🎥: Sunshine

10 1 0
                                    

A/N: I edited the previous parts. Konting-konting edit lang naman. May iilang pictures din ni Lucas akong in-insert. You may re-read if you want. ^___^

*-*-*

Naalimpungatan ako dahil may yumuyugyog ng balikat ko.

"Tigilan mo 'ko Luca! Alas singko pa ang alis!" sigaw ko.

Istorbo talaga ang isang 'to eh! Nakakagigil!

"Nandito na tayo, Lulu."

Patuloy lang siya sa pagyugyog ng balikat ko habang ako'y nananatiling nakapikit pa rin.

Wait lang ha? Ireready ko lang ang kamao ko para sa malupit lupit na pambabatok in the world history!

"Istorbo ka talagang─" nanlaki ang mata ko nang imulat ko ang mga ito dahil sa mukhang bumungad sa'kin.

Si James!

Nakadefense position pa siya at halatang nabigla rin sa ikinilos ng kamao ko!

Shit ka Lulu! Pahiya times two ka na!

"Ano ba 'tong kamay ko, kumikilos mag-isa hehe."

Tumawa ako ng pilit at dahan dahang ibinaba ang kamao kong sa kabutihang palad ay hindi tumama sa precious batok ni James.

"Sorry James, reflex action lang siguro hehe," nagpeace sign pa ako at natawa naman siya.

"Tara. Nakalabas na sila oh," sabi niya at saka tumayo.

Akmang kukunin ko na ang mga bags ko pero inunahan niya ko at dali-daling tumakbo palabas ng bus!

Natulala ako sa ikinilos niya.

Maya-maya pa'y 'di ko na napigilang ngumiti't magtitili kaya't napatakip ako ng mukha sa kilig!

Shemay! Ang gentleman mga kabaryo!

Nakakakilig! Yung obaryo ko! Shuta sasabog na!

"You sound like a retarded seal."

Napangiwi ako sa pamilyar na boses na 'yun.

Tinanggal ko ang kamay na nakatakip sa mukha ko't sinamaan siya ng tingin.

Panira talaga ng mood ang damuhong 'to!

"Anong ginagawa mo dito?! Bawal epal dito boy."

"Ikaw nalang ang hinihintay namin dun," sabi niya habang nakacross arms pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ge, sabihin ko nalang sa kanila, busy ka pa mabaliw," dagdag niya pa at saka humakbang na pababa ng bus.

Dali-dali akong tumayo para mahabol siya ng batok.

Peste eh, 'di lang pagtulog! Pati ba naman pagkilig ko iniistorbo?!

Pero napatigil ako nang makita ang tanawing sumalubong sakin.

Literal akong napatigil. Pati yung kamay kong ipambabatok ko sana sa damuhong Luca ay naiwang nakahaya sa ere.

Ang gandaaaa!

Ang puti ng pinong buhangin at 'yung tubig, parang kakulay na ng langit! Walang kakalat-kalat sa paligid!

Napangiti ako. Gan'tong mga tanawin ang masarap kuhaan ng litrato!

A hidden gem! This is Quezon province mga kabaryo!

"Ay koya enebe! Ohmygorlalu! Dahan dahan koya sa dalagitang ako!" rinig na rinig ko na ang tinig ni Girlie mula rito kaya't nagpatuloy ako sa paglakad.

Naabutan ko siyang inaalalayan nung isang lalaking native pasakay ng bangka.

"Uy ateng Lulu, daliii! Nand'yan ka na pala! 'Lika na ditooo!" sigaw niya nang makita ako.

Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon