Chapter 23: Eros' Unconditional Love

121 4 0
                                    

Matapos ang nangyaring insidente sa tahanan nila ay sinubukan niyang dalawin noon si Sophia sa ospital ngunit hinarang na siya ng ama ng dalaga. Hindi dahil sa ayaw nitong makita niya ang dalaga kundi sa ayaw na nito ng mas malaki pang gulo lalo pa at nandoon si Atom. Kapag nagkataon na nagkaroon ng gulo lalo lamang lalala ang sitwasyon at baka hindi makapagpahinga ng maayos si Sophia.

Nang mga sandaling iyon ay tanging kaligtasan lamang ng dalaga ang hangad niya. Hindi niya nais na malagay ito sa kapahamakan. Kayat mahirap man at sinunod niya ang payo ng ama ng dalaga na dumistansya muna siya dito. Hindi niya alam kung nasaan ito ngayon dahil ayaw niyang magambala ang pamamahinga nito. Nasabi lamang ng ama nito na ayaw muna nitong tumanggap ng bisita kaya hindi niya ito mapuntahan.

Kasalukuyang nasa isang exclusive subdivision siya kung saan naroon siya sa tapat ng bahay na ipinagawa niya. Tapos na ito at sa ngayon ay tinatapos nang disenyuhan ito. Pag ito ay ganap nang tapos ay saka niya ipapalagay ang mga larawan ng dalaga. Tulad ng pangako niya ay ibibigay niya iyon kay Sophia kapag malapit na siyang pumunta ng Amerika. Nasabi na niya sa kanyang mga magulang ang mga balakin niya. Akala niya ay kokontrahin na naman siya ng kanyang ama ngunit sinuportahan siya nito. Sabi ng kanyang ina bakit hindi na lang siya maghanap ng ibang babae na pupuno sa kanyang pagkatao at hindi daw iyong umaasa siya na mapansin ni Sophia.

Ipinaliwanag na niya sa kanyang ina na matagal na siyang hindi naasa. Dahil alam niyang hindi ito nakatadhana sa kanya. Mahal man siya ng dalaga o hindi ay talagang tadhana na ang nagsasabing hindi kami para sa isat isa. Ang gusto na lamang niya ay ipakita at ibigay dito ang kanyang tunay na pagmamahal. Pagmamahal na walang hinihinging kapalit na alam niyang sa bandang huli kahit hindi sa kanya mapunta ang babaeng pinakamamahal niya ay wala siyang pagsisisihan na hindi niya naipakita ang kanyang tunay na nararamdaman.

Alam niyang may puwang siya sa puso ng dalaga ngunit hindi sasapat iyon para makasama niya ito at tanggap na niya iyon. Nakangiti niyang pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. Pihadong matutuwa ang dalaga kapag nakita na niya ito. Balak niyang ipakisuyo na lamang sa kanyang mga magulang ang sulat na ibibigay niya sa dalaga at address ng bahay para makita ito. Balak niyang huwag na lang magpakita dito. Mas lalo kasi siyang masasaktan kapag nakita niyang kasal na ito sa tunay nitong minamahal. Alam niyang kahit anong gawin niya hindi niya talaga kayang tapatan ang pagmamahal na iniaalay ni Atom para dito. Nalungkot lamang siguro ito kung kayat naging maganda ang pakikitungo sa kanya ng dalaga nitong mga huling araw kahit minsan aminin niyang umasa siya ng mga panahong iyon. Ngunit talagang napakahard ng tadhana at ipinamukha talaga sa kanya na wala siyang pag asa sa dalaga kaya buo na talaga ang desisyon niya.

Habang nakatayo doon ay lumapit sa kanya ang interior designer na si Maya upang idiscuss sa kanya na maaari na niyang kunin ang mga ilalagay na larawan doon para maging visible na tunay na disenyo ng kalooban ng bahay. Nang matapos itong makipag usap ay agad na dumeretso siya sa sariling bahay ng kapatid dahil doon nito iniwan ang mga portrait ni Sophia. Buti na lang at nahiram agad niya ang susi ng bahay nito. Nang makuha na niya ang mga portrait sa tulong ng mga tauhan ni Maya ay agad na nilang dinala sa bagong gawa na bahay.

Pinapanood na lang niya ang pagsasa ayos doon sa loob. Bago nito simulan ay pinaalalahanan niya ang mga ito na ingatan ang mga portrait. May isang tauhan doon na biniro siya na sobra daw siya kung magmahal. Napangiti na lamang siya sa tinuran ng tauhan ni Maya. Nasa ganoon siyang panonood nang biglang may tumawag sa cellphone niya. Hindi na niya pinagkabalahang tingnan kung sino ang nasa kabilang linya.

"Hello." Aniya sa tumawag.

"Kuya. Si Anndrei to." Ani ng kapatid sa kabilang linya.

"O bakit?" Aniya dito.

"Wow ha. Thank you." Anito sa sarkastikong salita na ikinatawa niya.

"Thank you my dear sister." Aniya dito.

"Nakita mo na ba ang mga larawan?" Anito sa kanya.

"Yup. Actually nakuha ko na." Sabi niya dito.

"Ah buti naman. Eh kamusta ka?" Tanong nito sa kanya.

"I'm fine. I'm ok." Natatawang sabi niya.

"Sure? Hundred percent?" Paninigurado nito.

"Yeah." Paniniguro niya.

"Eh what about your heart? Malapit na kasal ni Sophia." Anito na siyang ikinaseryoso niya.

"Ok naman. Kahit papaano." Aniya dito.

"Kahit papaano. Meaning, not totally ok." Anito sa kanya.

"Anyway thank you dahil tinulungan mo ako dito sa wedding gift ko kay Sophia." Aniya dito.

"Mahal mo talaga eh nu. But welcome." Anito sa kabilang linya.

"Kailan ba kayo uuwi?" Pag iiba niya ng usapan.

"Actually sa Saturday na. Sa bahay na ako ni Tyrone tutuloy. Dadalaw na lang kami diyan. Wag mong sabihin kina Mommy at Daddy. Susurprise namin sila." Mahabang litanya nito sa kanya.

"Ok. I'll zip my mouth." Aniya dito na ikinatawa nito.

"O siya kuya paalis na kami ni Tyrone may mga ilan pa kaming papasyalan dito." Anito sa kanya.

"Ok sige ingat kayo. Ikamusta mo na lang ako sa asawa mo." Aniya dito.

"Sige bye. I love you kuya." Anito sa kanya.

"I love you too my dear sister." Aniya at naputol na ang linya.

Matapos makipag usap sa kapatid sa cellphone ay binalikan na niya ang bahay. Hindi pa tapos ang mga ito ngunit nakikita na niya na unti unting nabibigyan ng buhay ang buong kabahayan. Excited siya na maipakita ito sa kanya kaya kahit alam niyang wala siyang pag asa ay nangingiti siya dahil alam niyang magugustuhan iyon ng kanyang minamahal. Lumipas ang ilang oras ay sa wakas at natapos din ang pagdidisenyo. Talagang minatiyagan niya at tiniis ang pagbabantay sa pag aayos ng mga ito. Lumapit ulit sa kanya si Maya at nag usap sila tungkol sa mga balance na babayaran niya dito. Nang matapos ang kanilang pag uusap ay nilisan na ng mga ito ang lugar at tanging siya na lamang ang naiwan.  Nilibot niya ang buong kabahayan. Nakita niya ang mga ibat ibang larawan ni Sophia doon. Mula ng ito ay teenager hanggang sa ito ay maging dalaga na. Napakaganda talaga nito. Walang salita na tutumbas kung gaano niya ito kamahal.

"Sophia." Anas niya nang hawakan niya ang isang portrait nito na nakatingin ito sa malayo.

"I love you Sophia. I love you so much." Aniya habang hinihimas niya ang mukha nito sa portrait. Inikot pa niya ang kabahayan hanggang sa marating niya ang second floor. Nakadisenyo doon ang isang buwan na kulay asul. Napangiti siya ng makita iyon.

"Pag nakita mo ito Sophia. Kahit wala ako sana lagi mo akong maalala. Mahal na mahal kita." Aniya.

Always Be My Baby (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon