🎥: Ha Ha Ha

9 0 0
                                    

Komportable akong nakasandal dito ngayon sa upuan ng bus.

Nauna kaming dalawa ni Luca dito at syempre automatic nang sa tabi ako ng bintana uupo.

Pinili kong pumikit muna habang naghihintay pa sa mga kasama. Kulang na kulang pa ang tulog ko e.

Ang aga-aga kasing nang-istorbo ng damuho! Alas tres palang ng madaling araw, nasa bahay na! E alas singko pa naman aalis! Kesyo kailangan daw naming mauna para siguradong bakante pa yung upuan sa unahan. Dinahilan pa yung pagka-mahiluhin ko sa byahe. Sukahan ko siya dyan e!

Sinusubukan kong makatulog ngayon pero hindi mangyari-yari dahil sa impit na tawang naririnig ko mula sa tabi ko kanina pa!

Iminulat ko ang mata ko't pasaring na pinasadahan siya ng tingin. Nakatingin na naman siya sa phone niya na parang kinikilig. Pero nang mapansing nakatingin ako sa kanya'y iniwas muli yun kaya hindi ko nakita kung anong itinatawa-tawa niya.

Tulak ko kaya 'to dito nang matigil sa katatawa 'no?

Parang sinisilihan yung pwet e! Hindi mapakali! Kitang may magandang sleep-deprived sa tabi niya!

"What?" di mapakaling tanong niya nang mapansing hindi ko inaalis ang masama kong tingin sa kanya.

"Mama mo what!" Sagot ko. "Napakaingay ng tawa mo! Pwede hinaan minsan?!" sarkastiko kong tanong.

"Nope," sabi niya at tumawa uli pero mas malakas this time. Yung tawang hindi naman talaga tawa. Yung para mang-asar lang!

Ramdam ko ang high blood ko na tumataas! Abot langit na siya pramis! Pakiramdam ko makakasapak ako ng lalaking nagngangalang Lucas any minute!

"Kabagin ka sanang leche ka!"

Patuloy lang siya sa pagtawa habang nakatingin sakin. Nasabunutan ko ang sarili sa inis dahil sa nakakaasar niyang tawa.

Feeling ko hindi dapat dalhin 'tong damuhong 'to sa beach. Parang mas makakatulong sa kalagayan niya kung sa mental na siya ididiretso.

"Umalis ka nga sa tabi ko!" sigaw ko sa tenga niya at tinulak siya kaya tumama yung tagiliran niya sa arm rest ng upuan.

Napalitan yung tawa niya ng 'aw', 'aray', at 'aaaahh' kaya hindi ko tinigilan ang pagtulak ko, nilakasan ko pa! Ha-ha! Buti nga!

Walang anu-ano'y tumayo rin siya sa pwesto kaya napangiti ako.

"HA-HA-HA-HA-HA!" Tumawa pa siya ng pang-asar sa mukha ko bago lumipat ng upuan.

Tsk! Talsik laway!

At kung minamalas nga naman siya, saktong pasok rin ni Girlie ng bus.

Kumapit siya sa braso ni Luca na parang linta sa higpit!

"Tara dun fafa Sean! Tabi tayo!" Nagpretty eyes pa ang bakla.

Hindi pa man siya nakakasagot ay hinila na siya ni Girlie papunta dun sa dulo.

Napalingon pa siyang muli sa pwesto ko habang kumakamot sa batok.

Well, it's my turn to laugh!

"HA-HA-HA-HA-HA!" pang-gagaya ko sa pang-asar niyang tawa sakin kanina.

Blessing in disguise din talaga minsan si Armando. Mas madalas nga lang siyang disguise kesa blessing.

Napabuntong hininga ako. Dahil sa inis ay nawala ang antok ko.

Bigla kong naalala yung chat ni Harri kagabi na may pag lmao-lmao siya pati yung pagtawa ng damuhong si Luca nung oras ding yun!

Kaya naisipan kong kumuha ng sticky note at ballpen sa bag ko para magsulat sa DFH.

;;;

Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon