Chapter Three

3.7K 114 5
                                    

CHAPTER 3

PAUWI galing sa isang mall tour sina Reese at A.R.. Hindi na sumabay sa kanila sina Sancho at ang dalawa nilang production staff kaya dalawa nalang silang bumalik ng Quezon City from SM Mall of Asia. Nakuha kasi ni Reese ang promo ng isang bagong singer kaya ang production company niya ang nag- organize ng event.



Abala sa pagtetext si A.R. habang tahimik na nagda-drive si Reese sa kahabaan ng Edsa-Pasay. Tatlong linggo pa lang silang magkasama sa trabaho.



“Kanina ka pa text ng text ah,” puna ng dalaga sa assistant niya.



“Gf ko po, nangungulit lang,” nakangiting wika ni A.R. na hindi man lang inalis ang atensiyon sa cellphone.



Nakaramdam ng inis si Reese. Di naman niya ugali ang makialam sa personal na buhay ng mga staff kaya di na siya umimik. Ni hindi na siya nagtanong pa dahil baka isipin ng bagets niyang assistant na atribida siya.



“Wala po ba kayong boyfriend, ma’m?”



Napahigpit ang hawak ni Reese sa manibela. Nagulat siya sa diretsang tanong sa kanya ni A.R..



“Bakit mo naman naitanong?” Hindi pa sila close para ilahad niya ang kanyang love story!



“Wala naman. Wala lang kasi akong napapansing pumupunta sa office para sunduin ka. Wala rin akong naririnig na tumatawag sa inyo.”



“Secretive ako e,” kunwari ay pa-misteryosa niyang sagot.



“So nasundan na po yung boyfriend niyong namatay?” inosenteng tanong ni A.R., na sanhi ng biglang pag-ubo ng dalaga!



Shit ka, Sancho! Lalong nanggigil si Reese sa manibela. At ibinulgar na pala siya ng bading na kaibigan!



“Pano mo nalaman yun?” tanong pa rin ng dalaga kahit alam na niya kung sino ang nagbulgar sa kanya.



“Naikuwento lang naman po ni Sancho nung isang araw.”



“Bakit niya naikuwento?” Kelangan masabunutan niya talaga ang bruhang bading pag nakita niya bukas!



“Wala naman po. Napag-usapan lang kasi namin nung lunch time yung mga lovelife lovelife namin.”



“Ahhh. So ginawa niyong dessert yung tragic love story ko?” Mapapatay na talaga niya si Sancho!



“Naku, sorry ma’m. Wala naman po kaming intension na pagchismisan kayo. As in, nabanggit lang po talaga.” Napakamot na ng ulo ang namumulang si A.R..



“Well, open book na rin naman ang nangyari kay Janryll kaya okay lang.”



Love Knows No BoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon