Hi! I am Lulu...

46 2 0
                                    


Bumukas ang malaking pintuan ng simbahan.

Everyone turned their heads to witness the entrance of the bride. Lalong lumitaw ang ganda nya dahil sa suot na puting trahe de boda.

Umaalingawngaw sa buong simbahan ang tunog ng wedding bells kasabay ng pagkanta ng choir.

While walking down the aisle, hindi na nya napigilang maluha dahil sa sobrang saya ng kanyang puso habang nakatingin ng diretso sa lalaking nag-aabang para mahawakang muli ang kanyang mga kamay at 'di na yun bibitawan pa.

He's the one she loves. He's the one she'll spend the rest of her life with.

Ilang saglit pa...

"You may now kiss the bride." Deklara ng pari.

They look at each other lovingly and then shared a sweet kiss.

"Aww ang cute naman nila." I whispered to myself while looking at them through the camera lens. Sunod sunod kong kinlick ang camera ko para kuhanan ang nakakakilig na tagpong yun.

"Sana all 'no?" Rinig ko ang impit na tinig ng lalaki sa gilid ko. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Nang makita ko kung sino yun ay inismiran ko lang sya. Kilay on fleek sya girl! Nakikinita ko sa kilay nya yung signs na makakasapak ako ng bakla ng di-oras.

"Ay! Ohmygorlalu! Hindi mo pa nga pala naranasan ma-kiss." Siniko nya pa ko para lang asarin!

Sinamaan ko sya ng tingin. "Gusto mo ito kumiss sa mukha mo?!" At pinakita ko ang kamao ko.

Tumawa sya ng pang-asar. "Eto naman si Lulu, 'di na mabiro."

"Shoo! Lumayas ka sa harap ko! Baklitang 'to! Nagtatrabaho ako ng matino dito, mang-iistorbo lang para mang-asar!"

"Luh? Nasa gilid mo kaya 'ko." Pabalang nyang sagot.

Parang gustong maglabas ng laser ang mata ko habang tinitingnan sya ng masama dahil sa sagot nyang yun. Humagikgik pa sya at naglakad na papunta dun sa gilid.

Buti naman. Ayokong magkasala sa loob mismo ng simbahan.

Nagsign of the cross nalang ako.

Ipinagdarasal ko po ang kaluluwa ni Armando Birol a.k.a. Girlie. Di naman mukhang girl. Sana magbreak na sila ng boyfriend nyang basketball player.

"Di mangyayari yun 'no!" Bulong nya. Nagulat naman ako at napamulat dahil katabi ko na pala sya uli. "Palibhasa 'di ka pa nagkakajowa, dadamay mo pa kami ng bebe boy ko!" Pang-aasar niya pang muli sa'kin.

"Manahimik ka Armando Birol!" Kinutusan ko nga. Kaya ayun, nag iinarteng umupo nalang uli sya sa tabi. Pabulong-bulong pang wag ko daw mabanggit banggit pangalang yun kasi hindi sya yun. Eh nasa birth certificate nya kaya yun!

Nang matapos ang kasal at reception ay nagpack up na din kami at umuwi na. Dumaan lang ako saglit sa studio ko para ilagay ang mga equipment na ginamit.

Pagdating sa condo ay dire-diretso ako sa kwarto.

"Hay buhay!" Buntong-hininga ko at saka pabagsak na humiga sa kama.

I am Lulu, short for Luna Lucero. Twenty-five years nang nabubuhay sa mundong ibabaw pero never pang nagkajowa, ever!

Yung kasal kanina, kinuha lang akong photographer para dun.

Kelan naman kaya ako kukuning bride 'no?

Freelance photographer ako. I love taking pictures. Natutuwa kasi ako na kada click ng camera ko, isang memory ang nakukuha nun. I love capturing memories!

I live alone. Nasa states ang parents ko, honeymoon part two daw nila at baka sakaling magkaron na ko ng kapatid. Matatanda na, maaasim pa--I mean may mga asim pa.

Napangiti ako while staring at my parent's wedding picture. Kung anong swerte ng parents ko sa isa't isa. Ganun naman ang pagtataka ko kung bakit ang malas ko sa pag-ibig!

Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. Maganda naman ako 'di ba? Tinanggal ko ang cap ko at ang buhok sa pagkakabraid kaya't lumadlad ang wavy hair kong hanggang bewang ko na. Palagi ko yung binebraid para neat at walang sagabal sa pagkilos.

Nagpose pose pa ko sa harap ng salamin. Sexy naman ako eh? Di mo masasabing kasinglakas ako kumain ng mga nagmu-mukbang sa YouTube. Try ko nga mag-apply dun minsan.

Mabait naman ako... sa mabait sa'kin. Minsan nga lang, masarap din mambatok ng mababait na kaibigan lalo na pagnang-aasar. Napakababait!

Bagsak ang balikat na tumalikod ako sa salamin. Ano kayang problema sakin? Pagnagkakaron ako ng manliligaw dati, biglang nagbaback-out kung kelan sasagutin ko na! Kesyo 'it's not the right time' daw o kaya 'it's not you, it's me'. Hay, nakakalungkot, ang bubulok ng linyahan.

Dumiretso nalang ako sa banyo para magshower. Pagkatapos ay tiningnan ko ang phone ko and something caught my attention.

;;;

Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon