CHAPTER 12
EIGHT months later ay nasa Boracay uli sina Reese at A.R. This time ay hindi trabaho ang pakay nila doon kundi bakasyon. Katatapos lang magkaroon ni A.R. ng photo exhibit sa Ayala Museum. Kinuha din siya ng National Geographic Magazine bilang isa sa contributing photographers nito mula sa Asia.
Masasabi na ngang made na ang career ng lalake at isa iyun sa dahilan ng pagpunta nila sa Boracay. To celebrate.
Katatapos lang nilang mag-swimming. Bandang alas- singko ng hapon at nakaupo sila sa itaas ng sikat na Boracay Grotto. Hinihintay nila ang sunset.
“Dito kaya tayo magpakasal? Ano sa tingin mo?” biglang tanong ni A.R.
“Pakasal? Akala ko ba wala pa sa plano mo yun dahil marami ka pang gustong gawin sa buhay?” natatawang wika ni Reese, bagama't na-excite sa sinabi ng boyfriend.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang sila na talaga ni A.R. Katakot-takot na kantiyaw ang inabot niya kay Sancho nang sabihin niyang sila na ng lalake. Si A.R. lang naman daw pala ang dahilan ng drama niya, pumunta pa siya ng Europe! Pero matagal na rin palang alam ng kaibigan ang nangyari sa kanila ni A.R., dahil nagkuwento na umano ang lalake noong hindi pa siya nakakabalik. Imagine, ang tagal niyang nagtiiis na hindi makita si A.R.!
“Well, eventually ay magpapakasal tayo di ba? Unless, sawa ka na sa akin?”
“Ako, magsasawa sa'yo?” niyakap ni Reese ng mahigpit ang lalake. “No way!” natatawang wika niya.
“Ako din, hindi magsasawa sayo. Pakasal na tayo, hon?”
Biglang napatingin ang babae sa nobyo. Seryoso ba ito? Baka mali ang narinig niya?
“Sigurado ka?” Ayaw naman kasi ni Reese na napipilitan lang pala si A.R. o di kaya ay napi-pressure na magpakasal na sila. Gusto niya siyempre yung pareho na silang ready.
“Of course sigurado ako. Yun nga lang, hindi ko maibibigay sayo ang engrandeng kasal na pangarap ng mga babae. Gusto ko simple lang, yung tayong dalawa lang saka pamilya natin at mga malalapit na kaibigan.”
“Hindi naman ako naghahangad ng bonggang kasal...” Hindi makapaniwala si Reese. Talaga bang nagpo-propose sa kanya ng kasal ang lalake?
“May ipon naman ako hon. I've been working since college at lahat ng mga kinita ko nung wala ka, nakatabi lahat. Ayoko lang na ibuhos lahat sa kasal natin, kasi gusto kong paghandaan ang future natin....”
Hindi pa tapos magsalita si A.R. ay umiiyak na si Reese. Natigilan tuloy ang lalake.
“Hey, what's wrong. Bakit ka umiiyak?” biglang nataranta si A.R. nang makitang panay ang tulo ng luha niya. “Hon, kung ayaw mo pang magpakasal, it's okay. Naiintindihan ko. Huwag ka nang umiyak, please.”
Inakbayan siya ni A.R. at hinagod ang buhok.
“I won't talk about this again, I promise. Gusto ko lang kasi sanang magpakasal na tayo kasi takot na akong mawala ka pa uli. Baka di ko na kayanin...” pabulong na wika nito.
“Kaya nga ako naiiyak... kasi hindi ako makapaniwala na gusto mo akong pakasalan.” sumisinghot na wika ni Reese.
“Bakit hindi ka makapaniwala?”
“Kasi... kasi... mahal na mahal kita,” muling lumakas ang iyak ng babae. Pero this time, imbes na magpanic ay isang malakas na tawa ang pinakawalan ni A.R.
“Mahal na mahal kita, kaya maniwala ka.” Hinalikan ng lalake ang noo ng dalaga. “Gusto mo, kay Mayor na tayo magpakasal? Kahit bukas na bukas din!”
“Sige,” natatawang sagot ng babae habang patuloy na tumutulo ang luha niya.
AS it turned out, naplano na pala ni A.R. ang lahat. Natawagan na pala niya ang office ng mayor ng Malay (na nakakasakop sa Boracay) bago pa man sila nagtungo ng isla. Kaya all-set na ang lahat. Nagulat pa si Reese nang makita si Sancho doon pati sina Justin. Ang mga iyun pala ang kinutsaba ni A.R. para ayusin ang kasal nila.
Pagkatapos silang ikasal ng mayor ay nagtungo sila sa harap ng Chill Out Bar kung saan may naka-set up na long table at ilang mesa na puno ng pagkain.
“Beach wedding reception?” Hindi makapaniwalang bulalas ni Reese. Nakaupo na sila sa harap ng long table. Andami nilang kaibigan na naroroon din pala sa Boracay para um-attend ng kasal nila.
“Okay ba?” ani A.R. na kumindat pa.
“Akala ko ba ayaw mo ng engrandeng kasal?” “Hindi naman engrande ito ah! Para lang tayong nagpa-
dinner ng mga kaibigan.”
“Ang gastos nito! Sa Boracay ka pa nagpakain.”
“Mura lang yan. Mukha lang mahal tingnan,” natatawang wika ni A.R. “Kelan ka pa natuto ng ganito?”
“Nung wala ka, kami ni Sancho ang naiwan sa events and production company mo, remember? Natuto na ako kung paano mag-organize.” Pinisil nito ang ilong niya. “Saka kahit papano, gusto kong maging memorable at kakaiba ang kasal natin.”
“Paano pala kung hindi ako pumayag na magpakasal dito?”
“Ni minsan hindi ko naisip na hindi ka papayag.”
“Over confident ka naman!” irap niya. “Alam ko lang na mahal mo ako. At triple dun ang pagmamahal ko sayo. Well, siguro kung hindi ka pumayag, luluhod ako sa harap mo at hindi tatayo hangga't di ka pumapayag. I don't know, basta gagawin ko lahat, makasal lang tayo. Siguro kahit araw-araw akong magpropose sayo hangga't sa tanggapin mo.”
Hindi na nakapagsalita pa si Reese. Napuno ng tuwa ang puso niya. Ngayon palang nakikita na niyang she married the sweetest person in the world.
Nang halikan ni A.R. si Reese ay naghiyawan ang mga kaibigan nila.