Chapter Eleven

3.7K 116 2
                                    

CHAPTER 11

EKSAKTONG one year ang lumipas nang bumalik si Reese ng Pilipinas. She felt like a new person. Nakabuti sa pagkatao niya ang ginawang paglalakbay. Kung saan-saan siya nakarating. She went to France, Italy, Austria, Spain, Germany, Belgium. Pero sa London siya nagtagal. Naroroon kasi ang mga pinsan niya. Hindi na nagtanong ang mga ito kung bakit biglaan ang desisyon niyang magtungo roon.

Thursday night siya dumating mula sa London. Nagpahinga lang siya at nag-ayos ng mga gamit over the weekend. By Monday ay nasa opisina na siya- handa na uling harapin lahat ng mga iniwan.

Si Sancho ang masaya at super excited sa pagdating niya. Sa telepono palang ay nagtitili na ito nang marinig ang boses niya. Hindi kasi niya sinabing darating siya kahit regular naman ang palitan nila ng mga emails. Kaya naman ngayong magkaharap na sila ay hindi maawat-awat ang tuwa ng bading.

“Josko sister! Mabuti naman at bumalik ka na! My gosh, na-miss kita ng sobra!” anito nang yakapin siya ng mahigpit.

“Miss din kita!” Muntik nang maging emotional ang dalaga. Totoo naman kasi talagang na-miss niya ang kaibigan at lahat ng mga mahahalagang tao na naiwan niya sa Pilipinas nang magtungo sa Europe.

“Luka-luka ka, nawalan ako ng social life, love life at sex life dahil sa’yo! Nagmistula akong mother earth sa pag-aruga sa mga naiwan mo dito ha!”

Natawa si Reese sa tinuran ni Sancho. Hindi pa rin ito nagbabago, masiyahin pa rin. Pero bilib siya sa kaibigan- naitaguyod nito ang production company at hindi naisip na magtayo ng sariling kumpanya. Talagang inako nito ang responsibilidad na ibinigay niya. Kaya naman she gave him what is due. Lahat ng mga ipinasok nitong accounts, company fee lang ang hiningi niya, the rest, kay Sancho na niya ibinigay.

“At least naging workaholic ka,” biro niya.

“Tse! Hindi nga daw bagay sa akin! Hay naku, at dahil nandito ka na, puwes, ako naman ang magbabakasyon ngayon!”

“Sige ba. Saan mo gusto, sa Macau? Sagot ko ang fare mo.”

“Ay! Type ko yan! Yayayain ko ang bago kong jowa!”

“Kita mo yan, may bago ka na namang jowa!”

“Alangan namang maging madre nalang ako? Haler, tao po ako na may puso at nangangailangan ng pagmamahal!”

“Ako din naman...”

“E bakit kasi ang tagal mong nag-emote sa Europe? Ano ba kasi ang mga ginawa mo doon bukod sa mga nakuwento mo na sa email? Para kasing may kulang sa mga sulat mo e.”

“Wala, namasyal lang... nagkaroon ng mga kaibigan. It was fun. Nakapaglibot ako at maraming natutunan.”

“I'm sure! At least hindi ka nagkulong lamang sa bahay. Sayang ang mga boylets na nagkalat doon!”

“Talagang nagkalat ang mga guwapo doon!” hindi napigilang wika ni Reese.

In fairness ay maraming ipinakilala sa kanya ang mga pinsan sa London. Kaso coffee at dinner dates lang siya doon. Nothing serious. At least, yun ang natutunan niya- ang hindi mag-expect ng kung ano.

“You mean nakipag-boyfriend ka dun?” Nanlalaki ang mata ni Sancho. “Luluha si A.R. niyan!”

Napatingin si Reese sa kaibigan nang marinig ang pangalan ng lalake. Kumabog ang dibdib niya.

“Paano naman napasok ang pangalan ni A.R. dito?” pilit niyang pinakaswal ang boses.

“Ano ka, part siya ng team ko no!” may pilyong ngiti si Sancho.

Love Knows No BoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon