🎥: Suspicion Gone Wild

8 1 0
                                    

Nakangiti akong pinicturean yung letter saka sinend sa DFH.

Nagmasid muli ako sa paligid habang nakangiti.

According sa forecast ngayong araw, 6:09 daw magseset ang araw. And it's already 6:02.

Kulay orange na ang paligid, lalong lalo na ang araw. Pati ang bughaw na karagatan kanina ay naging kahel na din dahil sa reflection ng araw.

Sumandal ako sa duyan habang tumuturo sa mga ulap dahil nakakaaliw silang pagmasdan habang palutang-lutang lang sa kalangitan.

Naku, minsan lang ako magseryoso. Pagbigyan niyo na. Nakakasenti naman kasi 'tong ganitong tanawin.

"Emo."

Napangiwi ako.

Alam na alam talaga ng dugita kung paano manira ng mood! May degree siguro 'to sa pambabadtrip.

Nang makita niya ang reaction ko ay tumawa siya ng nakakaloko dahil mukhang nagawa niya ang hidden mission niyang hindi na hidden kasi alam ko na ang purpose niya sa mundo: Badtrip-in ako.

"Nice," sabi niya habang nakatingin sa pwesto sa tabi ko.

Bago ko pa siya mapigilan ay nakaupo na siya. Bwisit na─!

"Umalis ka nga d'yan!" sigaw ko habang tinutulak siya. Para kay future hubby lang 'tong pwestong 'to 'no!

"Stop pushing me Luna!" reklamo niya habang patuloy lang ako sa pagtulak sa kan'ya.

"Heh! Magtigil ka! Sinesave ko 'yan para kay─"

Bigla niyang hinawakan ang braso't bewang ko kaya't napalapit ng sobra ang mukha niya sakin!

Imbis na siya ang magtigil ay ako ang napatigil dahil sa inakto niya!

Ngumiti siya ng matamis.

"I know you saved this spot just for me," sabi niya kaya't sumimoy sa mukha ko ang fresh minty breath niya. . .

Shu─

"L-lumayo ka nga! Amoy dikyang bulok 'yang hininga mo!" sabi ko sabay tulak sa kanya.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Kumalma ka heart! Alam kong galit ka pero tigil na sa pagkibot please. Baka tumaas na naman ang highblood mo sa dugitang kaharap!

Umayos nalang ako ng upo habang pilit tinatago ang reaksyon ko dahil 'di pa rin ako makamove on sa sinabi niya!

PERO PAANO AKO KAKALMA?!

SHUTA! YUNG SINABI NIYA─NASA PPS 'YUN NG KASESEND KO LANG NA DFH LETTER SHETS!

Makailang beses akong huminga ng malalim habang nakatingin lang ng diretso sa papalubog nang araw.

Coincidence. Coincidence. Coincidence.

Paulit ulit ko 'yang sinasabi sa utak ko habang sinusubukang magfocus sa magandang tanawing nasa harap ko.

"And it's gone," sabi ng dugitang katabi ko matapos ang ilang minuto.

Hinayaan ko na siyang umupo du'n. 'Di ko na lang pinansin, nakakabanas lang eh!

Gaya nga ng sabi niya, wala na ang araw. Nakalubog na ito.

Paepal talaga! Di tuloy natuloy ang sentimental moment ko ng mag-isa dito!

"Uy fafa Sean, ateng Lulu! Pinapahanap kayo sa'kin, nandyan lang pala kayo!" napalingon ako't nakita si Girlie na may makahulugang ngiti sa'min kaya't sinamaan ko siya ng tingin. "Ay! Patawarin niyo ang dyosa, baka nakakaistorbo ako," sabi niya at akmang aalis na pero pinigilan ko siya.

"Dyosa my ass! Itong dugitang 'to ang istorbo!" sabi ko sabay turo kay Luca na nakangiti na rin ng nakakaloko habang hawak-hawak ang umiilaw niyang phone dahil madilim na nga ang paligid. 'Di ko napansin 'yan kanina ah?

"Tara na nga Armando Birol! Baka pasabugin ko mukha niyong dalawa! Nagkakapareho na kayo ng ngisi ah. Soulmates lang?! Nakatadhana para badtrip-in ako?!" sabi ko sabay hila kay Girlie.

"Ikaw naman, ateng Lulu! Sabing Girlie ang pangalan ng dalagitang ako," reklamo niya habang nagpapahila sa'kin. "Baka may makarinig sa'yo ssshhh."

Nginiwian ko siya. "'Yaan mo, papa-tattoo-an kita ng malaking ARMANDO BIROL sa noo mo para 'di na nila kailangang marinig. Basahin nalang nila," sarkastiko kong sabi habang patuloy pa rin sa paghila sa kan'ya.

Kailangan ko lang makalayo sa presensya ng dugitang 'yun! Baka madedo ako sa sakit sa puso─dahil sa inis!

"Teka, teka! Sa'n ba tayo pupunta, ateng Lulu?" tanong niya sa'kin kaya nabitawan ko siya.

"Ha? Ewan ko sa'yo! 'Diba hinahanap mo ko?!"

"Ohmygorlalu? Hindi mo pala alam? Eh bakit mo hinihila ang dyosa?"

"Walang dyosa, hinihila lang."

Bigla siyang nagseryoso.

"Nakakalalaki ka na ah," sabi niya with his deep manly voice kaya napailag ako bigla kahit walang dapat ilagan.

Nakakatakot. Parang maton!

"Luh, sorry naman tol," sabi ko.

Para akong naging maamong tupa. Baka bigla nalang manuntok 'to. Nakupo! Lalaki pa rin 'to mga kabaryo! Ayokong tumalsik sa Mars.

Bigla siyang tumawa. Yung pangmalandi niyang tawa kaya nakahinga ako ng maluwag. "Shuta ka bading! Pinakaba mo 'ko!"

"Hihihi! Namiss mo ba 'ko?"

"Luh, baka may sira ka pala sa utak ha? H'wag kang lalapit," winasiwas ko pa ang kamay ko para lumayo siya sakin. "'Yung mga ganyang hilatsa ng mukha, baka may multiple personality disorder ka, tapos baka bumalik yung bayolenteng Armando Birol na nakausap ko kanina ha?!"

Ngumuso siya. "Ohmygorlalu! Grabe ka ateng Lulu! Hindi ba pwedeng best actress lang ang dyosa?"

"Una, hindi ka actress. Pangalawa, hindi ka rin best. At pinakahuli, hindi ka nga dyosa, wokey?" paglilinaw ko.

"Haynaku! Tara na nga! Nahuhulas ang foundation ko dahil sa'yo ateng Lulu!" sabi niya saka ako hinila papunta dun sa direksyon na pinanggalingan namin.

Nadaanan pa namin yung duyan na pinagtambayan ko kanina pero wala na dun si Luca. Teka─ba't ko ba hinahanap 'yun?! Baka bumalik na 'yun sa mga kamag-anak niyang dugita!

Sa 'di kalayuan ay tanaw ko na ang bonfire na mukhang gawa ng mga kasamahan namin.

"It's party time!" sigaw ni Girlie sabay takbo papunta dun. Iniwan ako dito. Pero duh, ang magagandang nilalang kaya maglakad mag-isa kaya dumiretso nalang akong muli sa paglakad.

Sinalubong ako ng ngiti ni James. "Hey, where have you been? Hinahanap kita kanina pa," sinabayan niya 'kong maglakad papunta dun sa may bonfire.

"Dyan lang. Nagmasid-masid lang. Trip ko rin maging matanglawin minsan hehe," pabirong sabi ko sa kanya.

"Napanood mo ba yung sunset? Ang ganda 'no?" tanong niya pa.

"Yup! Super!" nakangiti kong sagot.

At the back of my mind, gusto kong mambatok ng dugitang nanggulo kanina kaya hindi ako nakanood ng matiwasay.

May binulong pa si James pero hindi ko na narinig dahil napakahina nun kaya nagkibit balikat nalang ako. Baka may meeting sila ng mga sarili niya ngayon. Ganun kasi kami minsan ng mga sarili ko e.

Nang makalapit ay umupo na kami sa mga logs sa palibot ng bonfire. Katabi ko si James. Nang ma-spot-an ako ni Luca ay tumabi siya sa kabilang side ko. Si Girlie syempre nakabuntot kay Luca kaya alam niyo na kung saan ang pwesto nyan.

May mga nakahanda ring marshmallows and barbecue kaya't napangiti ako ng malawak.

Kainan na!

#

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon