🎥: Luggage (2)

12 0 0
                                    

Tiningnan ko ang oras.

9:30 palang ng gabi. Masyado pang maaga para matulog kaya't naisipan kong i-open ang YouTube.

Pero bago ang lahat---kailangan ko syempre ng makakain.

Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref.

Hmmm... Alin kaya?

Inilibot ko ang tingin sa loob ng ref.

Kamatis... Calamansi... Tubig... Apple na may kagat, nangingitim na to ah?... Tubig... Uling... Tubig... Tubig uli... At isa pang tubig.

I can hear my refrigerator saying 'stay hydrated bitch'.

Tiningnan ko naman ang freezer. And ooooh popsicle ice cream!

Nang makuha yun ay nagtatakbo rin agad ako pabalik sa sala at tumalon pa-upo ng sofa.

"Ano kayang magandang panuorin ngayon?" bulong ko sa sarili habang nags-scroll.

Nang makitang may bagong episode yung variety show na pinapanood ko way way way back college days pa ay pinindot ko yun at humiga. Isinandal ko ang ulo ko sa armrest ng sofa habang yakap-yakap ang isang throw pillow kung saan nakapatong yung phone ko.

Habang nanunuod ay binuksan ko pa ang lalagyan ng popsicle ice cream gamit ang bibig ko.

Bibig ko lang. No hands! Panis! Wala ka nang mahahanap pang may ganyang talent sa mundong ibabaw kaya wag ka nang maghanap! Nag-iisa lang si Lulu!

Nakatuon lang ang mata ko sa screen habang tatawa-tawa pa dahil sa bangayan ni yoo jae suk at kim jongkook.

Sa kalagitnaan ng panunuod at pagdila sa ice cream ay biglang bumukas ang pinto ng unit ko kaya't napaangat ang tingin ko dun.

Ano na naman kayang kailangan ng damuho at iniistorbo ang paghalakhak ko dito?!

Dire-diretso lang siyang pumasok na akala mo'y walang taong nakikita.

Alam niyo kung bakit?

Kasi hindi siya nakatingin sa daan! Nakatingin siya sa bagay na hawak-hawak niya---cellphone!

And here's the catch kaya saluhin mo! Gaya ko'y patawa-tawa rin siya habang nakatingin dun!

Nakaupo na siya sa couch pero parang may sarili pa rin siyang mundo. Patuloy pa rin sa pag-iingay yung phone kong nakaconnect pa sa speaker pero hindi man lang siya lumilingon!

Sisilipin ko na sana ang phone niya nang sunod-sunod na tumunog ang notification tone ng phone ko.

Galing sa DFH.

── 💌 ──

Harri
Active now

Harri:
been reading your letters over and over
still find it funny
lmao

── 💌 ──

Napako ang tingin ko sa chat ni Harri sunod ay inangat ko ang tingin sa tatawa-tawa pa ring damuhong si Luca!

Naitaas ko ang isang gilid ng labi ko habang nakatingin sa kanya ng diretso.

Suspicion is all over the place! Wala ba kayong napapansin mga kabaryo!? Nung nakaraan pa 'tong isang 'to e!

Nagkataon lang ba? O pareho talaga silang mababaw ang kaligayahan? May nakakatawa ba sa letters ko? Sabihin niyo ang totoo!

'luca?' I typed. Pero dinelete ko rin agad.

'your full name pls?' Sunod kong tinype.

Pero napailing ako at binura 'yong muli. Naalala ko yung sinabi ni Harri nung nakaraan na he'll stay anonymous til he's ready to meet me.

Pero diba? Bakit kailangan pa magready? Eh ako nga always ready, eveready!

Ni isang photo ni Harri hindi ko pa nakikita kaya posibleng---Pero napailing uli ako ng todo.

No! Impossible! What am I thinking?

"The ice cream's melting," rinig kong tinig ni Luca kaya't napatingin ako sa kanya. Wala nang phone na hawak. Nakatingin lang ng diretso sa ice cream ko.

"Sorry. Ang hot ko e," mayabang kong sagot at saka napatingin sa kanang kamay kong may hawak sa ice cream. Dumadaloy na nga yun sa braso ko dahil sa sobrang hot ko at tumutulo pa sa sahig!

Shet yung carpet!

Napabalikwas ako bigla ng tayo at nagdire-diretso patakbo sa lababo.

Kasalanan 'to ni Luca e! Ang hirap hirap pa naman linisin ng carpet!

At itong ice cream na 'to, hindi man lang nagpasabi, ang lagkit lagkit niya pa naman! Mas malagkit pa sa tingin ni Girlie sa abs ni Luca! Ay geez, bakit ko ba iniisip yung walang kwentang abs, di naman ako mabubusog nun! O baka mabusog nga?----Sssshhhh!

Napakaingay ng utak ko! Walang nakakabusog kundi pagkain! Maliban nalang kung masarap sya----Oh geez, I should stop this!

Naghugas ako ng kamay hanggang sa braso dahil tumulo hanggang dun yung natunaw na ice cream.

Nang makabalik ako sa sala ay nakaupo pa rin dun si Luca pero nakabukas na ang TV.

"Are you ready for tomorrow?" rinig kong tanong niya.

"Anong meron?" Kunot-noong tanong ko at saka umupo sa tapat niya.

Napatingin siya sakin. Nakakunot na rin ang noo. "Really Luna?"

Kinunot ko rin ang noo ko. "Really Luca?"

"You really forgot?" Tanong niya muli.

"I really forgot?"

"Stop imitating me, will you?"

"Stop imitating you, will I?" tanong ko sa sarili.

"You better start packing your things up," Sabi niya nalang at saka ibinaling muli ang tingin sa TV.

Aba't! Ang lakas ng loob! Nagpapalayas?

"Bahay ko kaya 'to! Bakit ako mag-iimpake? Fully paid na 'to! Binayaran ng magulang ko! Gusto mo pa pakita ko sa'yo yung documents?! Ni wala ka ngang contribution tapos papalayasi---" Nahinto ako nang isang hintuturo ang dumapo sa nguso ko.

Naduling ako sa pagtingin dun.

"Ssssshhh." He softly shushed me.

Nang iangat ko ang tingin ay nagtama ang mata namin. Ilang segundo akong natigilan dahil sa lapit ng mukha niya sakin. Kumibot ang pus---Heh! Walang kikibot-kibot!

Kinagat ko ang daliri niya kaya napadaing siya sa sakit. Hah! Praktisado ata 'tong mga ngipin ko! Pinahasa ko pa 'to kay Mang Kanor!

Bumalik siya sa pwesto niya kanina at tiningnan ako ng masama. "Pag ako nagka-rabies!" sabi niya.

"Wow!" I sarcastically said habang pinandidilatan siya. Nag-iisip ako ng irerebutt pero walang lumalabas sa bibig ko!

Inirapan ko nalang siya at nag-cross arms.

Nanahimik kami ng ilang minuto. Pero nabasag rin yun nang magsalita siyang muli.

"Photoshoot. Beach. Get-together. Three days."

Napaangat ang tingin ko sa kanya habang pinaprocess yun ng utak ko.

Shet?

Kaya pala travel ang nasa utak ko kanina pa!

Bukas ang alis namin para sa beach photoshoot nila ni James plus get-together na rin! For. Three. Days!

At hindi pa ko nag-eempake!

"Shit ka Luca! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

Dali-dali akong tumayo at tumakbo papasok sa kwarto ko.

#

Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon