Chapter Six

3.4K 104 6
                                    

CHAPTER 6

HALOS alas-dos na ng madaling araw nang makabalik sa tinutuluyang resort sina Reese at A.R.. Tatlo ang naubos niyang Baileys samantalang naka-walo ng San Mig Light ang lalake. Pero surprisingly ay normal naman ang kilos ni A.R. sa tingin ni Reese. Parang hindi ito nakainom- yun nga lang, napansin ng dalaga na tila naging mas malambing ito.

“Hindi ka naman nalasing ma’m?” Mas mapungay ang mga mata, pansin pa ni Reese.

“Hindi. Medyo mabigat lang ang ulo ko. Nanibago yata ako,” pag-amin niya.

“Baka naman madala ka nang kasama ako ha? Hindi kita nilalasing. Saka safe naman akong kasama,” parang batang lumapit si A.R. sa kanya at umakbay.

Ikaw ang hindi safe sa akin, gustong sabihin ni Reese. Pero sinarili na lamang niya ang nasa isip. Bakit ba hindi siya tinatantanan ng malaswa niyang utak? Hindi niya ma-take ang sarili na tila nagkakaroon siya ng attraction sa kanyang assistant!

Hindi tama, sigaw ng konsensya niya! Kaya kahit nahihilo pa, dali-dali na siyang pumasok sa banyo at naligo- kesehodang madaling araw at malamig ang tubig! Kelangan mahimasmasan siya dahil ramdam niyang nasa bingit na siya ng temptasyon!

Laking pasalamat ni Reese nang makitang nakahiga na sa kama si A.R. at nakapikit nang lumabas siya ng banyo. Nag-half bath lang siya at di niya binasa ang kanyang buhok kaya puwede na rin siyang humiga agad.

“Pasensiya ka na ma’m ha, hindi na ako maliligo,” wika ni A.R. na inaantok na.

“Okay lang, matulog ka na.” Inayos lang ni Reese ang kumot saka tumagilid.

Matapos magdasal ay natulog na rin siya.

UNTI-unting nagmulat ng mata si Reese dahil ramdam niyang may mabigat na nakadagan sa kanya. Si A.R., tulog na tulog pa pero nakayakap sa kanya! At nakapatong pa ang isang binti sa may hita niya.

Josko po! Biglang nanlaki ang inaantok niyang mga mata. Napatingin siya sa alarm clock na nasa bedside. 6am pa lang, at sa tingin niya, mukhang mamaya pa magigising ang kasama. Antok pa rin naman siya.

Ganito pala kapag kayakap ni A.R.. Hindi maintindihan ng dalaga kung bakit imbes na maasiwa, kumportable ang pakiramdam niya ng mga oras na ‘yun.

Hindi na muna siya gumalaw at hinayaan na lang muna niya ang sarili sa ganung posisyon. Nagkaroon din naman siya ng chance na pagmasdan pang mabuti ang kanyang assistant. Guwapo ito kahit saang anggulo tingnan- tipong hindi nakakasawa. Mahahaba ang pilik mata, matangos ang ilong at mapula ang mga labi- parang laging nag-aanyaya.

Ang suwerte naman ng girlfriend mo, bulong ni Reese sa sarili. Nababaitan kasi siya kay A.R., masipag pa ito at matalino. Perfect boyfriend. Sana ako nalang ang naging girlfriend mo.

Bahagyang gumalaw ang lalake kaya biglang napapikit si Reese. Hindi niya alam kung bakit tila hindi niya gustong matapos ang oras na ‘yun. Lihim pa niyang nahiling na sana tumigil muna ang inog ng mundo- para mas matagal pa siya sa ganung ayos.

NAALIMPUNGATAN na lamang ang dalaga nang magsalita si A.R.. Hindi niya namalayang tuluyan na pala siyang nakatulog uli. Pagtingin niya kasi sa alarm clock, alas-otso y medya na.

“Mabigat ba ako?” Nakangiting wika ni A.R. habang nag- iinat ng katawan. “Pasensya ka na ma’m ha, mahilig talaga akong yumakap pag natutulog.”

Type ko nga e, gustong idugtong ni Reese pero ngumiti lang siya.

“Di ka naman na-offend?” Nakangiti si A.R.- at feeling ng dalaga, mas gugustuhin niyang doon na lang silang dalawa sa loob ng kuwarto forever!

Love Knows No BoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon