Chapter Eight

3K 101 3
                                    

CHAPTER 8 

IT WAS just one kiss. They only shared one passionate kiss- and that changed everything!

Pakiramdam ni Reese ay tumawid sila ni A.R. sa isang mahiwagang tulay- at hindi na sila puwedeng bumalik sa pinanggalingan nila. Samu’t saring emosyon ang bumangon sa puso niya. Naroroon ang kaba, dahil baka tuluyan silang mahulog sa isang lugar na walang kasiguraduhan. Naroroon ang excitement at kilig dahil feeling ni Reese ay nararanasan niya uli ang tamis ng unang halik. May guilt of course- dahil alam niyang may girlfriend si A.R.. Nalilito rin siya dahil hindi niya alam kung ano ang tawag sa kanila- obviously ay hindi na sila boss at assistant lamang. More than friends na sila. Ang higit sa lahat ay napuno ng tuwa ang puso niya dahil pakiramdam niya, nabuhay uli siya.

“Galit ka?” tanong ni A.R. after the kiss.

Umiling si Reese. Bakit siya magagalit gayung nag-enjoy siya? Ng todo!

“Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko....”

“Bakit? A-anong nararamdaman mo?” sunod sunod na ang kabog ng dibdib ng dalaga habang nakatingin sa lalake.

“Hindi ko rin ma-explain.” Niyakap siya ng mahigpit ni A.R..

“Mag.... Mag-ano ba tayo?” lakas-loob na tanong niya.

“I don’t know... naguguluhan ako e.”

“Ako rin, naguguluhan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa atin,” amin ni Reese. “Basta ang alam ko, masaya ako kapag kasama ka.”

“Ako rin.” Pareho silang natahimik. Maya-maya ay naramdaman ni Reese na nakatulog na si A.R. habang yakap-yakap siya. Tinulugan siya ng lalake!

Pero okay na rin sa kanya. Nagcross man sila ng line, at least, hanggang doon lang muna. Dahil hanggang hindi nila ma- define ang nangyayari, mas safe pa ring halik lang ang pinagsaluhan nila!

KINABUKASAN ay parang walang nangyari. Very casual ang pakikitungo ni A.R. sa kanya- hindi cold pero hindi sweet like she expected. Twice niyang sinubukang hawakan ang kamay ng lalake pero pasimple nitong binawi ang kamay. Napahiya tuloy sa sarili ang dalaga.

“Okay ka lang?” bulong niya kay A.R. nang magkasabay sila sa pagkuha sa buffet table na inihanda nila. Nasa table ang ilan sa kasamahan nila sa event.

“Okay lang ako. Gusto mo pa ng iced tea?” alok nito. Umiling si Reese. Hindi iced tea ang kelangan niya!

Naiinis na bumalik sa table nila ang dalaga. Masayang nagkukuwento si Justin.

“Madam, asan yung date niyo?” anito sa kanya. “Yung mukhang artista!”

Sabay-sabay na nagreact ang mga kasama nila sa table. Ang iba ay nanukso, ang iba ay nagpalakpakan.

“Oo nga, ang guwapo nun! Kilig nga kami kagabi e!” sabad ng isa nilang promo girl sa event.

Napatingin si Reese kay A.R.. Busy ang lalake sa pagtetext.

“Mamaya, makikita niyo siya,” pahayag niyang bigla, hoping na makukuha ang atensiyon ni A.R.. Pero tila seryoso ito sa cellphone kaya nairita na ang dalaga.

Ah ganun? Humanda ka!

KITANG-kita ni Reese na natigilan si A.R. nang dumating si Brey at agad na dumiretso sa kanya. Nasa may bar siya at nag- e-enjoy sa music habang nakatingin sa mga nagsasayawan. Katatapos ng event nila.

“Sorry I didn’t make it to your event. I had to attend to a video conference with my client and his lawyer.” Humalik sa pisngi niya si Brey.

“It’s alright,” isang napaka-sweet na ngiti ang ibinigay niya sa lalake. Kinuha niya ang kamay ng lalake at pinisil pa ‘yun. Mayamaya ay kaswal nang nakaakbay sa kanya si Brey!

Nang mag-CR siya ay bigla niyang nakasalubong si A.R.. Madilim ang expression ng mukha nito.

“Nakikipag-inuman ka sa puting ‘yun?” sumbat ng lalake.

“E ano naman?”

“Akala ko ba iinom ka lang kapag ako ang kasama mo?”

“Kasama ba kita? Di ba whole day ka ngang may sapi?” Lumabas na ang tinitimping inis ni Reese kay A.R.. “Ilang beses kitang tinanong kung ok ka lang, halos di mo nga ako kibuin. Ni hindi mo ako nilalapitan!”

“Di ba inalok pa kita ng iced tea?”

“Pero sa kabila ka pa rin umupo.” “E may pinag-uusapan kayo nina Justin di ba?”

“Hindi ako kasali sa usapan nina Justin! Ikaw ang gusto kong kausap kanina pero busy ka sa katetext mo!”

“Sinasagot ko lang ang mga text ng girlfriend ko.”

“Exactly!”

“Pero...” saka yata na-realize ni A.R. ang impact ng huli niyang sinabi kaya natigilan ito. Sinamantala ‘yun ni Reese.

“Hindi kita pinipigilang magtext sa girlfriend mo. Kaya kung mag-enjoy man ako ngayon, siguro naman walang masama kasi single ako.” Yun lang at bumalik na ang dalaga kay Brey.

Naiwang nakatanga si A.R..

SINADYA ni Reese na magpa-late ng uwi. Nang yayain siya ni Brey na lumipat ng ibang bar ay sumama siya sa kabila ng matatalim na tingin ni A.R.. Gusto rin naman kasi niyang bigyan ng pagkakataong malibang kahit panandalian lang dahil nalilito siya sa mga ikinikilos ng lalake.

Expected niyang tulog na si A.R. pagbalik niya sa resort na tinutuluyan- after all, almost 3am na. Pero siya ang nagulat nang makitang bakante ang kanilang kuwarto. Wala pa rin ang lalake!

Agad na kinabahan ang dalaga. Naisip niyang baka sa inis ni A.R. ay sumama ito sa mga babaeng nagbebenta ng aliw! Pero binura niya agad ang naisip- hindi naman ganun ang tipo nito.

Nasaan siya? Andun naman ang mga gamit ng lalake kaya alam ni Reese na nasa paligid lang ito.

Nang mapagod sa kaiisip kung nasaan si A.R. ay ipinasya na ng dalaga na pumasok ng banyo at magpalit ng pantulog. Eksakto namang nakahiga na siya nang dumating ang lalake. Wala itong kibo na pumasok sa banyo. Nakahinga na si Reese kaya ipinasya niyang matulog na talaga.

Mayamaya ay naramdaman niyang humiga na rin sa kama ang lalake at niyakap siya. Hindi siya kumibo.

“Ayokong mawala ka... hindi ko kaya...” yumuyugyog na si A.R..

Umiiyak? Hindi makapaniwala si Reese. Iniiyakan siya ng lalake?

“Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko... mali e...”

“A-ano ba talaga ako sa buhay mo?” Naitanong na ito ng dalaga pero hindi nakasagot si A.R.. Nagbabakasakali siya ngayon na malaman na ang sagot kahit natatakot siya.

“Importante ka sa akin... pero hindi ko alam kung ano tayo... I don’t know... I’m sorry... ang alam ko lang, ayokong mawala ka...”

Tumahimik na lang si Reese. Gusto niyang sabihin kay A.R. na unfair ito. Pero wala siyang lakas. Basta na lang pumatak ang luha niya.

Kung siya ang masusunod, gusto niyang halikan ang lalake at bahala na kung saan sila humantong. Gusto niya itong maramdamang maging bahagi niya, kahit sandali. Kahit sa oras na iyun lamang. Pero hindi kumikilos si A.R.. Masyado naman siyang kawawa kapag siya pa rin ang gumawa ng unang hakbang. Pride na lang ang natitira sa kanya dahil naipamigay na niya ang puso niya. Alam niyang na kay A.R. na ito at hindi na niya mababawi.

Love Knows No BoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon