Chapter 28: New Job

117 4 0
                                    

Lumipas ang isang linggo ay naisipan ni Sophia na maghanap ng trabaho nang sa gayon ay hindi siya bakante at hindi niya maramdaman na parang wala siyang ginagawa. Siguro ay sapat na ang haba ng panahon na siya ay nakapagpahinga sa trabaho. Kaya naman matapos makapag almusal ay bumili siya ng template at mga tools na gagamitin niya sa pagguhit ng plano para ipresent niya kapag siya ay nag apply bilang Architect.

Nasa sala siya nang mga sandaling iyon upang tapusin ang kanyang plano nang makaramdam siya ng antok at pangangawit ng likuran kaya naman iniisod niya lang sa tabi ang mga ginagawa at siya ay yumukyok. Tinatamad na kasi siyang tumayo upang pumunta sa kwarto at mahiga. Kaya naman tumungo na muna siya umidlip. Kahit siya ay nakayuko ay gising ang kanyang diwa ramdam din niyang napapalakas ang kanyang hilik kaya hinayaan na lamang niya. Hanggang sa naalimpungtan siya, napatingin siya sa orasan, nakita niyang nasa alas tres na ng hapon ng mga sandaling iyon. Akala niya ang saglit lang siya naka idlip yun pala ay matagal siyang nakayuko. Nang mag unat siya ng katawan ay napansin niyang may bulaklak sa lamesa malapit sa kanya. Nagtaka man ay kinuha niya iyon. Napakabango ng bulaklak at napakaganda ng kulay. May napansin siyang sulat na nasuksok sa loob ng bouquet. Kinuha niya iyon at binasa ang nasa sa loob.

"Good luck to your new job."

Nagtaka siya dahil sino kaya ang magbibigay sa kanya ng bulaklak. Naisip niya si Eros ngunit imposible dahil nasa Amerika ito. Nasa ganoon siyang posisyon nang dumating ang kanyang ama.

"Papa. Ikaw ba nagbigay sa akin ng bulaklak?" Tanong niya dito na ikinakunot ng noo nito.

"Hindi anak. Ngayon lang ako nakabalik simula nang umalis ako kaninang umaga." Ani ng kanyang ama.

"Baka naman may manliligaw ka." Dagdag pa nito.

"Pa, alam mo namang wala eh. Saka may boyfriend na ako. Nasa Amerika nga lang." Aniya dito.

"Aba eh malay ko. Di kaya napasukan tayo ng magnanakaw? Pero wala namang nakakawin dito bagkus nag iwan pa ng bulaklak." Mahabang litanya ng kanyang ama.

Nagtataka man kung bakit may bulaklak ay hindi na niya inusisa pa. Ang nakakapagtaka lang ay alam nito na mag aapply siya bilang Architect. Nang mailagay sa plorera ang bulaklak ay ipinagpatuloy na niya ang pag gawa ng mga plano. Nang araw ding iyon ay iniayos niya ang mga naiguhit niyang plano para bukas sa paghahanap niya ng trabaho ay ready siya. Tinulungan siya ng mga kakilala niya kung saan may hiring maski ang mga magulang ni Eros ay nagbigay din ng kumpanyang pwede niyang pag applyan.

Nang makaalis ng bahay kinabukasan ay nagdesisyon siyang unahing puntahan ang kumpanyang ibinigay sa kanya ng ama ni Eros. Pagsapit niya sa kumpanyang iyon at nagpasa siya sa receptionist ng resume at naghintay doon. Maya maya lamanh ay pinagtake sila ng exam. Sa awa ng diyos ay nakapasa siya. Mula sa tatlumpung aplikante na nandoon ay naging labinlima na lamang sila. Isa isa silang tinawag para sa initial interview. Lima ang nag iinterview sa kanila. Kalaunan nang matapos ang initial interview ay mula sa labinlima ay naging walo na lamang sila. Kung kayat isa isa silang ipinatawag para ipakita ang nakahanda nilang plano. Naimpress naman ang mga ito sa mga ipinakita niyang plano. Bawat tanong ng mga ito ay nasasagot naman niya. Kaya mula sa walo ay naging anim na lamang sila.

Bago magsimula ang final interview ay pinagpahinga muna sila upang makakain. Inabot na kasi sila ng tanghali ng mga oras na iyon. Habang nasa waiting area at umiinom ng tubig ay biglang may nagtext sa kanyang cellphone.

"I hope matanggap ka sa work na inaapplyan mo."

Nagtaka siya dahil sino itong nag text sa kanya. Nireplyan niya ito at tinanong kung sino ito ngunit hindi na ito sumagot. Aktong tatawagan na sana niya ang unknown number na iyon nang kauna unahan siyang tinawag para sa final interview kaya hindi na niya nagawang kumprontahin ang nagtext sa kanya. Nasagot naman niya ang mga katanungan ng nag interview sa kanila at kampante na umupo sa waiting area. Sa wakas ay tapos na siya, hihintayin na lang niya ang result. Nalibang siya sa kakatingin at kababasa niya ng mga magazine. Hanggang sa dumating na sa tapat nila ang isang babae upang iannounce kung sino ang nakapasa at hired na sa kumpanyang iyon. Mula sa anim ay naging apat na lang sila. Kaya naman laking tuwa niya na isa siya sa mga nakapasa at nakakuha na ng trabaho. Matapos silang bigyan ng brief discussion about sa magiging trabaho nila ay napagpasyahan nilang apat na magkakasabay na nag apply kumain malapit sa kumpanyang pagtatrabahuhan nila.

Madali niyang nakasundo ang mga ito. Actually mga kwela ito at puro kalokohan ang alam ng mga ito. Nasa ganoon silang masarap na usapan nang may magtext sa kanya.

"Congratulations. See you."

Nagulat na naman siya kaya tinawagan niya ang naturang numero ngunit out of coverage na ito. Pinagtitripan ba siya nito? Kaya kesa sa mag isip ng kung anu ano ay nakiumpok na ulit siya sa mga makakasama niya sa trabaho. Nang makauwi siya ay ibinalita niya kaagad sa kanyang ama na natanggap na siya sa trabaho. Tuwang tuwa ang kanyang ama dahil sa wakas ay may trabaho na siya at di lang iyon ay senyales na daw iyon na di na daw siya aalis pabalik ng New Zealand. Gustong gusto talaga ng kanyang ama na wag na siyang mangibang bansa kung kayat nangako siyang hinding hindi na niya ito iiwan. Sa sobrang tuwa ay nakapagluto ang ama niya ng masarap na hapunan para sa kanilang dalawa. Matapos makapag hapunan ay pumasok na siya sa loob ng kwarto at nahiga.

Sa kanyang pagkakahiga ay hindi niya maiwasang maalala si Eros. Wala man lang itong paramdam. Ayaw man niyang isipin ngunit para nawawalan na siya ng pag asa na bumalik ito. Paano kung nakahanap ito doon ng iba, na di hamak na mas sexy at mas maganda kesa sa kanya. Di malayong mangyari iyon. Kaya binuksan niya ang kanyang Facebook account at nag iwan siya ng mensahe dito. Off line ito ng mga oras na iyon kaya hindi na niya hinintay na makasagot ito. Muli niyang ibinalil ang cellphone sa patungan niya at siya ay umayos na para sa pagtulog. Sana bumilis na ang panahon upang makasama na niya at muling makapiling ang lalaking laman ng kanyang puso at isipan. Si Eros. Ayaw naman niyang magmukhang atat na makita ito kung kayat hindi siya nagtatanong sa mga magulang nito at sa kapatid nito. Hahayaan na lamang niya na ito na ang magkusa na kumontak sa kanya upang muli silang magkausap. Di na namalayan ni Sophia na nakatulog na siya na may ngiti sa kanyang mga labi.

Always Be My Baby (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon