Chapter Four

3.5K 120 6
                                    

CHAPTER 4

“ALAM mo, ilang araw na kitang napapansin. Parang may kakaiba?” bati ni Sancho sa kanya. Kararating lang ng bading sa opisina niya, may dala itong mga produkto mula sa sponsors nila.

Napangiti si Reese. Ibig sabihin tumatalab kahit papano ang pagsasayaw niya three times a week sa dance studio. Magtatatlong linggo na siyang sumasayaw pero wala siyang pinagsasabihan kahit sino. Ayaw niyang maintriga siyang nagpapaganda!

“May ginagawa ka bang hindi ko alam?” pangungulit ng bading. Puno ng pagdududa ang mga mata nito.

“Wala! Kumakain lang ako ng go, grow and glow foods kaya gumanda ang kutis ko,” natatawang wika niya.

“Hindi eh. Well, para ka ngang naggo-glow... pero iba eh.”

“Anong iba? Wala no! Guni-guni mo lang lahat!” Umismid na lang si Sancho nang marealize nito na walang makukuhang info mula sa kanya. Mayamaya ay dumating si A.R..

“Ma’m, parang blooming ka ngayon ah?” anito nang makita siya.

“Kita mo yan! Hindi lang ako ang nakapansin!” hirit uli ni Sancho.

“Saka bago na ang hairstyle niyo!”

“Ay oo nga... may kulay na girl.” Nilapitan pa ng bading ang buhok niya at hinawak-hawakan. “Ang lambot... ang ganda... parang shampoo commercial!”

“Tse! Tigilan niyo ako!” Nang mapunta kay A.R. ang mata niya ay kinindatan siya nito na parang nanunukso pa.

Bahagyang nakaramdam ng pamumula si Reese. Bakit ganun ang reaction niya? Agad niyang pinapormal ang boses at umupo upang tingnan ang mga dalang papeles ni A.R..

“Approved na daw po yung event na gagawin natin sa Boracay. Puwede na daw tayo magset up next week,” ani A.R..

“Ay, next week? Kelan daw? May pupuntahan ako sa Davao next week!” Tumayo si Sancho at tiningnan ang desk calendar na naka-display sa isang sulok ng office. “Three days ako dun!”

“Ma’m, pinapa-ocular po tayo ng 16. Puwede daw po magset up dun sa bar ng 17 dahil 18 ang event.” Nakatingin sa kanya si A.R..

Nag-isip muna ang dalaga at tinimbang ang sitwasyon. Ocular pa lang naman ang 16 and kaya niyang gawin yun- after all- sa kanya naman nanggagaling ang mga approvals ng set up.

“Sige, gagawan natin ng paraan yan. Tawagan mo ang team ni Justin.” Ang tinutukoy ni Reese ay ang isang team na lagi niyang kinukuha for events.

Agad namang tumalima si A.R. Muli itong bumalik sa sariling desk at nagcheck sa internet, habang nagtatawag. Muling binasa ng dalaga ang plano ng kanilang Boracay event. Muling lumapit sa kanya ang assistant.

“Ma’m, manggagaling daw po ng Palawan sina Justin. Hapon na raw po ng 17 sila makakarating ng Boracay. Pano po yan?”

Natahimik si Reese. Magaling naman ang team ni Justin- kahit hapon na ito ng 17 makarating, magagawa pa rin nila ang set up in time for the event sa 18. Pero kailangang makapunta na siya doon ng mas maaga. Baka kasi may mga last-minute changes na kailangang ayusin. Mas mabuti na ang sigurado kesa mag-cramming. She made a decision.

“E di tayo na lang muna ang mauna doon. We can fly on the 16th.”

“Kuha na po ako ng ticket?” Nang tumango ang dalaga ay tumawag na sa airline company si A.R.

“Ay bongga naman yan. May time kang maglamyerda sa isla at maghanap ng jowa!” ani Sancho.

“Trabaho ang punta namin doon,” giit ni Reese.

Love Knows No BoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon