inamin din niya kasi ang mga namagitan sa kanila ni Eros noon. Maski si Anndrei ay hindi nito alam na kaya pala hindi siya sumasabay sa pag uwi at hindi nakadalo ng Prom ay dahil kasakasama niya ang kapatid nito. Shock parin ang mga ito sa big revelation niya. Ngayon lang din nila nauunawaan kung bakit galit siya noong unang araw niya sa Pilipinas sa binata yun pala ay may pinag ugatan. Nabigyan linaw din kay Anndrei ang mga namagitan sa kanila ng kuya nito.

Marami pa silang napagkwentuhan hanggang sa matapos nang makaluto si Tyrone ay niyaya na silang tatlo na doon na mag tanghalian sa mag asawa. Hindi maawat ang kanilang bibig sa pakikipag kwentuhan habang nakain. Pero siya sa isip niya, kung ano man ang natamasa ni Anndrei sa asawa nito ay mararanasan din niya iyon. May assurance na siya na mahal siya ng binata ang hinihintay na lang nila ay tamang panahon ay lugar kung saan pwede na silang mag sama.

Always Be My Baby (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon